Kabanata 38

952 20 5
                                    

Isang malalim na buntong- hininga ang pinakawalan ko. Hawak- hawak ko ang sulat na bigay ni Carl sa akin, habang naka- upo ako rito sa kama ko. Ayos na kami ni Von, kaya gusto kong buksan ang bagong pahina ng buhay ko, kasama si Von nang wala na akong bigat na nararamdaman sa puso ko.

"Hija? Handa ka na ba daw? Pinapatanong ng Daddy mo?"

Lumingon ako kay Nanay pagkatapos kong marinig ang boses niya.

I smiled. "Susunod rin po ako agad, Nay." Sagot ko sa kanya.

"Okay ka lang ba? May problema ba?" Nag- aalalang tanong niya.

I shook my head. "Wala naman po, naisip ko lang po si Carl. Magiging masaya po kaya siya sa desisyon na gagawin ko?"

"Bakit, hindi mo alamin? Sulat niya yan para sa'yo diba?" Tanong niya. Sabay turo ng sulat na hawak ko.

I pouted. "Natatakot po ako. Hindi ko po alam kung anong mararamdaman ko, oras na mabasa ko 'to, Nay. Si Carl, siya 'yong taong hanggang sa huli, kaligayahan ko lang nasa isip niya. Nawala siya sa mundo ng hinihiling sa akin na maging masaya ako, kahit wala na siya. Pero, Nay. Aaminin ko, ang hirap, lalo na at sa mismong bisig ko siya nawala."

She sighed.  "Kung yan ang hiling niya sa'yo. Bakit? Nagdadalawang- isip ka na tuparin? Alam mo hija, nawala man si Carl sa atin, ang mga alaala niya mananatili sa mga puso natin. At naniniwala ako, nand'yan lang siya, binabantayan ka at marahil hanggang ngayon, pinagdadasal niya pa rin na maging masaya kana." Aniya.  Na siyang nagpatahimik sa akin.

Dahil sa sinabi ni Nanay, muli kong tinititigan ang sulat na hawak ko. At mabigat man para sa akin ay dahan- dahan kong binuksan 'to, upang aking mabasa.

To my Aurora Borealis,

Hi, Ali. Siguro kung mababasa mo 'to ngayon, wala na ako sa mundo, wala na ako sa tabi mo. Pero, kahit ganoon, isa lang ang tanging hiling ko sa'yo. Maging masaya ka pa rin, bumalik ka sa lugar kung nasaan naroon ang puso mo. Sundin mo, kung anong sinasabi nito sa'yo. At maging masaya ka kasama ng taong mahal mo. Ali, mahal kita. At kailanman hindi ako nagsisisi na minahal kita, hindi ako nagsisisi na gawin ang mga bagay na sa tingin ko magpapasaya sa'yo. I did that, because I want you to be happy. Ang kaligayahan mo, ang kaligayahan ko rin. Kaya, kung dumating man ang araw na malaya ka ng mahalin siya, ako ang pinaka-magiging masaya para sa'yo. Dahil deserve mong mahalin, Ali. Deserve mo ang mundo.

Ngayon, ang tanging hiling ko lang, sana, totoo ang susunod na buhay natin. At sana, sa buhay na 'yon. Ako na at Ikaw. Gustong- gusto ko maranasan ang mahalin mo, Ali. At gustong- gusto ko na makasama ka pa nang matagal. Pero, sa nangyari, alam kong malabo pa mangyari ang hiling ko, peero kahit ganoon, hindi ako mawawalan ng pag- asa. Aasa pa rin ako, Ali. At maghihintay sa araw na kuwento mo naman at kuwento ko ang itinadhana na magsasama sa susunod na buhay. Mahal na mahal kita, Aliyah. Please choose to be happy. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal,
Carl.

"Carl." My voice cracked.

"Shh, nabasa mo na kung anong gusto niya para sa'yo, hija. Sana, wag ka nang matakot na sumugal, wag ka na matakot na lumaban ngayon, dahil deserve mong maging masaya." Rinig kong sabi ni Nanay Belen na ngayon ay hinahaplos ako sa aking likod para pakalmahin.

