chapter 14

105 4 0
                                    

(Gwendolyn's POV)

"sa oras na lumabas sya. patayin mo."

O_o

"naiintindihan mo ba ako?" 

patayin? papatay ako?

"pero, kaibigan pa din nat--"

*click* bigla nyang kinasa yung baril nya at itinutok sa ulo ko.

"simple lang naman toh gwen ehh. papatayin mo sya o... ikaw ang papatayin ko. yun lang naman. at isa pa. alam mo ang kapalit ng pagsuway mo diba? isang tawag lang. isang tawag ko lang sa --"

"oo na! wag mo na silang idamay. oo na."

"yan. madali ka naman pala kausap ehh."

ibinaba nya na ang baril mula sa ulo ko at isinukbit uli sa pantalon nya. naiiyak na ako. ayoko pumatay. pero ayokong mamatay. ayoko ding madamay sila. pero ayoko ding .. ay ewan ko na. akala ko madali lang. akala ko laro lang ang lahat .. kala ko kaya ko.

*gasp* bigla nyang hinawakan ang mukha ko at hinigit papalapit sa kanya.parang madudurog yung mga pisngi ko sa sobrang higpit ng hawak nya. ang sakit. gusto ko umiyak pero di ko magawa. hindi ako pwedeng magpakita ng takot sa harap nya.

"wag na wag mo kong susubukan. hindi ako mangingiming patayin ka."

takot man ako. tinitigan ko sya diretso sa mata.

"wag kang magalala... kung gusto man kita traydorin dapat nung una palang. dapa nung una palang pinatay na kita. hindi na sana umabot sa ganito. pasensya na kung napaisip kang sinusubukan kita. wala kang dapat ipag alala. kakampi mo ko hanggang matapos ang laro na toh."

"mabuti.. yan ang gusto ko sayo." dahal dahan nyang binitawan ang mukha ko. at tinapik tapik ng marahan ang pisngi ko.

"ayan .. sige na mauuna na ako."

tsaka sya umalis. 

*heavy sigh*

parang nawalan ako ng hangin sa sobrang takot sa kanya. hindi ko akalaing aabot sa ganito. hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. hindi ko alam ang gagawin ko. gusto ko silang tulungan pero wala na akong magawa. nandito na toh. hindi ko na maibabalik ang mga nagawa ko na. hindi na. hawak nya lahat. hindi ako makakapag desisyon ng magisa lang. hindi ko magagawang unahin ang sarili kong kagustuhan. 

sana mapatawad nila ako..

*sobs*

“isipin mo din na iniisip ko yung kaligtasan mo !! kaya pwede ba manahimik ka nalang dyan … hindi kita pwedeng pabayaan na mamatay dyan para lang makalabas ako dito ! naiintindihan mo ba ?!”

hindi ako makapaniwalang nandito lang ako sa likod ng pinto kung saan kinulong namin sila .. jekjek at ayie. napasandal nalang ako sa pinto habang pinapakinggan ko silang magtalo. 

SA MGA BAGAY NA PUNO NAMAN NG KASINUNGALINGAN.

“makinig ka sa akin … gusto ko din silang tulungan … kaibigan ko din sila … pero ni hindi nga natin alam kung nasaan tayo .. ano ba talaga ang nangyayari dito .. at kung paano tayo makakalabas dito … kung sarili nga natin hindi natin magawang iligtas sa tingin mo may magagawa tayo para iligtas sila ? wala din diba? *sobs* natatakot din ako Ayie .. pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob kasi kasama pa kita … poprotektahan kita .. kaya please wag mo saktan ang sarili mo … please lang … “

sinubukan kong takpan ang tenga ko pero naririnig ko pa din ang mga boses nila. dinig ko pa din kung papaano sila nahihirapan sa sitwasyon nila ngayon. yung mga pakikiusap nila. *sobs* pero wala akong magawa. wala. ayokong mamatay. ayokong mamatay. ayoko. 

ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon