Kabanata 30

987 20 9
                                    

October 16, ayoko man sumama kay Carl ngayon sa Victoria, dahil sa takot na bumabalot sa puso ko ngayon. Alam kong hindi puwede, birthday niya ngayon at kahit masakit, gusto kong maging masaya siya sa araw na 'to kahit papaano.

"Go, hija, nandito lang kami sa likod niyo." Nakangiting sabi ni Tita Empress sa akin. Sinamahan nila kami ni Tito Carlo na pumunta rito ngayon sa Victoria. At katulad ng nasa Canada pa kami sa park rin kami pumunta para hintayin ang Southern lights.

I shook my head. "I don't know Tita, hindi ko kaya." I said.

Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na ikinangiti ko.

"Birthday niya ngayon. Alam mo naman yon diba?" She asked.

I nodded and smiled. "Oo naman po."

"Mahirap rin para sa amin 'to hija. Walang magulang ang gustong makitang mawala ang anak nila sa harap nila. Masakit, mabigat, pero kahit gano'n ayaw namin ng Tito Carlo mo na makita niya kaming umiiyak. Hindi namin kayang makita ni Carl na nanghihina kami at nasasaktan dahil sa kanya. Ayoko yon anak." Aniya. Habang unti- unting tumutulo ang luha sa mga mata niya.

Yumuko ako.." Tita...." She cut me off.

"Go, puntahan mo na siya, nandito lang kami ni Tito mo, bumili lang siya ng kape pero maya- maya babalik na rin yon."

Tumango ako. Mabigat man ang loob ko. Lumapit pa rin ako kay Carl na ngayon ay naka- upo na sa bench at halatang hinihintay ako.

"Naka- usap mo na sila Mommy?" He asked calmly.

Tumango ako. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang isuot ang jacket na binigay ni Tita sa akin kanina.

"Happy birthday." I whispered.

Tumabi ako sa kanya sa upuan. Katulad niya ay nagsuot din ako ng Jacket dahil medyo lumalamig na nga sa pwesto namin.

He looked at me with a smile. "Thank you, Ali. Salamat, dahil nandito ka sa tabi ko ngayon."

"Palagi kang nasa tabi ko Carl, hindi mo ako iniwan, lalo na nung mga panahon na kailangan ko ng kaibigan. Tinalikuran man ako ng ibang tao, nanatili ka sa tabi ko." I said.

He nodded. "I love you Ali. Thank you." He sincerely said.

Gabi man at walang masyadong ilaw sa pwesto namin. Ramdam ko na totoo ang sinasabi niya.

I cried. "Carl..." He cut me off for the second time.

His jaw clenched. "I told you.. ayoko na umiiyak ka. Lalo na kung ako ang dahilan diba?"

I nodded. "Hindi ko mapigilan. I'm sorry." I sobbed.

He gently caressed my cheeks. Dahan- dahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisnge ko.

"Shh. I want you to be happy Ali. Please be happy." He genuinely said.

I shook my head.."Paano ako sasaya? Tell me, paano ako sasaya? Kung nagpapaalam ka na?!" My voice cracked.

He smiled. Ngumiti siya. Ngiti na parang sinasabi niya sa akin na okay lang, na okay lang siya.

"I want you to listen, Ali. Ano man ang mangyari, gusto kong maging masaya ka, mawala man ako sa mundo, hinding- hindi pa rin kita iiwan. I'm always here, babantayan kita. Araw- araw. Palagi."

My Yesterday's Sunshine (Yesterday #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon