Chapter:1

655 26 7
                                    

CHAPTER:1

(Yvonne P.O.V)

Pawis na pawis man ang aking buong mukha ay di ko iyon alintana. Ang tanging gusto ko lamang  ay maubos ang aking mga itinitindang  isda. Kailangan mapaubos ko iyon, bago mag alas dose.Para maka extra pa ako sa karenderya ni Maam Elise.

"Suki, bili na po kayo!Sariwang sariwa pa!"

Halos maputol ang ugat sa aking leeg sa lakas ng aking ginagawang pag sigaw na pag-aalok sa mga taong dumadaan sa aking kinapu-pwestuhan.. Araw-araw ay ganoon ang ginagawa ko. Kailangan ko ang mag doble kayod. Gusto kung makaipon upang maipagpatuloy ko ang natigil kong  pag aaral sa susunod na pasukan.

Hirap akong makaipon lalo na at kapag nalaman or nakita ni Tatay na may kinita ako mula sa aking pagtitinda or di kaya ay sa pag sideline sa tindahan at canten ni ma'am Elise ay kinukuha nito sa'kin.

Ang madalas nitong ikatwiran sa'kin hindi ko na raw kailangan pa ang mag-aral dahil kapag  nag asawa naman daw ako e,sa bahay din lang naman ang bagsak ko.Na maling-mali para sa akin. Hindi porke't babae ako e,hanggang sa loob lang ng bahay ang kakayanan ko. Alam ko naman na kahit katiting ay walang kasupo-suporta sa'kin ang sarili kong ama.

Ang tingin sa akin ni Tatay ay isang basura. Masakit isipin, pero iyon ang totoo. Lumaki na lang ako sa mabigat at mapanakit nitong kamay . Na kung minsan nga pakiramdam ko namamanhid na ang buo kong katawan dahil sa madalas na pananakit na iyon ni Tatay. Pero okay lang. Kaunting pagtitiis pa.

Kapag nakaipon ako aalis ako sa mala impyernong bahay na iyon. Wala rin  naman akong puwang doon. Oo nga,may ama,madrasta,at kapatid ako. Pero kahit kailan hindi nila ako itinuring na kapamilya.Ang turing nila sa akin ay parang isang utusan, alila, na sunod-sunuran sa lahat ng gusto nilang ipagawa sa akin.Minsan naiisip ko kung anak ba talaga akong tunay ni Tatay.

"Ale,bilhin ninyo na po ito.Tatlong kilo na lang po sariwang sariwa pa."

Alok ko sa babaeng nakatalikod. Ngunit agad akong napangiti nang makilala kung sino iyon. Si ma'am Elise.

"Ma'am Elise,kayo po pala.Magandang umaga po.Hindi ko kayo agad nakilala."

"Naku!Sinasabi ko na nga ba't ikaw iyong naririnig ko doon sa kabilang kanto palang nitong palengke. Ay ikaw talagang bata ka,baka mapatid na yang litid mo sa lakas ng pagsigaw na ginagawa mo.Teka, anu ba yan?"

Nakangiti ngunit napapailing nitong tanong sa'kin.Agad kong kinuha ang tinda-tinda kung isda na nasa malaking fish container.

"Sariwang tilapia po ma'amElise. Mga bagong huli po ni mang Kanor."

Nakangiti  sagot ko. At ipinakita rito ang mga tinda ko na tilapia.

"Aba'y tamang-tama may mga parating na bisita si Elmo, mamaya. Ito na lang ang lulutuin ko para sa mga iyon.Sige paki balot mo  ako ng tatlong  kilo,Yvonne."

Malaking ngiti ang gumuhit sa aking labi.Maaga kong mapapaubos ang aking tinda.At pasalamat ako kay ma'am Elise na sa bawat pag alok ko ay bumibili ito.

"Siya nga pala, Yvonne, wag ka na muna pumasok mamaya sa canteen."

Tumigil ako sa aking ginagawang paglalagay ng  tilapia  sa plastik at  takang tumingin ako kay ma'am Elise.

"B-bakit po?"kabado kong tanong. Baka kasi hindi nito nagustuhan ang pagta -trabaho ko sa kanya nung nakaraan araw.

"Sa bahay kana dumiretso. Uusapin muna kita, tulungan mo  muna ako sa mga hugasin."

Nakahinga ako ng maluwag.Saka ngumiti. Akala ko ay ayaw na ako ni ma'am na mag sideline sa canteen nito.Iniabot ko kay ma'am Elise ang binili nitong tilapia.

"Ano po ang mayroon sainyo?Birthday po ba ni kapitan Elmo?"Sunod-sunod kong tanong. Habang kinukuha ko kay  ma'am Elise ang bayad. Nakangiti itong umiling sa'kin.Nangunot ang noo ko.

"May mga parating na taga Maynila mamaya. May medical mission, na gaganapin bukas d'yan sa Villanueva National Highschool.E, ako naka toka sa pag luluto para sa mga parating na mga Doctor na yun.Kaya  uusapin na muna kita na ipaghugas ako ng mga plato. At ako na bahala magbigay sayo. "

Nakangiti at mahabang paliwanag sa'kin ni Aling Elise.Ako naman ay napatango-tango na lamang din.Ngunit ng di makatiis ay muli akong nagtanong.

"Medical mission?para saan po ma'am Elise?"

"Para sa mga tagarito, sa Sitio Taingon.Alam mo naman, dito sa lugar natin, Yvonne, May ospital nga, hindi naman kumpleto sa mga kagamitan.Kaya maganda talaga na paminsan-minsan ay may mga taga Maynila na dumarating dito sa Baranggay natin.Malaking tulong iyon sa mga taga rito sa atin."Napangiti ako. Totoo naman kasi ang sinabi ni ma'am Elise. May ospital nga dito sa probinsya ko,mga kulang naman sa kagamitan. At iisa pa ang nakatalagang nurse. Maging sa doctor ay iisa din. Na kung minsan ay 'di pa mahagilap dahil nasa kalapit bayan at nag aasikaso ng iba pang pasyente na may mga sakit. Malaking tulong sa mga taga baranggay ko dito sa Sitio Taingon kapag may mga ganitong medical mission na nagaganap.

"Tama po kayo ma'am.Pwede po magpa check- up doon si Tatay? Napapadalas na po kasi ang pag ubo-ubo."

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang napatitig sa akin si ma'am Elise. Maya-maya pa ay ngumiti ito at marahang tinapik ang balikat ko.

"Ay oo naman.Sabihan mo yang tatay mong lasenggero na magpa-check up na. Kay swerte ni Delfin sayo,Yvonne.Kaybuti mong anak.Kahit na hindi maganda ang pakikitungo at  trato  sayo ng tatay mo at ng madrasta mo.Sila parin ang iniisip mo."

Malungkot akong ngumiti.Tanging si ma'am Elise lang ang nalalapitan at  napapagsabihan ko ng mga hinanakit ko sa aking sariling pamilya.Para ko na itong ina.Kahit pagbaligtarin ko  pa man ang mundo ama't ama ko pa rin ang taong madalas ay mang alipusta at madalas  manakit sa'kin.Masakit man isipin na dapat sana ay tatay ko ang po-protekta sa 'kin,pero s'ya pa ang madalas manakit sa akin.

Nakagat ko ang aking pang- ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Ayaw ko na may ibang makakita noon.Pinanatili ko ang pagiging matatag ng mukha ko. Ngunit hindi iyon nakaligtas kay aling Elise.Marahan nito hinagod ang likod ko saka ngumiti.

"Kahit ano pa po ang gawin ko ma'am Elise,ama at ama ko pa rin si Tatay.Kahit na ganoon ang pag trato sa'kin.Utang ko parin po sa kanya ang buhay ko."Nakatungo kong pagkakasabi.Napahinga si ma'am Elise ng malalim. Muli ay ngumiti ito sa akin.

"Tama iyan, anak. Pero sana ay dumating ang panahon na magbago ang pakikitungo sayo ng sarili mong ama."

"Sana nga"tanging naiusal ko sa sarili.

"Sya paano, ako'y uuna na sa'yo. Dumiretso kana lang sa bahay,pagkatapos mo dito."

"Sige po. Salamat po ulit ma'am."

Nang makapagpaalam na sa'kin si ma'am Elise  ay agad kong itininda pa ang mga natitira.Kaunti na lang  naman kaya madali kong napaubos iyon.

The Doctor's MAID"(MATURE CONTENT. R-18+(SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now