1

232 7 3
                                    

Cloud's POV

"Kuya, saan ka ba pupunta?"

Napahinto ako sa pag-iimpake ng gamit ko nang pumasok sa kwarto ko si Sapph, ang kaisa-isa kong kapatid. Sa itsura palang ng mga mata nya, makikita ko na ang labis na pag-aalala nito sakin. I never seen her so worried for me before. Nagsimula lang ito nang inakala nyang niloko ko ang Ate Tammy nya.

Binitiwan ko ang damit na hawak ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko ito nang mahigpit at labis akong nagpapasalamat na nagkameron ako ng kapatid na kagaya nya.

"I need to do something, Sapph." Sambit ko.

"What is it? Baka makatulong ako." Aniya naman. Napangiti ako nang bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Seeing her like this makes me feel glad but it makes me feel worried as well. Magmula nang magtangka akong patayin ang sarili ko, hindi na hinayaan ni Sapph na mag-isa ako. Parati nya akong sinasamahan, maging sa pagtulog ko. She spent most of her time on making sure that I'm okay. But I think it's enough at kailangan na nyang ibuhos ang lahat ng oras nya para sa kanyang sarili.

"That's for me to find out. Huwag ka nang mag-alala kay Kuya, ha? I'll be fine." Sinubukan kong pagaanin ang loob nito bagamat alam kong wala naman talagang magpapagaan sa loob nya kundi ang maging maayos ako. That's why I'm doing this. Not only for her and for the people who care for me, but also for myself.

"Pero kailangan mo ba talagang umalis? Saan ba matatagpuan 'yang bagay na kailangan mo? Is it that far?" Dagdag pa nya. She sounded so cute kapag nag-aalala sya sakin ngunit hindi tama na parati nya akong iisipin.

"Hindi ko din alam." Nakangiti ko nalang na sagot sa tanong nya.

"Eh?? Ang weird mo naman. Samahan nalang kaya kita." Suhestiyon nya na agad kong tinanggihan.

"What about school? Hindi matutuwa sina Mom at Dad kapag tumigil ka sa pag-aaral mo dahil sakin." I then said.

"Eyyy.... I'm sure they'll understand me."

"Maybe they will. Pero hindi parin kita papayagan." Katuwiran ko naman.

"Naman, e! Sige na, Kuya. Isama mo na ako. Isasama din natin sina Calvin if you want." Sabi nito na nauwi sa malakas kong pagtawa. Ginulo ko ang buhok nito bago tinapos ang pag-iimpake ko.

"Idadamay mo pa sila. May inaasikasong thesis ngayon sina Marco at Calvin. Gano'n din si Mia para makatungtong na sya ng college. Unahin mo muna ang pag-aaral mo, Sapph. Stop worrying about me. Hindi na ako bata. Promise ni Kuya aalagaan nya ang sarili nya." Pinaliwanagan ko ito at sa sinabi kong iyon, medyo nakahinga na sya nang maluwag. Though hindi parin nya ako tinigilan sa pangungulit nya.

"Kuyaaaaaa....."

"Sapph, stop bothering your brother." Good thing dumating sina Dad para pagsabihan sya. Medyo nakakapagod ding magpaliwanag sa kapatid ko.

"Dad, will you not stop him? Aalis si Kuya, oh!" Lumapit sya kay Dad at tinanong ito, ngunit parehas lang din kami ng naging sagot ni Dad. Umiling ito at hinayaan ako.

"Nagsabi sakin ang Kuya mo. Don't worry, anak. Nangako ang Kuya mo na aalagaan nya ang sarili nya." Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko.

"Pero, Dad...."

"Ibalato mo na sa Kuya mo 'to." Sabi ni Dad pero sumimangot lang si Sapph sa kanya. "He needs this." Natahimik sya at napaisip. Sa huli, wala na din syang ibang nagawa kundi ang pumayag.

"Okay, fine!"

Labag sa kaloobang pumayag si Sapph sa pag-alis ko. Natuwa nalang ako sa kanya at sa tuwa ko, ginulo ko ang nananahimik nyang buhok. Ilang sandali pa'y lumapit sakin si Mom. Giving that worrying looks.

Yesterday Once MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon