Chapter 1: Kabiyak ng puso

19 3 0
                                    


Lagi kong ipinapanalangin na sana sa susunod nating buhay.

Ay magkatagpo ulit ang ating landas at makasama ka nang matagal.

Kahit man lang.

Makita ko ang iyong mukha at;

Makita kang masaya.

Habang nilalasap ang iyong mahaba't mahabang buhay.

Napamulat ako nang marinig ko ang boses na alam kong pagmamay-ari ito ng aking nakakabatang kapatid na si Josepina. "Ate Julia? ano? Bakit ka naparirito't nag-iisa?". Marahan akong bumangon sa pagkakahiga sa malambot na damuhan.

Ramdam ko ang lamig ng hanging dumadampi sa aking mukha na para bang niyayapos ako, at ang mga amoy ng mga bulaklak sa paligid ay hindi nakaligtas sa aking ilong. Napakabango.

"Naniniwala ka bang pwede tayong mabuhay muli sa susunod na buhay?"

"Ano na naman ang iyong pinagsasabi diyan" napadikit ng kilay si Josefina, takang taka sa pinagsasabi ko ngayon. "Minsan, iniisip ko kung saang lumalop ka nanggaling at kung kapatid ba talaga kita".

"Tsssk," tumayo ako at pinagpaggan ang aking suot "Mas papangarapin ko pang maging sinong tao jan kesa makasama ka, kapatid" pagpapapilosopo kong sabi. "Bakit ka nga ba narito?".

"Tiyak akong magugustuhan mo ang dala kong balita".

Napaharap agad ako sa kanya habang naniningkit ang aking mata na wari'y naghihintay sa sasabihin ni Josefina.

Napasingkit din siya ng mata "Base sa iyong mukha, parang interesado ka talagang marinig ang balita sa aking bibig".

"Wag mo nang patagalin pa, sabihin mo na!" paglilisik ng aking mga mata.

"Bale, ito na nga ..........".

"ANO!? TAMA BA ANG AKING NARINIG MULA SA IYO?" napasigaw ako nang malakas matapos marinig ko ang impormasyong nakalap ko mula sa aking kapatid.

"Hinaan mo nga ang iyong boses, ate Julia" ngiting saway niya sa akin at pagpalo ng kaniyang pamaypay.

"Patawad, pero tama ba ang aking narinig?" pagtatanong ko muli sa kanya, mahirap na baka umasa na naman ako. "Naninigurado lang".

"Oo, baka naroon na nga sa kanilang tahanan".

"MAGMADALI, JOSEFINA! Kailangan natin siyang salubungin".

Nagmadali akong bumaba habang mariin kong hawak-hawak ang aking babong.

"Hintayin mo ako, ate!"

Agad kong inayos ang sarili nang makarating na kami sa bahay ni Estefan, siya ang taong kinikiwento kanina ni Josefina na wari'y alam niyo na may gusto ako sa kanya base sa aking kinikilos.

"Ayos na ba ang aking mukha?" tanong ko kay josefina.

Pawang may inayos pa si Josefina sa aking buhok bago magsalita. "ayan, maayos na!".

Hindi nagtagal, biglang bumukas ang pinto ng bahay na siyang ikinagulat ko. Mas lumaki pa lalo ang aking mga mata nang makita kung sino ang bumukas nito. "Ginoong Estefan?".

Binigyan niya ako nang matamis na ngiti na mas itinibok ng aking puso nang mabilis. Rinig na rinig ko nang malakas ang bigat na pagpintig ang aking puso.

*Dug *Dug *Dug *Dug

Hindi ko na maiwasang hawakan ang dibdib dahil sa kabang umaapaw sa aking katawan, na mas tumitindi pa lalo habang patagal nang patagal ang pagtitinginan naming dalawa.

"Kamusta ka na? Julia?" tanong niya.

"A-a" pagkukurap kong saad. Bumalik lang ang aking pag-iisip nang sikuin ako ni Josefina. "Ang ibig kong sabihin, ayos lang ako. Ikaw ano ng balita sa iyo?".

Kung hindi niyo naiitanong, si Estefan ay isa kong matalik na kaibigan simula pa nung mga bata pa kami. Naalala ko pa rati na imbes na ako ang ipagtanggol niya e ako pa ang nangtatanggol sa kanya nang pagbabatuhin at awayin siya ng iba naming kalaro. Iyakin at dungisin si Estefan pero ngayon? Mapapanganga ka nalang sa sobrang kisig ng kanyang pangangatawan at ang kanyang mukha na rati ay marungis ngayon ay parang pinaulanan ng libo-libong bituin na mas nagniningning sa kaakitan.

"Ayos lang naman ako, eto buhay pa rin matapos mag-aral ng medisina sa Manila" pagngingiti niyang saad.

Ibubuka pa sana niya ang kanyang bibig nang biglang pinutol ito ng kanyang kapatid na lalaki na si Filamer. "Wahhh" birong panggugulat niya sa amin galing sa likuran ni Estefan. Ikinaikot ito ng mata ni Josefina dahil si Estefan at siya ay dakilang magkaaway. Magkasing edad lang silang dalawa. Hindi matatawaran ang sama ng loob ni Josefina kay Estefan dahil mula noon ay palagi na nitong niloloko o inaasar. "Magandang hapon, binibining Julia" pagbabati niya sa akin. Humarap siya sa aking kapatid na may mukha na parang may binibalak na masama.

Napatindig nang maayos si Josefina at mukhang inihahanda ang sarili sa posibleng mangyari sa kanya. "Magandang Hapon din sa iyo, binibining Josefina" pagngingiti niya sa kanya.

Tahimik ang umiral sa aming apat, at siya lang nakangiti. Naghihintay kami kung may gagawin ba siyang masama kay Josefina na ngayo'y pinagpapawisan. "Ayaw niyo pumasok, mga binibining maririkit?" pagaalok ni Estefan.

"Maraming Salamat sa pag-alok". Mukhang walang gagawing masama si Filamer ngayon ah, nagbagong buhay na siguro.

Hindi nagtagal, biglang tinapunan ng kung anong bagay ni Filamer si Josefina. Napatalon, napasigaw at nataranta ito at laking gulat ko nalang nang makita iyon, napatalon din ako sa Nakita at pumunta kay Estefan. Napahawak ako sa kanyang dibdib habang sinusubukan kong magtago rito. Bago ko lang napagtanto ang ginawa ko nang maramdaman ang kanyang kamay na pumalibot sa aking bewang at ang isa niyang kamay sa aking ulo.

Uminit ang aking pisngi at dahan-dahan akong ngumiti sa nangyari. Sa wakas, sa haba ng panahong lumipas, nayakap ko na rin siya. 

El Valor de la Vida (Short story) [Completed]  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon