PANIMULA:

938 42 17
                                    

(Yvonne )

"Kahit kailan talaga!Wala kang  kwenta!Pag aalaga na nga lang ng bata ang gagawin mo ay di mo pa magawa ng maayos!"

"S-sorry po tita."

Halos manginig ang aking mga kamay sa takot. Habang pinagmamasdan ko  ang nakababata kong kapatid na si Junior na nahulog sa aming hagdanang yari sa kawayan.Putok at puno ng dugo ang noo nito dala ng pagkahulog . Naka lingatan ko ang pag babantay dito dala ng subrang  antok ay  naka idlip ako ng di ko na mamalayan. Kung nanginginig ako sa takot kay Tita Marisol,alam kung hindi pa natatapos sa nakakarinding bunganga nito ang aabutin ko. Alam kung may ma's malala pang kapalit iyon kapag dumating na si Itay .

"Walang magagawa yang sorry mo,gaga!Tingnan mo ang ginawa mo sa anak ko!"

"T-tita hindi ko po sinasadya.Aksidente po ang nangyari kay Junior."

Pagpupumilit na katwiran ko. Hindi ko gusto na mahulog si junior. Kapatid ko siya. At mahal ko.Kahit na puro pang -aapi at pananakit ang inaabot ko kay Tita Marisol ni minsan ay di ko na isip na si Junior ang gantihan ko sa mga kalupitang ginagawa sa akin ng kanyang ina at ng sarili naming ama.

"Kahit ano pang  sabihin mong istupida ka,malilintikan ka pag dating ng yung ama!"

Ani Tita Marisol at galit na galit ang matang nakatingin sa akin.Saka malakas na  ibinato sa akin ang hawak-hawak nitong bote ng  betadine. Sapol  na tumama iyon sa mukha ko. Wala akong nagawa kundi ang  tahimik na umiyak.

"Anung nangyayari dito?!"

Sunod- sunod na paglunok ang ginawa ko ng marinig ko ang boses ng bagong dating. Halos pag pawisan ako ng malapot dala ng sobra  takot.

"Buti at dumating kana. Yang magaling mong anak, Delfin. Tingnan mo ang ginawa kay Junior!."

Pagsusumbong ni tita Marisol kay Tatay. Na lasing na naman. At saka itinuro ako at  matalim akong tiningnan. Nanlalaki ang matang napatingin sa akin si Tatay matapos nitong makita ang kapatid kong si Junior.Puno pa rin ng dugo ang  ulo ng aking nakababatang kapatid . Inilang hakbang lang nito ang pagitan naming dalawa at  marahas akong hinawakan sa aking braso.

"Anung ginawa mo sa anak ko ah?!"

Tanong nito sa akin na umaapoy ang mata sa galit.Dala ng aking sobrang takot ay di ko na  makuhang sumagot dito.

"Sumagot kang punyeta ka!Anung ginawa mo sa anak ko ah!"Galit nitong tanong sa akin na para bang si Junior lang ang anak niya. Ni hindi man lang nito inaalala kung nasasaktan man lang  ba ako sa higpit ng ginagawa niya sa paghawak sa mga braso ko.

"T-tay,aksidente po ang nangyari-"

Di ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay dalawang malalakas na mag-asawang sampal ang inabot ko kay Tatay.Kasunod noon ay ang pag tadyak niya sa aking tagiliran. Sa lakas nang pagkaka tadyak sa akin ay napalugmok pa ako sa sahig na kawayan ng aming bahay. Halos mamilipit ako sa sakit. Ngunit mas wala ng sasakit pa kung sarili mong ama ang gumagawa ng  pambubog na nararanasan mo sa araw-araw.Impit na napaluha na lang ako. Bakit ganito na lang kung tratuhin ako ng sarili kong ama. Bakit galit na galit siya sa akin. Anu bang nagawa ko?Bakit ang lupit- lupit sa akin ni tatay.Kasalanan ko ba na ipinanganak ako sa mundong ito?Di ko hiniling na isilang ako sa mundong ito kung puro kalupitan lang ang mararanasan ko. At ang masakit ay sa sariling ama ko pa.

"T-tay,t-tama na po.D-di ko sinasadya ang....ang nangyari.

"Wala ka ng ginawang maganda sa buhay ko, kundi puro kamalasan na lang,punyeta ka! Manang mana ka talaga sa walang kwenta mong ina!"

ani tatay at muli ay  malakas akong itinulak sa mahabang upuang gawa sa kawayan. Tumama ang aking kanang braso sa pinakang kantuhan nito. Impit akong napaiyak na lang dala ng sakit na nararamdaman.

"Bwiset ka!Kapag naulit pa itong kapabayaan mo.Hindi lang yan ang aabutin mo sa aking babae ka!"

Muli ay si Tatay na nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Ni wala akong maaninag sa mukha ni Tatay  na  pagkahabag at pag kaawa man lang sa akin.Kundi nag aapoy na galit iyon ang nakikita ko sa mata niya. Habang si Tita Marisol naman ay nakataas ang kilay at nakangising pinag mamasdan ang pag- iyak ko. Tila ba sinasabi ng pag ngisi nito na wala akong puwang  at lugar sa pamilyang ito. Na minsan ay di ko naman talaga naramdaman sa mga ito. Parang katulong,iyon ang turing ng mga ito sa akin. Maging ang sarili kong ama ay ganoon din. Pang-aapi at pananakit iyon ang madalas maranasan ko dito sa loob ng aming pamamahay.

Luhaan akong  naka tungo sa upuang kawayan at tahimik na ini inda ang sakit ng aking katawan dahil sa pananakit na iyon ni Tatay.

Maraming katanungan sa aking isipan.Na walang makuhang kasagutan Mula pag ka bata ay di ko naramdaman ay pag mamahal sa akin ni Tatay.Kundi galit at tila pag kamuhi ang nararamdaman nito sa akin sa di ko malamang dahilan.Napa hagulhol ako ng maalala ko ang aking ina. Bakit kailangan niya akong iwan sa malupit kong ama?Bakit di niya ako binalikan. Sa murang edad ko ay until unti akong nag tanim ng sama ng loob at    ng galit sa aking ina. Hindi ko mararanasan ang ganitong pag mamalupit ng sarili kong ama. Kung  hindi niya ako iniwan. At kung pinili lang niya sana kaming pamilya niya baka sakaling hindi ganito ang pag trato sa akin ni Tatay. Pinalis ko ang  luhang nasa mata ko. At saka tumayo mula sa pag kaka lugmok. Isa lang ang sinisigurado ko. Hinding hindi ko ipaparanas sa mga magiging anak ko ang nararanasan ko ngayon sa sariling pamilya ko. At mas lalong hindi ko gagayahin ang ginawa ng aking Ina. Ang iwanan  ang sariling anak para lang sa sarili nitong kapakanan at   kaligayahan.

The Doctor's MAID"(MATURE CONTENT. R-18+(SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now