Deborah

316 12 1
                                    

This is kind of new to me .. so please be understanding if there'll be something in this story that will doesn't suite your taste .. pagpasensyahan nyo na po ...this story is just influenced by our creative minds .. so hope you guys enjoy ..

sit back relax and enjoy reading...

_______

*heavy breaths*

*sobs*

"uurrrgghh ... tulungan nyo ko... tu-- tulungan nyo ko ..."

sinubukan kong tanggalin ang pagkakagapos ng mga kamay ko. nararamdaman ko ang bawat pag tulo ng dugo mula sa sugat ko. masakit pero gusto ko pang mabuhay.

kailangan kong makaalis sa lugar na toh. hindi ako dito mamamatay ..

"tulong ! tulungan nyo ako ! maawa ka ! tama na !"

napatigil ako sa pag sigaw ko nang biglang may malaking bagay na humampas sa mukha ko.

panandaliang nalabo ang paningin ko, at tila gumagalaw ang paligid ko.

wala na ba talagang nakakarinig sa akin? tulungan nyo ako. parang awa nyo na---

*gasp*

muli akong nagising nang may bumuhos sa akin ng malamig na tubig. kumirot lahat ng sugat ko na pinipilit kong kalimutan. at biglang hinawakan nya ako ng mahigpit sa mukha ko. ang sakit ... parang madudurog na ang mukha ko sa pagkakahawak nya ...

*sobs*

"*evil grin*"

"ano bang nagawa naming masama sayo para gawin mo toh ?! ano ?! " sigaw ko sa kanya

"wala naman .. "

"pinatay mo sila ! pinatay mo sila ! ang sama mo ! "

"ano naman ngayon ?" itinulak nya ang mukha ko at halos humampas na ang ulo sa pader na kaninang kinasasandalan ko ... lalo pang nanlabo ang paningin ko ...

"dun din naman kasi ang hantong nyong lahat.. unahan lang yan... hahah ! pasalamat nga sila at pinauna ko na sila sa pagpapahinga..."

O_O

Sino ba sya ? hindi ko sya kilala .. hindi sya ang nakilala ko noon .. hindi sya ang nakasama ko.. hindi sya yun ..

"lumayo ka sa akin ! wag kang lalapit ! layo !"

"manahimik ka na debs.. makakasama mo nanaman sila .. Ako din ang maghahatid sayo .. dun na kayo sa langit mag reunion!"

Hindi... hindi nya magagawa ang mga bagay na toh .. hindi !!! hindi ko sya kilala ! hindi sya ang kakilala namin !

unti unti tinutok nya yung baril sa noo ko. wala na akong nagawa kung hindi ang pumukit. naramdaman ko nalang ang malamig na bakal na dumampi sa balat ko.

dito na ba ako mamamatay ??

ayoko pa. wag naman dito. ayoko ng ganitong settings.

O.O

"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag !!!!!!!!!!!"

____________

--__--... --_o.... O_O ...

"ayet ! ano ba ?!!"

O_O

"huh ?" aray ko .. nagising ako sa alog ni llewell sa akin .. halos mauntog na ako sa sahig.. ano ba naman yan ..

"anong ginagawa mo sa kwarto ko ?" i asked him habang inaayos ko ng kaunti yung buhok ko.

"ate .. sumisigaw ka kasi .. ano bang nangyayari sayo ?"

"huh ? ako ? sumisigaw ??"

"oo .. kanina pa kita ginigising .. pero hindi ka magising gising .. ano bang nangyari.. nanaginip ka nanaman ba ?"

Nanaman ? oo .. oo llewell nanaginip nanaman ako ..

nanaman ...

"hanggang ngayon ba naman ate hindi mo padin nakakalimutan ang nangyari ? binabangungot ka din ... gusto mo bumalik na tayo sa doctor mo.. baka kasi--"

Kahit kelan hindi na mawawala sa ala ala ko ang mga nangyari ...

"llewell tama na... sige na gising na ako mauna ka na sa baba.. sige na.." itinulak ko sya ng mahina palayo...

*nods*

masyado pang maaga para pagusapan ang bagay na ayaw kong mabanggit sa harapan ng kapatid ko... mas mabuting ako nalang ang magdala ng bangungot na toh... wala nang ibang kailangan madamay ...

pero ...

That would be the last thing that I'll be able to forget ... Kahit siguro i-pa brain wash ko na ang utak ko para lang maalis na ang ala-alang toh .. Wala ... That tragic memory will always be buried inside my head..

inside my heart

"Ate aalis ka nanaman po ba ?" Tanong ni llewell habang kumakain kami ng breakfast ...

"Oo ... Ikaw ? Diba may finals kayo ngayon ?"

"Opo.. "

"Galingan mo huh ... inaasahan ka nila Inay at Itay ... ayusin mo huh... " Nursing kasi si llewell ... Kaya kailangan galingan nya

"Ate kailangan mo ba talagang makulong sa nakaraan ?"

Napa-tigil ako sa pag-kain sa sinabi ni llewell ..

"Do we have to talk about this again ?" -_-

"Nag-aalala lang naman ako ate .. "

"Tama na nga ..."

"Every month umaalis ka .. tapos matagal kang mawawala... mawawalan din kami ng contact sayo ... hindi namin alam kung ano talaga ang ginagawa mo "

"May pinupuntahan lang ako .."

"Saan ? Dun sa-"

"Sabi nang tama na diba ?! hindi mo ba ko naiintindihan ?! ano sa 'tama na' ang hindi mo makuha ?! ang kulit mo ahh! "

*craaashh* nabagsak ko yung baso ... natabig ko ata ...

Ayoko nang pag-usapan toh ..

"Sorry ate .. nag-aalala lang po ako ..."

"sorry din .. sige na malalate ka na .. ako nang bahala maglinis dyan ..." agad nyang dinampot yung bag nya at umalis na ng bahay ...

I lost it...

Alam ko naman na nag-aalala sa akin si llewell ... But I can't give up right now .. Not now .. Its too late .. Now that I've reach this far ... I won't gonna let anyone get on my way ..

I have to do this for them ... wala nang ibang makakagawa nito kung hindi ako lang ... ako nalang ... wala nang iba ...

And

I have to do this for my self ..

Hindi ako makakalaya sa nakaraan hanggang hindi ko natatapos ang lahat nang toh ..

Hindi ako magigising sa bangungot na toh hanggang hindi ko sila naibabalik

Limang taon na din pala ang nakakaraan ... Nang naranasan ko ang pangyayaring hindi ko inasahan ni sa panaginip man lang ...

Ang inakala namin noong simula nang isa nanamang masayang kabanata ng buhay naming magkakaibigan ...

Isa palang trahedyang naghudyat nang madilim naming katapusan ...

(×_×) MissIDontCare

please keep on reading :)

ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon