6

36 2 1
                                    

PJ's POV

"I really don't know what's going on. He's so weird nowadays." Patuloy sa pagrereklamo si Nicole habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. Habang ako naman ay nakatulala sa bintana habang nakaupo sa malaking kama sa kwarto ko. Yup, you're guessing the right thing. Nicole and I are in a relationship. A private relationship, or should I say... a forbidden one. And now, we're in the same place, specifically at my condo.

Huminto sa paglalakad si Nicole nang makita ang itsura ko. Nakapamewang ito habang tinataasan ako ng kilay. "Ano? Tutulala ka nalang ba dyan? Hindi mo ako kakausapin? Kunwari wala ako dito?" Sunud-sunod na tanong nito na lalong nagpasakit ng ulo ko.


"Nicole, please, kahit saglit lang tumahimik ka muna." Sambit ko habang hinihilot ang sintido ko sa sobrang sakit.

"You know you're acting weird as well. Bakit ba ang weird nyo'ng lahat?" Inis na tanong nito at naupo sa couch malapit sa bintana. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkainis. Knowing her, ganyan sya kapag hindi sya binibigyan ng sapat na atensyon. Ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pag-iisip.


After what happened 3 days ago, para akong binabalot ng takot at konsensya. The fact that Cloud is getting a hint about his girlfriend's relationship with me. Wala akong ideya at hindi ko lubos maisip kung paano nya 'to nalalaman pero hindi naman iyon ang mahalaga para sakin.

Hindi lang ako ang nakapansin kundi maging si Nicole at ang ibang members ng basketball team namin. About Cloud acting a bit strange lately. Labis kaming nagtataka ni Nicole dahil madalas na syang samahan nito. Hatid sundo papunta at paalis ng school, madalas na din silang lumalabas. And that's the reason why Nicole and I haven't seen and get in touch for days.

Hindi ko alam kung sinasadya ba nya dahil may alam na sya tungkol samin, but what bothers me more ay yung patuloy nilang pang-uudyok saming dalawa ni Tammy. Wala talaga akong ideya kung sinong gagong malakas ang trip ang naglagay ng pekeng sulat at bulaklak sa bag ko but I swear to God, hindi sakin yun.

Nagkakailangan na kami ni Tammy dahil sa ginagawa nila. Iniisip ng buong team may gusto talaga ako kay Tammy. Well in fact, I don't. Isang babae lang ang gusto ko at iyon ay ang taong nasa harapan ko ngayon. Alam ko hindi tama 'tong pinasok namin pero masyado ko syang mahal para bitawan ko pa sya. Aside from that, I give her more of the attention she needs compared to Cloud. He spend more time with her bestfriend, if not, sa basketball team. I feel that Nicole is not on the list of his priority. Cloud is still my friend at hindi ko makakalimutan yun, but he's losing my respect on the way how he treat his girlfriend.

"Seriously, PJ? This is how we will spend our time together after not seeing each other for days?" Sarkastiko namang tanong ni Nicole kaya natigilan ako sa pag-iisip. Lumapit ito sakin at kumandong sa hita ko habang nakalingkis ang kanyang mga braso sa aking balikat. "Hindi mo ba ako na-miss?" May pang-aakit na tanong nito. Tama sya, matagal din kaming hindi nagkasama. Kagaya nga ng sinabi ko, madalas na syang kasama ni Cloud. Ngayon lang kami nakakuha ng pagkakataon na magkasama.


Nakangiting nakangiti ito habang unti-unti nyang nilalapit ang kanyang labi sa labi ko para ako'y halikan. Subalit biglang pumasok sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Cloud. Mabilis akong dinapuan ng pag-aalinlangan at konsensya kaya agad akong napaiwas sa halik nya. Napatayo sa gulat at inis si Nicole habang tinitingnan ako. "Anong problema mo?" Pagsusungit nito.

"I think we should give it a break." Sabi ko naman.


Kumunot ang noo nya at napabuga sa hangin sa pagkadismaya. "What the hell do you mean by give it a break?"


Tumayo naman ako at inayos ang sarili ko. Hindi ko din alam kung dahil ba talaga sa konsensya kaya gusto ko munang umiwas o dahil sa takot na mawala sakin si Nicole kapag nalaman ng lahat ang tungkol samin. Siguro hindi ako natatakot na baka kamuhian nila ako kapag nalaman nila ng ginawa ko, bagkus dahil natatakot akong harapin ang katotohanan na si Cloud parin ang pipiliin ni Nicole kapag lumabas ang totoo.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday Once MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon