Kabanata 11

1K 16 3
                                    

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kuya Eros sa akin kanina, ayoko isipin at bigyan ng malisya ang mga sinasabi ni Von, bukod sa ayoko na magkagulo kami ni Ate, pagod na rin akong umasa. Magtatanong pa sana si Kuya Eros kanina buti na lang bumalik na sila Heaven, kasama ni Ate Ria at Rex pati na rin si Carl na tinotoo talaga ang pag- order niya ng kape.

"Thank you." I smiled.

He just nodded and smiled.

"Ano? Tara na, excited na siguro si Northern lights na makita tayo." Nakangiting sabi ni Rex.

"Excited na yun, lalo na sa akin, masasaktan siya kung hindi niya makikita ang kagwapuhan ko." Sang- ayon naman ni Kuya Eros kay Rex.

Nagtaas ng kilay si Ate Ria kay Kuya Eros na napangiti sa akin.

"Ang hangin Eros, ang lamig na nga ang hangin mo pa rin." Sagot ni Ate na ikinatahimik na lang ni Kuya.

Dahil nga dito sa Yellowknife kami pumunta, pinili namin na sa park na lang maghintay sa aurora, park malapit sa hotel na tinutuluyan namin. Marami rin bahay sa palid ng park na mas nag paganda ng view sa gabi.

"Ala una na nang madaling- araw, sana talaga magpakita siya 'no?" Ani ni Heaven.

"Magpapakita yan, hintay lang tayo." Sagot ni Rex sa kanya.

"Tahimik ka ata Ali?" Tanong sa akin ni Ate Ria.

"Ah, wala ate. Excited lang." I smiled.

"May excited ba na tahimik? Tapos? Tulala?" Tanong naman ni Rex.

Natawa ako. "Ganito ako, basta excited." Sagot ko sa kanya.

Tsaka ko na sasabihin sa kanila ang tungkol sa message ni Von sa akin, ngayon gusto ko muna kalimutan siya, kalimutan sila kahit saglit.

"Carl..." Hindi ko natapos ang sasabibin ko nang makita ko siyang seryosong nakatitig sa cellphone niya.

"Carl? Okay ka lang?" I asked sabay lapit ko sa kanya.

He nodded. Pero ang mata niya ay focus pa rin sa cellphone niya.

"May problema ba?" I asked again.

Umiling siya. "Don't worry, I'm fine, may nabasa lang ako tungkol sa nangyagari ngayon sa Palestine." He said.

Taka akong tumingin sa kanya. "Bakit? Anong meron?" I asked.

Imbes na sagutin ang tanong ko, walang pag-alinlangan na inabot niya sa akin ang cellphone niya. Kaya dali- dali kong binasa ang binabasa niya. At laking gulat ko nang makita na tungkol ito sa gulo na nangyayari sa dalawang bansa Israel at Palestine.

"Bakit nangyayari 'to?"

"Yan ba yung tungkol sa genocide na nangyayari ngayon?" Tanong ni Kuya Eros na ikinatingin ko sa kanya.

Ate Ria sighed. "Nabasa ko na yan kanina, nag tweet na nga ako ng #FreePalestine after kong mabasa yan." Aniya.

"Ako rin Ate, capital letter pa nga
. "FREE PALESTINE." like, may mga tao pa pala na mas pinipili ang dahas at gulo 'no." Saad naman ni Heaven.

My Yesterday's Sunshine (Yesterday #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon