Taming my Darling CAPÍTULO CUARENTA.
Chapter 40: Business partnership
J E N N I E
[ "Ma'am Kim, sorry po kung nadistorbo ko kayo. May panibago po kasi tayong Business partnership at gusto ka daw po makausap ng CEO nila." ] Napatawag saakin ang isa kong kliyante.
"Business partnership?. Kakatapos lang natin sa isa, may panibago na ulit?." Grabe, nakaka-stress talaga ang paghawak ng isang kumpanya.
[ "Yun nga po ma'am eh, sinabi ko na po na hindi muna tayo tumatanggap sa ngayon dahil nasa ibang bansa kayo at hindi pa kayo makakapag handle ng isang request eh ang kulit po kasi kaya pinatawag po ako sainyo." ] Sabi niya ng masinsinan sa kabilang linya.
Nagtaka naman ako bigla.
"Say this to them Lia. Before i accept their requesting partnership to my company, they need to give me some information about their company first, hindi ako basta basta tumatanggap ng kahit kaninong alok." Utos ko sakanya.
[ "ASAP po ma'am, i'll be right back." ] Sabay patay niya sa kabilang linya at ibinababa ko narin ang hawak kong telepono.
Sabay napahilot sintido naman ako habang umuupo. Nahihirapan akong i-handle ang TP ( TOP PRIORITY ) RYTE CO. na ipinahawak saakin ni daddy. Business about modeling kasi ang napili ko sa alok ni daddy at salamat naman sa diyos dahil naging successful ang career ko.
Maraming pinanghahawakan si dad na iba't ibang Company at ang karamihan dun ay partner silang dalawa ni tito Song Ji, Taehyung's father. Simula ng makapagtapos kami ni kuya ng pag-aaral ay pinahawak saamin ni dad ang kaniya kaniyang kumpanya para patakbuhin, para narin matuto kami. Di ko na masabi dahil parang ibinigay na talaga saamin ang ilan sa mga iyon dahil umabot narin ng ilang taon kung gaano namin katagal ito pinanghawakan.
At ang masasabi ko lang ay sobrang hirap, napakahirap kapag nagsabay sabay ang lahat ng gawain. Puro requirements ng iba't ibang Company at brand, partnership at iba pa. But life is hard kaya kailangan kong tiisin yun para sa kinabukasan ko at lalo na para sa mga anak ko. Ayoko namang ipaubaya pa sila kila mom and dad, lumilipas ang panahon at tumatanda narin sila kaya mas kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.
Don't depend on others everything that you can do by yourself, learn how to stand on your own feet.
Napatitig nalang ako sa mga anak kong masigla at masayang naglalaro sa sala dala ang mga laruan nilang bago. Napangiti nalang ng kusa ang labi ko. Everytime i look at them, napapawi lahat ng pagod ko, gumagaan ang pakiramdam ko.
Napatingin naman ako kay Caliah na ngayon sa halakhak na ng tawa habang nakaturo ito sa kaniyang kuya na bisangot na nakatingin lamang sakanya. Napakaganda at gwapo talaga ng mga anak ko, ang masasabi ko sa mga itsura nila.
Si Caliah ay nakuha ang mata at bibig saakin pati narin ang attitude nito, minsan seryoso minsan naman makulit. Pero sa ama niya naman nakuha ang kaniyang ilong. About my son, Cayden... wala nakong masabi dahil halos lahat ng napunta sakanya ay namana niya sakanyang ama.
May pagka attitude, seryosong seryoso, minsan lang ngumiti o sabihin ko nalang na bilang lang sa daliri ang pagtawa nito. Mapailong, labi, mata, ugali ay sa ama niya nakuha. Cayden is xerox copy of him and Cayden is like his childhood look version.
Nagtatampo ako ng kaunti kasi unti lang ang nakuhang itsura saakin ng mga anak ko at bilang lang dahil bukod tanging kay Caliah lang ako lamang.
Maya maya lang ay nag ring ang phone ko at agad ko namang sinagot ito.
"Hello?." Tanong ko.
[ "Ay ma'am ako po ito, si Lia." ]
"Oh Lia, ikaw na pala ulit. They give you a feedback?." I asked her.
[ "Yes ma'am and kusang CEO po nila ang nakausap ko." ]
"What did he say to you?."
[ "Their company name is Jeongsong Co. and the name of their Head CEO is Mr. Kim daw po." ] She said.
Napangunot naman ako ng kilay.
"Mr. Kim?, wala na bang sinabing buong pangalan?."
[ "Wala na po ma'am, sainyo na daw po sasabihin ng Head nila." ] Ang dami namang kaartehan, naka private ba sila?.
Pero teka, Mr. Kim? kaapelyido ko yun ah at Jeongsong Company?. Bakit parang pamilyado saakin ang pangalan ng kumpanya nila?.
"Okay, thanks for the information Lia. You may go back to your work." Sabi ko at binababaan na siya ng telepono.
Napabuntong hininga ako, bakit parang may kutob ako?. Di ko mapaliwanag pero may kakaiba eh, hindi basta basta. Oh gosh Jen! think carefully. Baka naman kaparehas lang din talaga ng sakanila so stop thinking deeper, mababaliw ka na nga kaiisip sa kumpanya tapos iisipin mo pa siya dahil lang dun sa nag request ng business partnership?!. Napahilamos nalang ako sa mukha ko, why am i thinking of him? oh stop daydreaming again Jen. Tigil ka na sa bisyong mangarap ng gising, shit! matauhan ka nga self!.
Argh!. What is going on with me? again?.
---🍓---
xoxo04/12/21
BINABASA MO ANG
FL B2: Taming My Darling || REVISING
Romance"I wore your promise on my finger for many years I'll wear your name on my heart till i die Because you were my boy, you were my only boy and my love forever." :> mweisrubyjane ••• Despite the hardships she went through, she still overcame it, she o...