5

45 4 4
                                    

Cloud's POV

The plan started and I'm quite confident that this will be successful. But why am I not happy?

"Cal," tinawag ko sya. Mabilis itong sumagot at lumapit sakin. "Problema?" Tanong naman nito. Hindi agad ako nakasagot dahil abala ako sa pagsulyap sa mga kateam namin na ngayon ay inuudyok parin si PJ kay Tammy. "Wag ko na kayang ituloy?" Sambit ko at agad akong nakatanggap nang malakas na sapok sa kanya.

"Gago ka ba? Lakas mo magplano pero ngayon pinanghihinaan ka na ng loob?" Katuwiran nito. Napabuntong hininga nalang ako habang hinihilot ang sintido ko. "Cloud, kilala kita. Alam kong hindi mo 'to gagawin kung wala kang mabigat na dahilan. Pero kung anuman yung dahilan mo, alam kong para sa ikabubuti ni Tammy yun." Dagdag pa nya. Maging si Calvin ay nababasa kung anong nasa isip ko.

"I know." Sambit ko at napabuntong hininga nalang.

"Cap." Isa sa mga taong iniisip ko ngayon ang bigla nalang lumapit sakin at tinawag ako. He's looking at me with his serious face ang sad eyes. Napaayos ako ng upo ko at hinarap sya. "What's up?" Maaliwalas kong tanong sa kanya. Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. "Can we talk?" Seryosong sabi naman nito.

I knew this would happen. Inaasahan ko na 'to. Ngumiti ako at tumango. Tumayo ako at kinuha ang bag ko tsaka naglakad palayo. "Sama ako!" Sigaw ni Calvin habang patuloy kami sa paglalakad ni PJ. "No way, dude." Sambit ko nalang at tumingin sa kanya. Sa titig kong 'yon nakuha na ni Calvin ang ibig kong sabihin.

Back to the plan...

Sa tahimik sa soccer field ko napagdesisyunang huminto sa paglalakad. Kagaya nang madalas, bibihira ang taong makikita namin dito kaya malaya kaming makakapag-usap nang lalaki sa lalaki.

"Is this about Tammy?" Bungad ko habang nakatingin sa damong sumasabay sa ihip ng hangin. Muli syang bumuntong hininga. "You know I didn't do it, right?" Tanong nito patungkol sa nangyari kahapon.

Napangisi nalang ako at nagkunwaring hindi naniniwala sa kanya. The flowers? The love letter? I know you didn't do it pero kailangan kong panindigan 'tong desisyon ko. "I didn't see the letter but it will never be hard for me to believe that you like my bestfriend. I guess you notice how adorable, graceful, kind and gentle she is. And I thank you for appreciating her existence." May sasabihin pa sana ako pero pinutol na nya ang pagsasalita ko.

"No, Cloud. It was a big misunderstanding. I didn't wrote that letter, nor bought those flowers for her." Patuloy ito sa pagtanggi sa sulat at bulaklak na nilagay namin sa bag nya.

Mula sa mga damo, binaling ko ang tingin ko sa mga mata nya. Eyes full of innocence and betrayal at the same time. Sa mga panahong 'to alam kong may relasyon na sila ni Nicole at sa panahong 'to hindi ko mababago at hindi ko maaaring baguhin ang katotohanan na girlfriend ko pa si Nicole. Gayunpaman, dahil mula ako sa hinaharap matagal nang napawi ang galit ko sa kanya.

"Why are telling this to me?" May pagkasarkastikong tanong ko kay PJ.

"Dahil yun ang totoo at gusto kong sabihin mo kay Tammy na walang katotohanan ang mga nalaman nya kahapon. Please, Cloud, help me out." Pagmamakaawa nito. Naaawa din naman ako dahil ako ang puno't dulo ng pangyayaring 'to. Gusto kong sabihin sa kanya na kung nahihirapan sya, mas nahihirapan at nasasaktan ako.

"Alam mo, PJ, hindi ganun kababaw mag-isip si Tammy. You can explain it to her yourself. There's no need for me to do it on your behalf." Paliwanag ko naman. Nakita ko ang labis na pagtataka sa mga mata ni PJ dahil iniisip nya kung bakit hindi ako humahadlang sa mga nangyayari. I would love to, but then again, I can't. PJ and the other guys know me so well. Alam nilang hindi ko basta-basta pinapapormahan si Tammy. That's how important she is to me even back when we we're still friend and I don't have feelings for her yet.

Yesterday Once MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon