Chapter 3 : Hapagkainan

5 0 0
                                    

Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti habang nagluluto ng aming umagahan. Inaalala ko ang bawat segundong nangyari sa akin kagabi kasama si Estefan. Yun na siguro ang pinakamasayang gabing nagyari sa akin. Buti nalang hindi kami nahuli ng aking pamliya na tumakas ako kagabi. Kung hindi, yare talaga ako.

Sakto ring dumating ang kapatid kong kagigising lang. "Oh inay?" pagbati niya sa aking ina na nagtatanggal ng dahon ng malunggay. Napansin ako ng aking kapatid "Anong meron bakit ang aga mo naman yata gumising ngayon?" sabi niya habang humihikab. Napalaki ng mata ang kapatid ko nang makita ang aking ginagawa. Tila Nawala ang mabibigat na nakalambitin sa kanyang talukap sa mata. "Nakakagulat namang pagmasdan na nagluluto ka ngayon, at mukhang masaya ka pa ha".

"Pabayaan mo nalang, Josefina! Mabuti nga ay natauhan ang iyong nakakatandang kapatid na tulungan na ako sa Gawain ng bahay, hindi puro ako nalang" pagsesermon niya habang nagtatanggal pa rin ng dahoon.

Lumapit sa akin si Josefina na naniningkit ang mata at bigla niya akong kiniliti. Napatalon ako sa gulat. "Ano ba Josefina! Nakikita mo bang nagluluto ako ngayon?".

"Bakit ka nagluluto? Ikaw ha may hindi ka sinasabi sa akin" pagbibiro niya.

"Tsskk, masama na pala magluto ngayon ah? At tsaka marunong at masarap akong magluto" pag-iikot ko ng mata sa kanya habang hinahalo ang aking niluluto.

Magsasalita pa sana si Josefina nang biglang may kumatok sa pinto. "Tao po?".

"Puntahan mo nga iyon Josefina" utos ng aking ina.

"Opo ina".

Hindi nagtagal ay bumalik na si Josefina ngunit hindi siya nag-iisa. "Hulaan niyo kung sino ang kasama ko".

Lumingon ako sa kanya at biglang bumagal ang mundo ko nang lumabas sa gilid si Estefan. Napakaganda niyang pagmasdan mula rito, ang malalambot niyang mga buhok, kumikinang na mga mata, makisig niyang pangangatawan at kung paano siya tumindig na kala mo sang prinsipeng nanggaling sa isang napakalaking kaharian. Ngayon ko na ulit siyang nakitang lumabas ng ganitong kaagang oras.

Napabalik nalang ako sa realidad nang magsalita si Josefina. "Ate? Anong nangyayare sa iyo? Bat ka nakatulala?" pakaway-kaway niyang sabi.

"ahhh ee, ano pala ang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at iniiwasang sagutin ang huling tanong ng aking kapatid.

"Itinatanong ko lang sana kung nasaan si Mang Santiago, ang iyong itay!" sagot niya. "Magpapatulong sana ako sa kanyang ayusin ang kusina namin, mukhang may sira na sa parte ng bahay namin. Alam ko namang si Mang Santiago ang pinakamahusay na karpentiro rito sa ating probinsya".

"Napano ba ang kusina niyo?" pag-alalang tanong ng aking ina.

Napahawak ng ulo si Estefan. "Dahil po sa siguro matagal nang hindi natitirahan kaya medyo rumupok na ang sahig, kaya nabutas ito. Lalo na po yung bandang sa lutuan".

Nagulat kaming dalawa ni Josefina nang magmadaling pumunta ang aking ina kay Estefan. "Paano kayo niyan kapag magluluto?" mas ikinagulat at ikinalaki pa ng aming mata nang biglang hawakan ni Inay ang mukha ni Estefan na para bang manghang-mangha ito. "Ang lambot naman ng iyong mukha, ginoo. Parang kelan lang ay gusgusin at ang dumi-dumi mo pa".

"Inay!" sabay naming saway ni Josefina.

"Ayyy este, hindi pa ba kayo kumakain ha?" tanong niya.

"Hindi pa po, siguro pagtapos po naming asikasuhin ang sira sa kusina".

"Ganun ba? Gusto mo bang dito kumain?".

El Valor de la Vida (Short story) [Completed]  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon