Chapter 13

99 6 6
                                    

(Cyril's POV)

"May kinalaman ka ba sa mga nangyayari dito?!!!"

Tinutok ko sa kanya yung hawak kong baril at hindi ako mangingiming iputok toh pag nalaman kong may kinalaman sya sa lahat ng toh...

Ewan ko.. Pero malakas talaga ang kutob kong may alam sya ... Nung una palang... Ewan basta anlakas ng hinala ko sa kanya... May alam si Carlo ... Hindi ako mag dadalawang isip kahit kaibigan ko pa sya !

"A-ano bang sinasabi mo? Ako? May kinalaman? Papaanong mangyayari yun? Nababaliw ka na ba--"

*gun shot*

"Sagutin mo ang tanong ko?! May kinalaman ka ba sa mga nangyayari dito ?!!"

Sinubukan nyang lumapit sa akin pero ipinutok ko yung baril sa lupa na kinatatayuan nya... One wrong word carlo ...

Sayo na tatama ang susunod na bala...

"Fu** cyril!!! Wala akong kinalaman sa nangyayari dito! Pareparehas lang tayong biktima dito! .. Pare pareho nating gustong mabuhay! Ano ba naman ?!"

"Papaano mo nalaman ang kalagayan ni Otep? ... Papaano?!"

"Galing ako dun ...kanina pa! Narinig ko ang boses ni otep na sumisigaw sa pangalan mo kaya nalaman kong nanduun sya! Ikaw nalang ang hinanap ko dahil alam kong wala na din akong magagawa para kay Otep... Sa dami ng zombie na nakapaligid sa bangin na yun  wala akong laban .. Kaya umalis ako dun. Hanggang sa mahanap kita dito! Ano ba naman cy?! Ako toh ! Tayo tayo ang kailangan magtulungan dito hindi tayo ang dapat nagpapatayan!... At tan**a! Bakit ko gagawin ang ganitong bagay sa inyo?!"

Wala ba talaga syang kinalaman?

"Tan***a naman cyril ehh! Ibaba mo na yan!"

"Imposible..."

Hindi ... Hindi ....

"Kailangan nating mag madali! Napahamak si Richard .. Kasama sya ni debs... "

O_o

"Anong nangyari ...anong ginawa mo sa kanila?!!"

*gun shot*

Ipinutok ko muli sa lupang kinatatayuan nya yung baril ... Sh** anong nangyari kay Richard ?!

"WALA AKONG KINALAMAN DUN! basta bumalik nalang sila ni debs mula sa pag hahanap sa inyong dalawa ni Otep na putol na ang paa nya ! Hindi namin alam kung hanggang kailan nalang sya mag tatagal! Sa dami ng dugong nawala sa kanya ... Tch... Kailangan na natin syang dalhin sa bahay!"

Naluluha luha na yung mata nya sa pag papaliwanag ... Pero hindi ... Hindi ako maniniwala...

"Kaya wala na tayong panahon na pwedeng sayangin sa nga kabaliwan mo! Wala akong kinalaman sa mga nangyayari dito ! Kailangan na nating nakabalik sa bahay para magamot nila tintin si Richard! Wala na tayong oras!"

Sh** ... Si Richard ...

"Cy ano ba naman ... Ako toh ... Kailangan natin tulungan si Richard kung hindi ... Baka kung anong mangyari sa kanya!"

"Cyril ano ba ?!"

Ayoko man ibinaba ko ang baril na hawak ko at isinukbit sa tagiliran ko ... Nilapitan ko sya habang nakatitig lang ako sa nga mata nya ...

"Babantayan ko lahat ng gagawin mo... At SANA ... SANA ... Sana talaga nagsasabi ka ng totoo ... Kung hindi ... Ako mismo ang papatay sayo..."

"Wala akong kinalaman sa kahit na anong nangyayari dito ..." 

Inunahan ko na sya sa pag takbo... Hindi ako naniniwala sa kahit na anong sinabi ni Carlo ... Kapani paniwala ... Oo... Pero hindi ko magawang utusan ang sarili ko na tanggapin ang kahit isa sa mga sinabi nya ... Nararamdaman kong hindi na sya yung taong naging kaibigan ko ... Hindi sya yung Carlo na nakasama ko sa apat na taon ... Hindi... Kaya kaya kung tama man ang kutob ko ... Ako na mismo ang tatapos sa kanya...

ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon