(Yvonne's POV)
Alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na ako. Tulad ng dati,maaga akong bumangon sa aking higaan. Tinupi ko ang banig at inayos ang dalawang unan na aking ginamit.
Pagkatapos kong magligpit ng aking higaan ay dumiretso ako sa kusina.Kumuha ako ng uling at binuhay ko ang kalan at nag painit ako ng tubig. Habang iniintay ko ang pagkulo ng tubig ng bigla akong nakarinig ng kaluskos mula sa likod ng bahay. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo,upang tingnan iyun.
Maingat kong binuksan ang panara ng pintuan gawa sa kawayan.At sinilip kung anu iyon. Nangunot ang noo ko ng muli akong makarinig ng pagkaluskos,ngunit may kasama na iyong paghalinghing na tila ba ay nahihirapan.Nagmumula iyon sa maliit na bahay kubo na nakatayo din lang mismo rito sa loob ng aming bakuran.
Ginawa ni tatay ang bahay kubo na iyun dahil doon iniimbak ang mga mais na inani galing sa bukid. Dahan-dahan ang paglapit na ginawa ko sa bahay-kubo.
At habang papalapit ako ay palakas ng palakas naman ang impit na aking naririnig.Sa likod ng kubo ako pum'westo. Maingat ko sinilip sa butas kung saan nagmumula ang ingay na yun. Ngunit nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.
Bigla kong natutop ang sarili kong bibig ng makita kung saan nagmumula ang ingay na aking narinig kanina. Si tita Marisol at mang Gabo. Magkapatong ang mga ito sa kawayan papag. Habang parehong mga walang saplot.Nakapikit si tita Marisol,habang ang dalawa nitong kamay ay mahigpit na nakayakap kay mang Gabo. Habang si mang Gabo ay ganoon din at walang habas sa pag galaw sa ibabaw ni tita Marisol.
''Oh....!Idiin mo pa Gabo...!"impit ni tita Marisol na tila sarap na sarap sa ginagawa ni Mang Gabo rito.
Hindi ko na nakayanan pa ang nga sumunod na nangyari kaya mabilis kong inalis sa butas ang aking tingin. At mabilis na lumayo sa bahay kubo. Nagmamadali akong pumasok ng bahay.
Nanghihina akong napaupo sa silyang kawayan.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita!Kailan pa niloloko ni tita Marisol ang tatay ko?Ang buong akala ko ay pagsusugal lang ang kaya nitong gawin. Ngunit hindi pala!Kaya din pala nito lokohin si tatay.
Naikuyom ko ang sarili kong kamao.Gusto kong sugurin ang taksil kong madrasta.Pero wala akong lakas ng loob upang gawin iyon.Nagngingitngit ang kalooban ko.Naaawa ako sa aking ama.Wala siyang kaalam alam na pinagtataksilan na siya ni tita Marisol.
Halos magkandaugaga at magkada kuba na sa pagtatrabaho si tatay matustusan lang ang mga kapritso at luho ni tita Marisol tapos ito pa ang igagante ng magaling kong madrasta sa aking ama.
Halos kalimutan na nga ako ni tatay e,para sa kanya!Tapos ito pa ang gagawin niya?. Habang wala si tatay ay iniiputan niya sa ulo.Sunod-sunod ang pagbuga ko ng mainit na hangin.
Nag iisip kung ano ang dapat tamang gawin. Kapag sinabi ko kay tatay ang nakita ko,alam ko na hindi ako paniniwalaan ni tatay. Mas paniniwalaan nito ang mga kasinungalingan na maaring sabihin ni tita Marisol. Sa huli ako na naman ang magmumukhang masama.
Tumayo ako at kinuha ang kumukulo ng tubig. Nag salin ako sa isang tasa. Saktong magti-timpla ako ng kape ng bigla ay bumukas ang pintuan. Si tita Marisol na tila ay nagulat pa ng makita akong gising na.Gulong-gulo ang buhok nito.Habang ang kanang bahagi naman ng daster nito ay nakalilis pa.Marahil sa kababuyan ginawa nito at ni mang Gabo kanina ay hindi na napansin pa na nakalilis ang daster nito.Kumulo bigla ang dugo ko ng maalala ang mga malaswang kaganapan na nakita ko kanina sa pagitan nito at ni mang Gabo.
''Mga taksil!."
Gusto kong isigaw ang mga katagan na iyon ngunit nanatili na lamang ang mga katagan na iyon sa aking isipan.Wala pa akong lakas ng loob at kakayahan upang ilabas ko ang galit ko sa aking madrasta.Nagpatuloy ako sa pagtimpla ng kape ko.
''Pagkatapos mo dyan,walisan mo ang bahay kubo. Masyadong madaming kalat."
utos nito sa'kin. Hindi ako sumagot sa sinabi nito. Bagkus ay lihim akong napairap sa kawalan.''Dumi at kalat ng kataksilan niya,gusto ako pa ang maglinis!
"Hoy Yvonne!Bingi ka ba?Ang sabi ko walisan mo ang bahay kubo dahil marumi na!"
Pagalit nito na bulyaw saakin.Napabuga ako ng mainit na hangin. At naikuyom ang sariling kamao. Kung hindi lamang kay tatay ay matagal ko ng pinatulan ang madrasta kong ito. Na kung umasta, akala mo siya ang nagpapalamon sa'kin!
"O-opo tita."
Alanganin kong sagot rito at lumagok ng kape.
"Pagkatapos mo doon sa bahay kubo,ipagluto mo ako ng almusal ah.Matutulog lang ako dahil pagod at puyat ako. Dapat pagkagising ko may nakahain na."
ani nito bago tuluyan pumasok ng silid.Gigil kong ibinaba ang tasa ng kape.Nagngingitngit ang kalooban ko. Hindi dahil sa mga inuutos niya sa'kin. Sanay naman ako sa pagtrato sa'kin ni tita Marisol na parang katulong e,ang hindi ko makayanan ay ang kataksilan niya ginagawa kay tatay.
Padabog akong tumayo at lumabas ng bahay.Hinagilap ko ang walis tingting at tinungo ang kubo.Naipilig ko ang aking ulo ng maalala ko ang mga nakita ko kanina. Inis na hinagis ko ang walis tingting sa pwesto na kung saan ay nakita ko si tita Marisol at mang Gabo na gumagawa ng milagro.
Minadali ko na ang aking paglilinis. Ayaw kong magtagal sa loob ng bahay kubong ito.Bago ako lumabas ng kubo ay sinigurado kong malinis nga ito. Dahil alam ko mamaya ay titingnan ni tita Marisol ang ginawang paglilinis ko rito. At tulad ng dati,kapag hindi nito nagustuhan ang paglilinis na ginawa ko ay uulitin ko na naman iyon.
Pagkatapos ko sa kubo ay mabilis naman ako nagluto ng almusal ni tita Marisol. Nang masigurado ko na nagawa ko na ang mga dapat kong gawin ay mabilisan naman akong naligo. At nagmamadali na pumunta sa pier upang kumuha ng mga isda na muli kong ititinda sa palengke.
Medyo marami rami ng mga tao sa pier at kanya-kanya ng hakot ang mga ito ng kanilang mga inangkat na mga isda. Habang ako naman ay nagmamadali na pinuntahan si mang Kanor. Halos kapusin pa ako sa paghinga ng marating ko ang pwesto ni Mang Kanor.
"O Yvonne,tinanghali ka yata."
bati sa'kin ni mang Kanor na naglalagay ng mga bangus sa malaking Styrofoam.''Oo nga po mang Kanor.Alam n'yo naman po,bago ako umalis sa bahay, kailangan ko muna gawin ang mga gawain bahay."
ani ko. Napailing si mang Kanor sa mga sinabi ko.
''Ano na lang ba ang ginagawa ng madrasta mo,at parang lahat na lang yata ng gawain sa bahay n'yo sa saiyo inaasa?"
Napabuntong hininga ako sa sinabing iyon ni Mang Kanor. Sa totoo lang,minsan ay napapaisip ako, sa pag trato sa akin ni tita Marisol at ni Tatay ay para na akong katulong ng mga ito. Ni minsan kasi, ay hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ni tatay kay tita Marisol.
"Ito yung mga ipapatinda ko sayo ngayon. Kakaunti nga lang ito Yvonne,dahil may mga buyer ako kanina."
ani mang Kanor at ibinaba ang medyo may kaliitan na timba sa harapan ko.
"Naku ayos lang po mang Kanor,basta may maitinda lang po ako at may kitain kahit kaunti ay ayos na ayos na po sa'kin.Paano po, mauna na ako ng maaga ko mapaubos itong paninda ko. "
paalam ko na rito at akmang pagbuhat ang aking gagawin sa timba na may isda. Ngunit nagulat ako ng may bigla na lang noon bumuhat.
''Masyadong mabigat para mag buhat ka ng ganito."
ani ng lalaking ngayon ay buhat-buhat na ang timba na may lamang isda.
Tila tumalon ang puso ko ng makita at makilala kung sino ang lalaking iyon.
YOU ARE READING
The Doctor's MAID"(MATURE CONTENT. R-18+(SLOW UPDATE!
RomanceDaniel Miller & Yvonne Miraveles "She is just a maid!and she's nothing to me!"