Kabanata 28

823 22 4
                                    

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Malayo ang Australia Ali. Tsaka, paano ang pag-aaral mo?" Sunod- sunod na tanong ni Kuya Eros sa akin.

Nasa labas kami ng labenia, sinamahan niya akong bumili ng dinner namin, malapit sa hospital, kaya hindi kami agad mahihirapan sa pagbalik kay Carl.

"Ali, alam mo naman na kahit anong mangyari nandito lang ako diba? Para sa'yo, at wala rin akong balak na pigilan ka pa kung nakapagdesisyon ka na talaga. Gusto ko lang malaman kung sigurado ka ba talaga?" He asked.

I sighed.."Sigurado na ako Kuya, tsaka, gusto ko rin po makapag isip- isip, at alam kong hindi ko yan magagawa, habang nandito ako sa Bukidnon. I honestly said.

Sa kadahilanan na posible kong makita si Von at ang pamilya ko araw- araw, mas pipiliin ko na lang ang malayo sa kanilang lahat, kahit ilang buwan o taon man. Ang mahalaga, makatakas ako sa lupit ng Pilipinas sa akin at para makatulong na rin sa kaibigan na walang ibang ginawa kundi saluin ako tuwing kailangan ko ng karamay at kakampi.

"I understand. Pero, paano ang pag-aaral mo?" He asked.

Alam kong nag-aalala siya sa naging pasya ko, pero alam ko rin na alam niyang wala na siyang magagawa dahil nakapagpasya na ako.

"Baka po, huminto na ako." I muttered.

Kunot noo na tumitig si Kuya sa akin dahil sa sagot ko.

"Ku- Kuya." I called him.

"Tss, tapusin mo ang first sem, online, ako na ang bahala kumausap sa Dean, then after that, you can continue your study sa Australia. Kumuha ka ng course na gusto mo you can change course naman. Di baleng irregular at least magpapatuloy ka." Aniya..

I paused.

"Ku- Kuya Eros." He cut me off.

"Hindi ako makakapayag na titigil ka Ali. Ako na ang bahala sa mga kailangan mo, I will talk to Dad, magpapatulong ako sa kanya para sa'yo. At kung hindi na ako busy dito, pupuntahan agad kita sa Australia." Sabi niya na siyang nagpangiti sa akin.

Ngumuso ako. "I don't know what to say Kuya, thank you so much. Noon pa man, nand'yan ka na talaga para sa amin ni Ate Ria."

He smirked. Ginulo niya ang buhok na mas lalong nagpangiti sa akin.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ever since, hindi ko kayo kayang tiisin dalawa and by the way don't worry about your things. Ako na ang bahala pumunta sa Inyo para kunin ang lahat nang yun."

Nanlaki ang mata ko. "About, sa kanila Nanay Belen at Tatay Donald Kuya.."

He nodded and smiled. "Don't worry about them. I'll make sure na malalaman nilang okay ka lang. Ang intindihin mo ngayon ay ang mga papel na kailangan mong dalhin, isusunod ko na lang do'n yung papers mo sa Elton."

I nodded. "Thank you Kuya, you're the best."

"Of course, kailan pa ba ako hindi naging the best?" Pabirong tanong niya.

Natawa ako. " Konting puri lang, lumakas ulit hangin mo 'no. Tara na nga, I know hinihintay na tayo ni Carl at Tita Empress sa loob." Sagot ko na lang sa kanya.

Akmang papasok na ulit kami sa loob ng hospital nang biglang may tumawag sa pangalan namin ni Kuya Eros.

Sabay kaming lumingon sa likod kung saan galing ang boses at do'n kitang- kita namin si Rex. Hingal na hingal siya, tila nagmamadali talaga siyang pumunta dito.

My Yesterday's Sunshine (Yesterday #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon