3

54 2 0
                                    

A/N: It's been a while since the last update. Sorry for the long hold. 😊🤗

***



Cloud's POV


"You're not serious, are you?" Gulat at hindi makapaniwalang reaksyon ni Calvin nang malaman nya ang lahat. Gayunpaman, mas nangingibabaw ang tawa nya imbis na seryosohin ang sinabi ko. Kinuwento ko sa kanya lahat ng pangyayari na halos abutin na kami ng gabi dito sa school clinic. "So ano? Nakakapagpredict ka na ng future ngayon?" Dagdag pa nito.

Sinamaan ko sya ng tingin para sabihing hindi ako nagbibiro. Subalit hindi ko naman sya masisisi dahil kung ako ang nasa katayuan nya, mahihirapan din akong paniwalaan ang kwento ko. Going back to the past? Geez, that's way to fictional.

Hinawakan ni Calvin ang balikat ko at tinanong ako. "Hindi ka naman siguro gumagawa ng exaggerated na dahilan para makipaghiwalay kay Nicole, diba?" Tinabig ko ang kamay nito sa inis ko. "What the f*ck, Cal? Wala akong dahilan para magsinungaling. At wala akong mapapala kung magsisinungaling ako. Tingin mo, gusto ko itong nagmumukha akong baliw sa inyo?" Seryoso kong tugon. Napahalumbaba nalang ito at napaisip. "Sabagay, you do have a point. Pero kung hindi ito kasinungalingan, bakit ka umiyak nung nakita mo si Tammy?" Aniya.

Bigla akong natigilan nang muli kong marinig ang pangalang iyon. Ang pangalang ilang buwan ko nang pilit na kinakalimutan subalit heto ako, bumalik sa nakaraan. Too magical to believe, even for me. Sa mga nakwento ko kay Calvin, hindi ko nabanggit sa kanya na nakatakdang mamatay si Tammy sa kasunod na taon. Nanatili akong walang imik.

"I see. Kung hindi mo kayang sabihin sakin, naiintindihan ko. Pero kung totoo man ang sinasabi mo sakin na galing ka sa hinaharap, I have no reasons to doubt you. Kaibigan kita, you're not crying over a girl na hindi mo naman girlfriend. Lalo na't hindi mo mahal. And eventually, I can see na nagmatured ka na. I hope the future me is like you." Sambit nito sabay ngiti. Nahawa ako sa kanyang ngiti kung kaya't kahit papaano'y napawi ang lungkot ko. Isang patunay lang na tamang tao ang napagsabihan ko. "Believe me, Cal, you will be. Your future self is way more matured than I am."

Napatawa nalang kami parehas dahil sa pagiging seryoso naming dalawa. "Halika na, ihahatid na kita sa inyo." Sambit pa ni Calvin. Dahil maayos naman na ang pakiramdam ko, nagdesisyon kaming umuwi na. Malapit na ring maggabi kaya kinailangan na naming umalis ng school dahil magsasara na ito.

Matapos ang ilang minutong biyahe, bumungad sakin ang bahay namin. Parang kahapon lang nang magdesisyon akong lisanin ang lugar na ito pansamantala. Subalit naririto nanaman ako. Pinarada ni Calvin ang kotse nya sa harap ng bahay at sumama sakin pagpasok sa loob. Sa salas namin, una kong nakita si Sapph na abala sa pagkutingting ng social media accounts nya. Naalimpungatan ito nang bumukas ang pinto at pumasok kaming dalawa ni Calvin.

Agad itong lumapit sakin at niyakap ako, like what she always do kapag dumadating ako sa bahay. "Ang baho." Sabi nito at agad na napabitiw sa yakap nya sakin. Tinakpan nito ang ilong nya habang masungit na nakatingin sakin. "Kadiri ka, Kuya. Amoy kang panis, este pawis." Kumento pa nya kaya natawa nalang ako.

I miss a moment like this. Yung nag-aasaran lang kami. Yung mga panahong wala kaming pinoproblema. Nakikita ko kung gaano kaaliwalas ang mukha nya ngayon kumpara sa hinaharap kung saan malaki ang pinagbago ni Sapph dahil sa nangyari sakin.

Lumapit ako sa kanya at ginulo ang nananahimik nyang buhok. "Don't worry, lil' sis. I'll go ahead ang take a shower." Paalam ko bago umakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay namin kung nasaan ang kwarto ko. "Ako din! Makikiligo narin ako." Narinig kong sigaw ni Calvin na agad naman kinontra ni Sapph. "Eeeww, Cal! 'Wag ka ngang magkalat dito ng germs. Wala bang banyo sa bahay nyo?" Malditang tugon ng kapatid ko. "Nagtext sakin si Mama, wala daw tubig." Dahilan naman ni Calvin. Knowing Sapph, alam kong hindi ito maniniwala. Sabagay, kahit naman ako. "Nice lie, Cal. Kakatapos lang ng video call namin ni Mia at kakatapos nya lang din maligo." Sagot ni Sapph.

Yesterday Once MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon