Chapter 2: Pana-panahon

11 2 0
                                    

"Maghunos dili ka nga ate" Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala niyayakap ang unan nang mahigbit habang patuloy na sumisigaw dito.

"Alam mo kapatid, ako ay pabayaan pagkat ako'y kinikilig lamang sa mga naiisip ko sa aking imahenasyon" tiim ang bagang siinagot siya. Muling sumidhi ang saya sa aking sarili nang saglit akong magbalik-tanaw sa nangyari kanina. "Estefan, bakit hindi ko mapigilang hindi alisin ka sa aking isip?".

Napaputi ng mata si Josefina dahil sa aking sinabi, tumalikod at umalis na ito upang matulog sa kanyang silid.

Hindi nagtagal ay pinatay ko na rin ang lampara at tanging ilaw nalang ng buwan ang pumapasok sa aking kwarto. Masaya kong kinuha ang kumot at dahan-dahang inilagay sa sarili.

Papikit na ako ng mata nang makarinig ng tunog mula sa mga batong tumatama sa sa aming ding-ding. "Binibining Julia..." may kung sinong tumatawag na pabulong sa labas na labis kong ikinabahala. Mabilis at kunot nuo akong bumangon, patuloy na pinoproseso ang nangyayari.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay siyang may kung sinong taong umaakyat sa aking bintana. Agad kong tinakpan ng kumot ang sarili at pilit akong pumipigil sa pagsigaw. Hindi ko masyadong makilala kung sino ang taong umakyat dahil ang buong katawan niya ay nababalutan ng anino. Kung hindi lang sana sa buwan.

"Julia..." dahan-dahan itong lumapit papunta sa akin at dali-dali ko ring sinindihan ang lampara. Nanginginig ang aking dalawang kamay na mas pinahirap pa ang sitwasyon.

"Makisama ka naman!" nang makagawa na ako ng apoy at sinindihan ang lampara mabilis kong iniharap sa lalaki. Hindi ko na naramdaman na sobrang lapit na naming sa isa't-isa.

Ibinuka ko ang aking bibig na handa nang sumigaw anumang oras subalit ganun na lamang kabilis niyang tinakpan ito. Unti-unti niyang inalis ang balabad sa kanyang mukha at nang mapagtanto ko kung sino ito agad lumaki ang aking mga mata.

"Estefan?" tanong ko sa aking isip. Hindi ako nagkakamali na si Estefan ang akng kaharap, pero ano ang ginagawa niya rito sa aking kwarto. At bakit hindi nalang dumaan sa pintuan?

Suminyas siya na huwag akong mag-iingay gamit ang isang daliri tabi ng kanyang labi. Tumango ako sa kanya nang marahan at Unti-unti niyang inialis ang kanyang kamay sa aking bibig. "Bakit ka narito?" bulong kong tanong sa kanya.

Umayos siya ng upo sa aking higaan. "Gusto ko lang na makasama ka nang matagal, napag-isip-isip kong sulitin ang pagsasama nating dalawa dahil isang linggo lang ang pananatili ko rito at babalik na naman ako sa syusad upang...." may sasabihin pa sana siya ngunit hindi niya ito tinuloy. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. "Oh ano? Gusto mo bang tumakas" sabi niya at halatang napipilitan lang siya ngumiti.

Tumango nalang ako at kinuha ang kanyang kamay na nag-aalok. Sabay naming tinakasan ang aking pamilya sa aking tahanan. Waring mga takas sa bilangguan at nag-iingat na hindi mahuli.

Habang kami ay tumatakbo at hinahawakan niya ang aking kamay ay hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Ano kaya ang pumasok sa isipan niya na kung bakit gusto niya akong makasama sa ganitong lalim ng gabi.

"Hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito" saad niya nang makarating na kami sa dati naming palaruan. May isang malaking puno ito at may nakasangkay ng isang duyan. "Matibay pa kayo toh?" sinubukan niya itong alugin at tinignan sa itaas.

"Hindi ko alam, hindi na rin ako nakakapunta rito".

"Gusto mo, subukan natin".

"Ano?" pagtataka kong tanong. Hindi na siya sumagot at inalok niya sa akin ang upuan na para bang isa akong prinsesa na pinaglilingkuran ng isang kawal.

Nginitian ko siya at dahan-dahang umupo sa duyan. Habang patuloy niya akong dinuduyan sa ilalim ng nanonood ng malaking buwan, pakiramdam ko ay parang bumabagal ang takbo ng oras.

Bawat ngiti niya ngayon ay hinihiling kong sana hindi na matapos ang gabing ito. Nilalamon ng masasayang ala-ala ang paligid. Animo'y biglang nagsisilabasan ang mga nangyari sa amin nung bata pa kami. Takbuhan, habulan, tawanan at pag-uukit ng pangalan naming sa puno.