Umiling- iling ako. "Nay, simula pa lang, naging mabuti siya sa akin, simula pa lang, hindi niya ako iniwan.   Palagi siyang nand'yan, basta kailangan ko siya. Simula pa lang, ang tanging gusto niya lang ay makita akong nakangiti at masaya.. Nay, ang bigat- sobrang bigat niya bitiwan. Minahal ko naman siya, Nay e. Si Carl, mahal ko naman siya Nay. Minahal ko siya! Pero..." Hagulhol ko habang nakayakap pa rin kay Nanay.

Hindi ako mapagtanim na tao, pero ang unfair ng mundo kay Carl, kung sino pa 'yong totoo, kung sino pa ang mabait, siya pa ang unang  kailangan magpaalam sa mundo.

"Shh, tama na yan, hindi gugustuhin ni Carl, na malaman na umiiyak ka na naman." Pagpapakalma ni Nanay sa akin.

"Nay." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang matanaw ko ang Isang anino ng taong kilalang- kilala ko.

Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Nanay. Bago, humarap kay Von na ngayon ay seryosong nakatitig sa mga mata ko.

Nanliit ang mga mata ko. Kitang- kita ko ang pagkunot ng kanyang noo habang nakatingin sa akin. Kasama niya si Ate Anastasia na ngayon ay nasa tabi niya.

"Von." I called him.

"I told you, Von. Hindi ka na niya mahal, may mahal na siyang iba and sad to say, mahirap kalaban ang taong patay na babe." Sabi ni Ate Anastasia na nagpa- iling sa akin.

Agad akong naglakad palapit sa kanya. Gusto kong hawakan ang mga kamay niya. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin sa kanya na magpapaliwanag ako. Pero, hindi ko magawa lalo na nang umatras siya palayo sa akin.

Umiling- iling ako.." Let me, explain, Alester, please. Let's talk." My voice broke.

Hindi ko makilala ang boses ko, habang sinasabi 'yon sa kanya.

He raised his brow and bit his lower lip. Umiling rin siya na siyang ikinatigil ko sa paggalaw.

"Akala ko, kaya ko, buong akala ko, ayos na sa akin ang tira- tirang pagmamahal, basta, galing sa'yo. Pero, hindi pala, hindi ko pala kayang marinig mismo sa bibig mo na mahal mo siya." Sabi niya sa malamig na tono.

Umiling ako. "No, please, let's talk. Magpapaliwanag ako." Pakiusap ko sa kanya.

He smiled and nodded. " Don't worry, baby. Naiintindihan ko, after all, walang ibang dapat sisihin, kundi ako. Kung hindi ako naging duwag, kung pinaglaban lang sana kita, kung hindi lang sana kita hinayaan na sumama sa kanya, hindi ka aabot sa punto na magmamahal ng iba. Masakit lang, Ali. Pero, ayos lang, kasalanan ko naman e. Tsaka, ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo. Sorry, para sa lahat ng mga ginawa ko noon. Na sa kabila nang katotohanan na mahal kita, ay nagawa ko pa rin na saktan at paiyakin ka. Sa tutuusin nga, talagang talo ako kay Carl, si Carl na walang ibang ginawa kundi ang pangitiin ka, samantalang ako, purong sakit lang ang binigay sa buhay mo."

Nanghina ako.. Ang sakit lang marinig ng mga sinasabi ni Von ngayon. "Von." I whispered.

"Kasalanan ko, dahil ang gago ko!  Nand'yan kana, pero pinakawalan pa kita." Walang kabuhay- buhay na sabi niya.

"Von.." He cut me off.

Hilaw siyang ngumiti. Habang, hindi pa rin inaalis ang seryosong titig niya sa akin. "Tell me, baby. Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga ako? Kung oo, baka puwedeng ako na lang ulit? Ako na lang, please?"

Good evening...

Angie





My Yesterday's Sunshine (Yesterday #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon