Chapter :5

235 9 0
                                    

(Yvonne POV)

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Halos mataranta ako dahil sa ginawa nitong pag buhat sa timba na may laman na mga isda.

"D-dok,ako na po niyan.Madumihan pa po ang damit mo"

Nag aalala  kong sabi at tangkang kukunin sa kanya ang timba. Ngunit mabilis nito na iniwas iyon sa'kin.

"It's okay. Damit lamang ito,Yvonne.Kapag nadumihan pwede naman labhan na lang ulit."

ani nito at saka humakbang na palabas ng pier. Ako naman ay halos magkandaugaga sa pagsunod rito. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.Dahil sa suot nito na para bang  papasok sa opisina. Tapos pinagbuhat ko lang ng  timba na may laman na isda.

"D-dok,ako na ho. Kaya ko naman po,saka kakaunti lang po iyan."

ani ko saka muling tanggka na kunin mula rito ang timba na may lamang isda. Ngunit matigas parin ang naging pag tanggi nito. Wala na akong nagawa pa kung'di ang ipaubaya na lamang ang paninda ko at sundan ito palabas ng pier. Nagulat pa ako ng sa paglabas namin ng pier ay may naka abang na tricycle. Agad na kinuha ni manong driver ang timba kay dok Daniel at inilagay iyon sa hulihan ng tricycle. Tinatalian nito ang timba. Habang ako naman ay hindi malaman kung ano ba ang gagawin.Agad kong inawat si manong driver sa ginagawa nito pagtatali sa timba.

"E manong,hindi na ho kailangan isakay.Maglalakad na lang po ako at-"

"Ipapahatid na kita. Masyado mabigat yan kung maglalakad ka tapos dala mo yang timba na yan."

wika ni dok Daniel na ngayon ay nasa aking likuran na. Wala sa sariling napakamot ako sa aking ulo. Dapat ay mag pasalamat pa ako,ngunit bigla ay nakaramdam ako ng inis sa pakialamerong doktor na 'to.Naisip ko kasi yung  kikitain ko. Bukod sa maliit na nga,ay mukha pang mababawasan dahil sa mamasahe pa ako. 

"Hindi na nga ho kailangan. Kaya ko naman e,saka wala akong pamasahe para dyan."

ani ko na hindi na naiwasan ang mainis pa.

 "At sinong may sabi na ikaw ang  magbabayad?"

ani nito at sinenyasan muli si manong driver na ipagpatuloy ang pagtatali sa aking timba. Wala na akong nagawa pa kung'di ang hayaan na lang ito. Nang matapos sa pagtatali si manong ay sinenyasan ako ni dok na sumakay na rin sa tricycle. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung'di ang sumakay dahil dala ng tricycle ang paninda ko.

Pumasok na ako sa tricycle at naupo. Nagulat pa ako ng sa pag upo ko ay kasunod ko si dok Daniel na naupo na rin sa tabi ko.Ewan ko,pero bigla na naman bumilis ang pag tibok ng puso ko.Tila kabayong nagkakarera sa bilis ang pag pintig noon.Umusog  pa ako sa bandang tabi upang hindi kami magkadikit  ng mga balat.

Ngunit bigo akong maiwasan ang may kalakihan nitong braso na nadidikit sa'kin tuwing napapadaan sa mabakong bahagi ang sinasakyan namin tricycle.Kung ako ang masusunod ay gusto kong paliparin ang pag takbo ng tricycle.Upang makarating agad ako sa aking pupuntahan. Mula sa sulok ng aking mata ay kita ko ang panaka-nakang pagtingin sa'kin ni Dok. Na kung minsan ay napapatitig pa.

Na aking ikinaiilang naman.Lihim akong napabuntong hininga. At lihim na sinuri ko ang aking sarili. Medyo pawisan lang naman ako. Inamoy amoy ko rin ang aking damit,baka kasi amoy isda na rin ako. At hindi nga ako nagkamali,amoy isda nga ako!

Lihim akong napahiya dahil sa itsura at amoy ko. Kaya siguro panay ang tingin sa'kin ni dok. Nakahinga ako ng maluwag ng marating namin ang palengke,kung saan ako nagtitinda. Binaba ni manong ang paninda kong isda. Pagkatapos ay binayaran ito ni dok. 

"S-salamat po dok."

nahihiya kong pasasalamat rito.Tila tumalon ang puso ko ng ngumiti siya sa'kin.

 "Welcome. Basta kapag kailangan mo ng tulong,let me know. Okay."

ani nito sa'kin. Marahan na lang akong tumango sa tinuran nito. Kahit paano ay gumaan ang nararamdaman  ko sa kaalaman na may mga kagaya parin talaga nina aling Elise at dok Daniel na handa akong tulungan.

Biglang sumagi sa isip ko si tatay. Malalim akong humugot ng hininga. Paano ko sasabihin ang kataksilan na ginagawa ni tita Marisol sa kanya. Mariin kong ipinikit ang mga mata.Nag-iisip nang maaring sulosyon. Kahit na malupit at walang ka amor-amor sa'kin si tatay ay nasasaktan parin ako sa kataksilan ni tita Marisol para rito.

Napailing na lamang ako. Inayos ko ang mga isdang paninda ko at saka nagsimula ng itinda ang mga ito. Saka ko na po-problemahin ang tungkol kay tita Marisol at mang Gabo. Tulad ng dati ay agad kong inalok sa mga namamalengke  ang paninda ko.

 "Suki,bili na po kayo!Sariwang sariwa po."

walang kapaguran kong alok. Kailangan ko mapaubos ulit ang paninda ko. Para naman hindi nakakahiya kay mang Kanor na nagsu-supply sa'kin ng mga pang tinda ko.Habang abala ako sa pag-alok nang bigla na lamang sumulpot sa kung saan si tita Marisol.

Napailing na lamang ako, alam ko kasi ang dahilan kung bakit ngayon ay naririto ito sa palengke. Lihim kong itinago  sa aking bra ang kaunti ko pang benta. Kapag hindi ko kasi itinago iyon ay pihadong ubos ang kapiranggot kong kita. Nagkunwari na lamang ako na hindi ko na pansin ang pagdating niya.Palihim akong tumalikod sa gawi nito. Ngunit sa pagtalikod ko namang yun, ang kasunod noon ay ang may kalakasan nitong pagtapik sa balikat ko. 

"T-tita,ano po ang ginagawa n'yo rito?"Kunwari ay nagulat at painosente kong tanong. Kahit na alam ko naman talaga ang sadya nito dito sa palengke. 

"Baka may benta ka na d'yan. Ibigay mo na muna sa'kin. "

Ani nito sabay lahad ng palad sa akin na akala mo ay batang paslit na nagugutom at humihingi ng pagkain. Lihim akong napabuntong hininga. Ano pa nga ba ang maasahan ko sa madrasta kong hindi marunong magbanat ng buto. Na walang alam kung'di ang humingi at  ilahad nang ilahad ang palad sa amin ni tatay para matustusan ang mga bisyo niya. 

"Eh tita,wala pa po kasi akong benta e."

tanging nasabi ko.Alam kong gasgas na ang palusot kong iyon. At alam ko naman na kahit hindi ganon ang sabihin ko ay hindi ito maniniwala sa akin.Sinamaan ako ng tingin ni tita Marisol. Saka mahigpit akong hinawakan sa braso. Napangiwi ako dahil sa ginawa nito. 

"Sinong niloloko mo ha?!Hindi ako pinanganak kahapon,kaya wag mo akong gawin tanga!Ibigay mo muna sa'kin ang benta mo,kailangan ko ng pera ngayon."

Muli ay galit na wika nito saakin. Wala akong nagawa kung hindi ibigay ang kakarampot na dapat sana ay kikitain ko pa lamang. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Doctor's MAID"(MATURE CONTENT. R-18+(SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now