"Anjan pa kaya yung inukit nating pangalan sa puno?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya dahil parehas kami nang iniisip. Napatigil siya ng pagtulak sa akin at marahang lumakad papunta sa puno. "Andito pa rin pala, Hindi pa rin sila nawawala" saad niya habang hinahawakan ang mga ito.

Bigla ring pumasok sa isip ko ang tanong ko sa aking kapatid kanina. "Naniniwala ka ba na pwede tayong mabuhay sa susunod nating buhay?".

Napalingon si Estefan sa akin na may kunot-noo sa mukha. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.

Tumingala ako sa mga bituin at sumagot. "Ang gusto ko lang sabihin ay kapag namatay na tayo ngayon, ay muli tayong mabubuhay sa susunod na panahon. Andoon pa rin ang ating kaluluwa ngunit iba na ang ating katawan. Naniniwala ka ba roon?".

Nararamdaman kong tumitingin siya sa akin ngunit patuloy pa rin akong nakatingin sa mga makikinang na bituin sa kalangitan kasama ang buwan. "Paano kapag totoo iyon?" tanong niya. Mukhang naiintindihan niya ang gusto kong iparating.

"Gusto ko lang na sana sa susunod kong buhay..." mabagal kong sagot at tumingin sa kaniya. "Mabuhay akong mayaman, may-ari ng napakalaaaakinnnnggg lupain" sabi ko habang binuka ang dalawa kong kamay na para bang may malaking taong yayakap sa akin.

Ngumisi siya at napayuko. "Bakit mo pangangarapin ang maging isang mayaman?" sarkastiko niyang sabi at tumingala sa kalangitan na saktong may dumaang falling star. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya? Hindi ba yun naman ang pangarap at hiling ng nakakarami? "Alam mo? Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa mga taong mayayaman dito sa atin!" sabi niya.

Porket mayaman na sila at kami ay mahirap. Madali lang para sa kanya na sabihin yun.

Hindi ko na napigilang mainis sa sinabi niya. "Parang kinumpara mo na rin ang patatas at ang saging" bigla ring nagbago ang ekspresyon sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Nakakapagtaka namang nabanggit niya ang mga iyon. Tumingala na rin ako sa itaas. Napakaganda talaga pagmasdan ang kalangitan kapag kasama mo ang paborito mong tao. "Ang buhay ay parang saging at patatas. Ang patatas ay nagsisilbing mga taong mahihirap na simula palang ay nasa madilim na lugar na, nadudumihan, masikip at lumalabas na may sugat at mga pasa".

"Nagtatyaga sila para mabuhay" seryoso niyang sabi. "Minsan, napapatanong ang mga patatas at gumugulo sa kanilang isipan sa tuwing nakakakita sila ng mga saging".

"Bakit sila pinanganak agad sa itaas, magaganda, malilinis at waring walang bakas ng kahirapan sa kanila? Tanong nila sa isa't isa" dahil sa sinabi niya, napataas ako ng isang kilay at unti-unting pinoproseso ang lahat ng mga binibigkas niya sa akin. "at ang mga saging naman, sila yung mga nagsasabing napakagandang mabuhay, maayos, at walang problema. Mga taong nabuhay na agad na may subong gintong kutsara".

"Pero naisip mo rin ba?" tumingin ako sa kanya at malagkit niya rin akong tinignan. "Kapag sinubukan mong pigain ang saging, mawawalan siya ng halaga? Doon palang talo na sila".

"Kaya kung ako ang papipiliin mo! Gusto kong maging patatas. Dahil ang mga taong maraming napagdadaanang hirap sa buhay ay ang mga taong kahit ilang piga mo ay hindi mawawalan ng halaga, mga taong hinubog ang sarili upang maging matagumpay at higit sa lahat, sila ang mga taong balang araw ay may magandang ikikwento na kahit ang mga saging ay hindi kayang pantayan".

"Kaya huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa mayayaman, dahil iba ka! Una sapul ay inilagay ka na sa lupa upang maramdaman mong buhay ka at malaman mo ang halaga ng buhay".

Hindi ko na napigilan ang sarili na maluha at pinipigalan ito. Hindi ako makapaniwala na may bigat ang sinabi niya. Minsan kasi sa buhay natin, mabilis tayong mainggit at matukso sa mga taong may ari ng bagay na wala tayo. Hindi natin alam na hindi yun ang rason para mabuhay. Nabubuhay tayo upang maramdaman ang sakit at hirap, na nagreresulta ng kalakasan natin.

Salamat Estefan dahil pinaintindi mo sa akin kung ano ang kahulugan ng buhay.

Nginitian ko si Estefan nang matamis at ibinalik niya rin ito sa akin.

El Valor de la Vida (Short story) [Completed]  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon