Prologue

271 10 5
                                    

I was shocked at that moment. Because without even asking me, nalaman nya kung anong kailangan ko. Natulala ako sandali. Sobrang misteryoso ng mukha nya. Bawat titig nya, parang may kahulugan. Isama mo pa ang ibang aura sa lugar na ito.

"Hindi nyo pa po sinasagot ang tanong ko. Kayo po ba si Mr. Reyes?"

"I am Mr. Reyes. Ngayon ako naman ang magtatanong." Madiin nyang sabi. Napatingin ako nang direkta sa kanyang mga mata. Sa lalim ng boses nya, tila masisindak ka talaga. "May gusto ka bang hilingin?"

Hindi ko alam kung bakit tila tumitikom ang bibig ko. Gusto kong sabihing oo pero walang pagkukusa ang aking bibig para magsalita.

"Looks like there is." Sambit nito na para bang nabasa na nya ang nasa isip ko.

"Matutulungan nyo po ba ako?" I just can't deny that he's right kaya nagawa ko syang tanungin nito.

Bahagya itong ngumisi at tumalikod mula sakin. "Pag-usapan natin yan. Sumunod ka sakin." Utos nito at dire-diretsong umakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag. Sumunod nalang ako hanggang sa makarating kami sa mismong opisina nya. "Maupo ka." Aniya at naupo naman ako sa harapan nya. Sa pag-upo ko, kapansin-pansin ang pagtaas ng kilay nito. Tingin ko tinatanong nya ako tungkol sa gusto kong hilingin.

"I got this from my girlfriend's things." Panimula ko nang iangat ko ang kwadernong hawak ko.

"And?"

"According to your post, sabi mo kaya nitong tuparin ang kahilingan ng kahit na sino. You said it's magical. Totoo po ba lahat ng 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Ms. Fuentebella won't avail that notebook if it's not true. I guess you're aware on what happened to her wish. Am I right with that, Mr. Cloud Romero?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang banggitin ang pangalan ko. "You know me?"

Ngumiti lang ito at nanatiling misteryoso. "Is it still important to you? Hindi ba mas mahalaga yung tungkol sa hiling mo?" Saad nya.

Natahimik ako no'n. Nagtataka parin ako kung paano nya nagawang malaman ang pangalan ko. Gusto kong isipin na dahil sa pagiging artista ko dati kaya nya ako nakilala. But it's way too impossible. Bata pa ako noon at hindi narin ako ganung kasikat ngayon.

"Patay na sya, tama ba ako?" Mas lalo pang ikinagulo ng utak ko nang mapansing maging ang nangyari kay Tammy ay alam nya.

"How'd you know?"

"Alam mo, Mr. Romero, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong alamin ang lahat. Because in the end, you'll realized that it doesn't matter to you anyway. So stop bothering yourself on the things that you didn't expect that I know. Let's just go straight to the point. You came here for a wish that you badly want to get." Sambit pa nya.

Kagaya ng sinabi nya, inalis ko sa aking isipan ang mga nakakagulong bagay at ipinako ang aking pag-iisip sa tunay kong pakay sa pagpunta ko dito. Huminga ako nang malalim at inayos ang aking katawan sa pagkakaupo.

"I want to bring her back to life. That's my wish." Matapang kong sinabi ang bagay na gusto kong hilingin.

"That wish........ can never be fulfill." Saad nya na ikinakunot ng noo ko.

"What? This is a wish notebook, right? So it must fulfill any wishes. Iyon din ang sabi nyo sa caption ng post nyo." Nangatuwiran ako sa sinabi nya na sadyang hindi ko maunawaan.

"I guess you've read it wrong. It can fulfill wishes of ANY PERSON, not ANY WISHES." Nilinaw naman nito Ang bagay na gumulo sa aking isipan. Bigla akong nanlumo dahil sa nawala ang pag-asang makasama ko sya muli.

"Then I guess you can't help me." Tumayo ako at naglakad papalapit sa pintuang palabas ng silid nya.

"The power of that notebook has it's limit. Hindi nya kayang bumuhay ng patay o magbigay ng buhay sa isang tao. Alam naman natin na isa lang ang kayang gumawa no'n." He then said. Pero hindi ko na pinakinggan iyon at pinihit ko na ang doorknob. Handa na akong buksan ang pinto nang muli syang magsalita. "But if you'll try to rephrase that wish of yours, baka pagbigyan ka."

"What do you mean?" Kusa akong lumingon sa kanya. Gayunpaman, hindi ko gaanong makuha kung anong nais nyang iparating sa kanyang sinasabi.

"Try to think of a wish without bringing back the life of the dead." Simple ngunit naging makahulugan ang mga salita nito.

"How am I suppose to do that?" Naging malakas ang boses ko dahil sa naging distansya namin sa isa't isa. Medyo madilim man, nakita ko parin ang nakakakilabot nyang ngisi.

"Sa tingin ko, ikaw lang ang makakasagot sa katanungang iyan. So think, Mr. Romero. Ano nga ba ang dapat mong hilingin?"

Yesterday Once MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon