Chapter 17

100 2 0
                                    

Bago ang lahat mga kaibigan .. I wanna apologize for the very late update from your very lazy author. HAHA hindi naman. masyado kasing nagkapatong patong yung gawain sa school. Alam nyo naman ang buhay ng TOTOONG estudyante di katulad sa story dito sa wattpad, kailangan dugot pawis mo ang ialay mo makapasa ka lang :D oh well enough na ..


umm dun sa mga ayaw ng nabibitin I suggest na tyaka nyo nalang basahin pag tapos na.. mabagal kasi talaga ako mag update :D sarey.


————————————



(Evette's POV)


Nang makita kong maingat na nilalagay nila Ivan ang mga bangkay nila pat at chard sa mga bag na yun. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga nasasaksihan ko o sadyang nasa masama lang akong bangungot. Yung mga kaibigan kong kasama at kausap ko lang nung nakaraang araw... Malalamig nang bangkay ngayun. Hindi ko magawang maniwala. Ayoko maniwala. Pero kahit anong gawin ko... Kahit anong gawin namin ... Totoo ang lahat ng ito. Walang ni isa sa mga nangyari ang panaginip lang. Nandito talaga kami sa isang islang punong puno ng mga halimaw.

Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko makuha kung ano ang iniisip nilang lahat. Kung umalis nalang sana kami agad sa lugar na toh edi sana hindi na lumalala pa ang mga nangyari. Ano ba kasing hinihintay namin dito? Ang masapit din namin ang nangyari sa iba? Maghihintay nalang ba kami dito hanggang maubos kami isa isa ng mga halimaw na yun?

Patay na si tatay. Wala na din si Pat. Pati si Jekjek nagpakamatay na. Ang iba naman hindi namin alam kung nasaan sila. Kung ayos ba sila o... Ganun na din ang nangyari sa kanila.

Makasarili na kung makasarili pero gustong gusto ko na umuwi buo man kami o hindi. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang bumalik dun sa normal na mundo. Walang halimaw, walang kabaliwan, walang patayan, walang kahit na anong narito sa islang toh! Ayoko na.

Ayoko mamatay... Ayoko.

Nakalabas ako sa kwarto namin ng hindi nila napapansin. Bahala na. Ang mahalaga makaalis ako sa lugar na toh. Hindi ko na kaya pang mag hintay ng kahit na isang araw o isang oras pa sa lugar na toh. Tahimik na nagpapahinga ang lahat. Walang nakaramdam sa bawat yabag ko hanggang sa makarating ako sa main door. Tahimik at madilim ang buong paligid ng buksan ko ang pinto. May kaunting fog pa sa paligid. Paumaga na din pala. Kailangan ko nang makalabas bago pa sila magising. Alam kong pipigilan nila ako.

Lima o anim na beses.. O mas madami atang beses ko sinigurado na walang halimaw sa paligid. At mukhang wala naman. Balot ng takot ang bawat hakbang ng paa ko palayo sa bahay na yun. Alam kong sa pag alis ko napakalaking kapahamakan ang mga naghihintay sa akin. Pero hindi ko na talaga kaya pang mag stay dito. Bahala na kung paano ako makakaalis. Ang mahalaga maka uwi ako. Gagawa ako ng balsa o kaya lalangoy nalang ako pabalik ng pier. Ewan ko. Wala pa talaga akong plano pag katapos kong makaalis sa isla. Kung papaano ako makakabalik sa Capiz. o kung makakabalik pa ba talaga ako.

Pero mas okay na na may gawin ako.

ayokong maghintay nalang sa bahay na yun na kainin ng mga halimaw na yun. hindi ko kakayanin.

I have nothing else in my mind right now but just to get away from here.

Medyo nakakalayo layo na din ako sa bahay, andami ko nang gas gas at kalmot mula sa mga tangkay ng punong hindi ko napapansin at pagkakadapa ko sa naglalakihang ugat sa daan. Pero hindi ko nararamdaman ang sakit o kirot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon