(Yvonne POV)
"Ibigay mo sa akin yan!"
Galit na sabi sa akin ni Tita Marisol habang pilit nito na kinukuha sa akin ang aking kinita mula sa aking pagtitinda sa palengke kanina.Matigas akong umiling kay Tita Marisol na pilit inaabot ang aking kamay na may hawak sa perang aking kinita.
"Tita,pang enroll ko po ito."halos nanginginig kong sabi kay tita Marisol.Matalim akong tiningnan ni Tita Marisol. Tumaas din ang kilay nito sa akin.
''Anung pang enroll pinagsasabi mo?Hoy, Yvonne!wag kang tanga!at sinong may sabi na mag-aaral ka!"Galit nito na sabi sa akin.Napalunok ako.Alam ko naman na tutulan nito ang binabalak kong pag aaral muli. Kaya nga halos patago ang ginagawang pag- iipon ko dahil alam ko na hindi ako papayagan na muli pang makapag-aral. Kahit pa nga sabihin na sariling sikap ko ang aking gagawin makapag-aral lang.
"Tita,kahit sa pag-aaral man lang hayaan ninyo man lang sana ako!"
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong magtaas ng boses kay tita Marisol.Sobra na kasi. Kahit sa munting pangarap ko na makapag-aral ay humahadlang pa sila sa akin.
Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganon na kung tutuusin ay dapat sila pa ang humahatak sa akin paitaas para sa mu-munting pangarap kong makapag-aral muli. Pero hindi,dahil sila ang humihila sa akin paibaba upang hindi ako makapag -aral.
"Aba at ang lintik na babae na 'to,marunong ka ng sumagot na walanghiya ka"ani nito at malakas na hinila ang buhok ko. Napangiwi ako sa sakit dahil sa ginagawa nito sa akin. "T-tita nasasaktan po ako.."Takot at nginig kong sabi.''Talagang masasaktan ka sa akin na babae ka!Tanginang ito! May pag-aaral pang nalalaman. Hoy,Yvonne!hindi ka palalamunin ng lintik na pag-aaral na yan!Kaya ibigay mo na sa akin ang pera na yan dahil walang bigas! "Sabi nito sa akin na nanlilisik ang mata. Sabay hablot nito sa perang kinita ko.Napangisi ito at inamoy-amoy ng nasa mga kamay na niya ang perang kinita ko. "Hoy babae,sinasabi ko sayo kalimutan mo na yang lintik na pag-aaral mo. Kung ayaw mong sa sunod ay malintikan at makatikim kana sa akin. Ang perang kinikita mo,dapat sa akin lang mapupunta. Hindi dyan sa pag-aaral na sinasabi mo!Naiintindihan mo?!Manang-mana ka talaga sa ina mo,masyadong ambisyosa!"sabi nito at dinuro-duro ako sa mukha. Wala akong magawa kundi ang tahimik na umiyak na lamang.Wala naman kasi akong mapapala kung sasagot at mangangatwiran pa ako.Bingi sila sa mga sinasabi ko.Umalis si tita Marisol sa aking harapan. At naglakad palabas ng bahay. Sigurado akong sa madyong ang deretso nito
Gusto kong maiyak sa sobrang sama ng loob. Ang bigat-bigat ng aking nararamdaman. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis sa ginagawa ng aking madrasta at kahit ni tatay sa akin.Pinalis ko ang luha sa aking pisngi ng marinig ko ang iyak ni Junior. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng aming bahay na pulos gawa sa kawayan at kahoy.''Mama!"malakas na iyak ni Junior na kagigising lang. Agad ko itong nilapitan at binuhat. ''Junior, naririto si ate. Wala ang mama "Sambit ko at kinuha ang bote ng didehan nito. Pinaghile ko ito upang makatulog ulit pero bigo ako. Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Sa edad kong dese-otso ay tila isang ina na ako. Kapag wala akong trabaho halos ako na ang madalas mag-alaga sa aking batang kapatid.Napabuntong-hininga ako ng maalala ko si aling Elise. Oo nga pala kailangan kong makapunta sa kanila.Napatitig ako sa aking kapatid. ''Paano ako raraket nito kung gising ka."Kausap ko sa aking kapatid at bumuga ng hangin. May naisip ako.Dali-dali kong kinuha ang maliit na bag at nilagyan iyon ng ilang kagamitan ni Junior. Isasama ko na lang. Pinalitan ko si Junior ng damit at aking binuhat palabas ng bahay. Ilang sandali pa at tinatahak ko na ang daan patungo kina aling Elise. "Junior,magbabait ka doon ah. Kasi kailangan ni ate magtrabaho ngayon.At kumita ng pera."Pagkausap ko sa aking kapatid habang binabagtas ang daan patungo kina aling Elise. Mga bente minutos at narating ko din ang bahay. "Yvonne,bakit ngayon ka lang?"Agad ay tanong sa'kin ni aling Elise ng makita ako. Pagod na aking inupo ang aking kapatid sa isang bakanteng mono block. "Pasensya na po aling Elise. Ito ho kasi si Junior eh. "Ani ko at sabay baling sa aking kapatid na tahimik lang na nakaupo. "Okay lang. Teka bat nga pala kasama mo yan?"Napakamot ako sa aking ulo dahil sa tanong ni aling Elise. "Sinama ko na po rito. Wala ho kasi magbabantay. "Tigas na napailing sa akin si aling Elise. ''Hmm...Nasa sugalan na naman ba yang magaling mong madrasta?Hay naku Yvonne,ewan ko ba diyan sa Tatay mo kung ano nakita dyan kay Marisol. Bukod sa tamad na e,sugarol pa."Nahihiyang napayuko ako sa tinuran ni aling Elise. Totoo naman kasi lahat ng sinabi nito. Halos saakin na inasa ni Tita Marisol. Lahat ng gawain sa bahay ay sakin na itinuka. ''Pasensya na ho."Hinging paunmanhin ko. ''Okay lang,Yvonne. Naiintindihan ko. Ang hindi ko maintindihan ay yang ama mo na may pagka-martir diyan sa madrasta mo. Sya akina ang kapatid mo at pababantayan ko na muna kay Henry."Ani nito na ang tinutukoy ay ang anak nito na panganay na nag-aaral sa manila ng medisina. sabay buhat kay Junior.Ako naman ay sinimulan na ang mga dapat kong gawin.Marami ng nakatambak na mga hugasin plato sa lababo kaya naman ay iyon na muna ang inuna ko. Marami yata ngayon bisita si aling Elise. Inuna kong sabunin ang baso at isinunod naman ang kutsara,tinidor at mga plato.Pagkatapos ay ang naglalakihan mga kaldero at kawali na sa hula ko ay mga pinaglutuan kanina. May kabigatan ang mga iyon kaya naman ay kailangan dalawang kamay ko ang gamit ko.''Do you need help?"Mula sa aking likuran ay isang baritonong boses ang aking narinig. Muntik ko ng mabitawan ang hawak na kawa dala ng gulat. Napalingon ako sa nagsalita. At napakurap-kurap na lang ako ng makita ko ang isang matangkad,gwapo,maputi at mala modelong lalaki na nakasandal sa pinto.
YOU ARE READING
The Doctor's MAID"(MATURE CONTENT. R-18+(SLOW UPDATE!
RomanceDaniel Miller & Yvonne Miraveles "She is just a maid!and she's nothing to me!"