Chapter 5: Ang kasal

12 1 0
                                    

Mga huni ng ibon ang gumising sa masarap kong pagtulog, pagaspas ng dahoon at ingay ng mga batang naglalaro sa labas. Tumayo ako at pumunta sa bintana. Ibinuka ko nang Malaki ang aking buong kamay at nilasap ang sariwang hangin. "Ahhh, ang himbing ng tulog ko kagabi".

Bumaba na ako para mag almusal. Pagbaba ko sa kusina ay nakahanda na ang kape at pandesal na mukhang kakabili palang sa panenderya kila ginang almocera.

Tahimik na kumakain ang buong pamilya ko sa mesa na mas pinagtaka ko dahil hindi ganun katahimik sila kumain. Napataas ako ng kilay "Oh para namang may namatayan sa inyo?" kumuha ako ng kapirasong pandesal at kinain.

Nagkatinginan silang tatlo na para bang nagtatalo sa kani-kanilang isipan. "May dapat ba akong malaman?".

Nagkatalunan muna sila kung sino ang sasagot sa aking tanong. Hanggang magsalita na si Josefina nang mabagal. "Ate?" sabi niya na kala mo takot.

"Ano ba meron? May surprisa ba sa akin si Estefan na alam kong nagtatago lang sa gilid" pagpaparinig ko at lumingon-lingon na hinahanap si Estefan si paligid.

"T-tungkol sa kanya ate?".

"Anong tungkol sa kanya?".

Sinimulan n ani Josefina na magpaliwanag sa akin kung ano nangyari kay Estefan, dahil sa sinabi niya ay nabitawan ko ang pandesal na nangalahati na sa pagkain ko.

Wala akong sinayang na oras at tumakbo palabas ng bahay. Parang may malaking tinik na bumaon sa dibdib ko.

Nagmadali na akong sumakay sa kalesa. "Kuya sa simbahan po sa Bayan!" agad namang niyang pinatakbo ang kabayo at naiwan naman ang aking pamilyang nakatingin sa akin at nag-alala.

Hindi ko lang matanggap sa sinabi ni Josefina na umalis na si Estefan.

"Ate? Ikakasal na si Estefan sa simbahan ngayon. Nasabi sa akin ni Filamir kahapon na umuwi sila rito dahil gusto ni Ginoong Estefan na magpaalam sa pinakamamahal niyang tao".

Kusang nagsilabasan na ang aking luha na hindi ko na mapigilan pa. Hindi ko matanggap na sa kabila ng mga nangyari sa mga nakalipas na araw na kasama ko si Estefan ay ni-isa ay wala siyang nasabi sa akin na ikakasal na siya. Para akong tangang umaasang maging kami sa huli.

"Binibini ayos ka la-".

"Kuya, pakibilisan naman ohhh" wala nang maayos na tumatakbo sa aking isipan kundi ang makarating agad sa simbahan. Tatlong minuto pa para makapunta sa simabahan, na pakiramdam ko ay ilang taon pa bago kami makakapunta roon.

Wala pa rin ang aking pagtangis sa likuran. Walang tigil na paghihinagpis na hindi ko matanggap-tanggap.

"Hoyyy bakit niyo siya inaaway? Ang sasama niyo?" pagtatanggol ko kay Estefan.

"Ee bakit ba? E kung gusto naming siya awayin".

Inilabas ko ang aking dalang sandata na tilador at saka itinutok sa kanila. Nagsilakihan ang kanilang mga mata dahil sa takot. Ako yata ang pinakamagaling magtilador dito sa amin. Nagsitakbuhan ang mga bata at nagsisigawan sa takot. May iba ring nadapa dahil sa pagtatarantang tumakas sa akin.

"Buti nga sa inyo!" sigaw ko at humarap na kay Estefan. "Ayos ka lang?" pag-aalala kong tinignan ang buo niyang katawan. Tumango lang siya sa akin habang nakahawak siya sa kabilang bisig niya. "Diba sabi ko naman sa iyo, na dapat iwasan mo sila at sumama ka sa akin! O siya sigi, napakain mon a ba si Gusgus at si Botbot?".

El Valor de la Vida (Short story) [Completed]  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon