Chapter 4: Layunin

5 0 0
                                    

"Ayaaan mukhang bago na ulit" masayang sabi ni Itay at lumakad paatras habang tinitignan ang kesameng kanina lang ay sira dahil sa anay. Ang kusina nalang kasi ang natitirang kahoy sa kanilang malaking mansion at puro marmol na lahat.

Inabutan ni Estefan ng tubig si Ama. "Salamat ejo".

"Mukhang tatagal ng ilang taon pa itong kusina niyo" sabi ni Itay. "Bakit ng aba, hindi niyo pa ito gawing marmol kagaya ng buong bahay niyo?" tanong ni Itay sa kanya.

Lumingon si Estefan sa paligid na parang may inaalala siya. "Ayaw ko kasing mawala ang ala-ala, kasama ang aking lola. Bawat sulok ng kusina na ito, ay dito ako lumaki kasama niya" Tinignan niya ako sa pintuan. "Kaya malapit sa aking puso ang pagkain" sabi niya ng nakangiti sa akin sa di kalayuan.

"O siya, aalis muna ako, dahil pupunta pa ako kila Mang kanor para ayusin ang kulungan ng baboy nila" pagmamaalam ni itay. "Ikaw Julia? Sasabay ka ba sa akin?" tanong niya sa akin. Gustuhin ko mang sumama kay Itay pero parang mas gusto kong makasama si Estefan. "Parang gusto mo yatang magpaiwan muna rito sa kanila?" binigyan ko lang si itay ng tingin na nagpapahiwatig ng Oo. "O sige, pumarito ka muna. Basta Estefan, iuuwi mo siyang buo ang katawan at huwag masyadong magpagabi".

"Opo, Mang Santiago!" sagot niya. Napangiti kami sa isa't isa sa desisyon ng aking itay.

Nang tuluyan nang makaalis ang aking Itay, saka nagsalita si Estefan. "Gusto mo bang makita si Gusgus?".

Ilang taon ko na ring hindi nakikita si Gusgus, ano na kaya ang lagay niya ngayon? Naalala ko rin ang isa niya pang kasama na si Botbot. "Kasama niya rin ba si Botbot?" tanong ko.

"Oo naman, kelan pa sila nagkahiwalay?".

"Sige tara".

Nagsimula na kaming umakyat sa kanilang pangalawang palapag patungo sa kanyang kwarto. Ganun pa rin ang itsura nito, walang pagbabago. Medyo malinis na kumpara rati.

Pumunta si Estefan sa harap ng aparador, at parang may kinuha siya bandang ibaba na karton.

"Tadan, Si gusgus at si bobot" sigaw niya paharap sa akin hawak-hawak ang dalawang malaking laruan. Napahawak ako ng dalawang kamay at napangiti nang makita muli si Gusgus at si Botbot ang aming magkasintahan na laruan.

Si Gusgus ay isang Bakang laruan at si Botbot naman ay isang kulay kayumngging aso. Kinuha ko si Gusgus at niyakap nang mahigpit. "Kamusta ka na! Gusgus! Masaya akong makita kang muli".

"Ako rin, binibining Julia" sabi ni Botbot na binobosesan ni Estefan.

"Botbot, nasaan ang pagkaing damo ko?" tanong ni Gusgus na binobosesan ko.

"Arf, Hindi ko alam. Arf".

"Kinain moooOOO ba?".

"Hindi ko alam pinangsasabi mo, Arf! kung gusto mo? Tulungan kitang hanapin yun? Arf".

Tumagal ang aming paglalaro ng ilang oras. Sa loob ng oras na iyon ay walang sawang tawanan lang ang naganap. Ang saya lang sa pakiramdam na iyong dating kalaro mo ay nakakalaro mo ulit iyon. Mga masasayang ala-alang nagsisibalikan sa iyong isipan.

Hindi rin namin naramdaman na lumubog na pala ang araw. "Sandali? Anong oras na?" pagpuputol ko sa aming pagtawa. Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng orasan ngunit wala akong makita.

May hinugot si Estefan sa loob ng kanyang damit, at ito'y isang maliit na orasan na kulay ginto. "Alas siete na pala".

"Uuwi na ako, moooo. Nakakatakot na umuwi. Moooo".

Tatayo na sana ako para umuwi ngunit may bigla akong naalala kay Estefan. "Natatakot ka pa rin ba?".

Tinignan niya ako nang mariin. "Ano ang ibig mong sabihin?" mababang boses na tanong niya na animo'y paos.

"Na natatakot ka na hanggang ngayon hindi mo pa nahahanap ang layunin mo sa buhay" matagal na ring simula nang sabihin niya sa aking ang pinakatatakutan niya sa buhay. Kung ako ay ang kinabukasan ko, sa kanya naman ay layunin niya sa buhay.

Napahinto siya ng isang saglit bago sumagot. "Kahit natapos ko na ang pagmemedisina ko, parang may kulang pa rin. Hindi ko alam kung ano!" pailing niyang sabi.

Matagal ko na'tong hinintay ang pagkakataon na ito. Sabihin ang mga bagay na pwedeng maitulong sa pananaw niya. Gusto kong maging parte ng buhay niya. "Alam mo Estefan?" inilagay ko sa harap ang laruan na si Botbot na tumakaw sa kanyang pansin. "Isipin mo na lang na ganito, Kung ikaw ay nasa loob ng madilim na kwarto, hindi ba wala kang nakikita?" tanong ko at patango-tango siyang sumagot. "At kung bibigyan ka ng isang singkarol, doon kana muli makakakita sa paligid. At kung bibigyan ka ng mas malaking ilaw, mas lalaki ang makikita mo sa loob. At lalo na kapag Nakita mo ang pindutan ng ilaw at buksan ito, Lalo mo makikita ang buong kwarto" pagpapaliwanag ko habang pinapakita ko kay Botbot na nagsisilbing siya. Patango-patango pa rin siyang nakikinig at mukhang interesado sa mga detalyeng ibinubuga ng aking bibig. "Isipin mo lang lagi na hindi porket patay ang ilaw ay wala ng bagay sa loob ng kwarto, ang ibig sabihin lang nito ay hindi ka equip para makita ang nasa loob nito".

Pumutol ako ulit bago nagpatuloy "Bawat karanasan at kaalaman na dumaragdag sa iyo, ay unti-unti mo naring maiintindihan kung ano talaga ang buhay. Subukan mo lang gamitin ito upang makita mo ang kahulugan ng buhay na matagal ng nariyan. At ang ilaw ng iyong puso ay unti-unti ring magliliwanag na mas magagamit mo upang makita mo ang mga opportunidad na dadating sa buhay mo, at makita mo ang layunin sa buhay. Ang layunin ay hinahanap at hindi basta basta natatagpuan kahit saan" Hindi man ako marunong magpaliwanag ng husto ay mukhang naiintindihan niya ang gusto kong iparating sa kanya dahil sa abot langit na ngiti niya sa akin. Makakatulog na rin ako ng payapa dahil sa wakas ay naging parte na ako ng buhay niya. Ang kailangan ko nalang siguraduhin ay maging kahati ng kanyang puso.

Dahan-dahan niya akong nilapitan habang nagkakatinginan kami nang malagkit sa mata, nakaupo lang ako katabi niya at ang mukha niya ay paunti-unti akong nilapitan. Hinawakan niya ako sa mukha na mas ikinatibok nang mabilis ng aking puso. Pumikit ako nang marahan at saka naramdamang dumapi ang kanyang mainit na labi sa aking labi. "Julia" bulong niya. "Salamat". Hindi ko rin alam pero parang may tumulong luha sa kanyang mata. Ang alam ko lang ay masaya akong kasama siya ngayon, ito na yata ang pinakamasayang gabi na nangyari sa akin.

El Valor de la Vida (Short story) [Completed]  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon