Kabanata 27

823 19 5
                                    

Dinamayan ako ni Kuya Eros at Sister. Mahirap para sa akin na I- kwento ang nangyari sa akin sa bahay, pero sa tulong nilang dalawa, gumaan ang pakiramdam ko. Kung wala sila, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Gusto mo bang hanapin ko ang tunay mong Mama?" Tanong ni Kuya Eros.

I sighed.

"Magsisinungaling ako Kuya, kung sasabihin kong hundi ko iniisip kung sino siya. Pero, ngayon hindi ko pa kaya Kuya. Wala pa akong lakas." I replied.

Tumango si Sister. "It's okay, Ali. Walang madali sa buhay, alam namin na naguguluhan ka pa sa mga nangyayari ngayon. Kaya kung hindi ka pa handa malaman kung sino siya, walang problema, naiitindihan ka namin." she said.

I smiled.

"Sabihin mo lang, kung kailan ka handa." Kuya Eros agreed.

"Salamat, Kuya at Sister, sorry kung naistorbo ko kayo."

Sabay silang umiling dalawa.

"Sabi ko naman sayo diba? Kahit anong oras, kahit kailan, bukas ang retreat house para sa inyo. Tsaka, tandaan mo Ali, kailanman hindi ka magiging istorbo sa akin." Sister Kristel said.

I nodded.

"Lalo na sa akin, hinding- hindi ka magiging istorbo. Maliban kay Mom at Ria, isa ka sa pinakamahalagang babae sa buhay ko Aliyah. Kaya basta kailangan mo ako, kahit saang lupalop ka man ng mundo naroon. Pupuntahan kita agad- agad."

Nagkibit- balikat ako. " Salamat palagi, Kuya." I said.

"O, sige na, masyado na tayong ma- drama, kumain na muna tayo ng dinner." Ani ni Sister.
Akmang sasagot na sana ako sa kanya nang biglang nag ring ang phone ko.

"Sino yan?" Tanong ni Kuya.
Umiling ako. "Unregistered number." I replied. Sabay abot ko sa kanya ng phone ko.
"Sige ba hija, sagutin mo na, baka importante." Usal naman ni Sister.
I paused.

"Don't worry, kung sila man yan, nandito lang ako, walang gagalaw sa'yo." Paninigurado ni Kuya Eros sa akin na siyang ikinangiti ko.

Wala akong balak makipag-usap sa oras na 'to, pero dahil sa sinabi ni Kuya, walang pagdadalawang- isip na sinagot ko ang tawag. Habang katabi ko si Kuya Eros.

"Hello?" I called.
"Aliyah Cielo?" Tanong ng isang babae sa kabilang linya. Kung huhulaan ko ang edad niya, base sa boses niya, parang kasing edad lang siya ni Nanay Belen.

"Sorry for calling, but may I talk to Aliyah?"

I sighed.

"Yes po, ako po 'to? Sino po sila?" I asked.

"Aliyah, ako nga pala si Empress Santos."

"Santos po?"

"Oo, Ali. I'm sorry for calling. Narinig ko kasi sa anak ko nga ang pangalan mo. Kaya umaasa ako kung puwede ka ba ngayon?"

"Anak po? Si Carl po ba tinutukoy niyo?" taka kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam, pero bigla akong nakaramdam ng takot at kaba pagkatapos kong itanong yun.

My Yesterday's Sunshine (Yesterday #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon