Chapter:3

342 7 7
                                    

Tila na magneto ako at hindi ko na maalis pa ang tingin sa lalaking nakatayo sa may pinto. Kasabay noon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan habang nakatingin sa kanya.Tatlong beses akong napalunok. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

''H-hindi na po.K--kaya ko na po ito."

Utal kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing nakikita ko sya.  Tipid siyang ngumiti sa'kin.Na mas lalo pang ikinabilis nang pagtibok ng puso ko. Mas lalo pa kasi siyang naging gwapo sa ngiting iyon. Lumakad siya palapit sa paminggalan na katabi ko at kumuha ng baso.Tila nahigit palabas ang hininga ko ng dumikit ang mainit niyang balat sa balat ko

''Sigurado ka ba na kaya mo?Ang laki kasi ng mga hinuhugasan mo."

Tanong nito habang kumukuha na ng tubig sa water dispenser.Nahihiya akong ngumiti sa kanya.At ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

''Okay lang po. Sanay na naman po ako."

Ani ko at akmang ilalagay sa lababo ang may kalakihan at kabigatan kawali.Sa laki noon sa tingin ko ay mahihirapan ako na sa lababo linisin iyon.

"I will put it for you. "

Sa matatas na English ay sabi nito sa'kin at mabilis na kinuha sa mga kamay ko ang kawali at walang kahirap-hirap na inilagay iyon sa lababo.Bigla akong nahiya sa ginawa niya.Sa puti at gwapo niya ay hindi bagay sa kanya ang magbuhat ng may kaulingan na kawali.

''Here.Hindi kana mahihirapan."
nakangiting wika niya sa akin ng mailapat sa lababo ang kawali.''S-salamat po."atubili at nahihiya kong sagot sa kanya. Panandalian niya akong tinitigan at muling ngumiti sa'kin. Ewan ko pero sa bawat pag ngiti na ginagawa niya saakin ay sobra-sobrang kaba ang nadarama ko. Parang may nagkakarerang kabayo sa loob ng dibdib ko.

''How old are you?"

tanong niya sa akin. ''Dese--"

''Dok,naririto ka lang pala."

Naputol ang sasabihin ko ng mula sa pintuan ay bigla sumulpot ang anak ni aling Elise na si kuya Henry.

''Oh yes. I just got some water. " sagot ng lalaking pogi na tinawag ni kuya Henry na 'Dok.'

Sabay taas sa baso na may laman nang tubig. Doktor siya? Tanong ko sa aking sarili. Marahil ay oo. Dahil isa siya sa mga bisita ni aling Elise na sa pagkakaalam ko ay may gagawin medical mission bukas sa school.

''Kanina kapa nila hinahanap. Naririto ka lang pala. Hi Yvonne, kumusta na?"

nakangiting bati naman sa akin ni kuya Henry.Nang gumawi ang tingin nito saakin.Tumingin ako kay kuya Henry at tipid itong nginitian.''Ayus lang po kuya Henry. "

''Pagkatapos mo diyan. Kumain ka a,wag mahihiya."nakangiting wika pa ni kuya Henry sa akin. Tipid na lang akong tumango at ipinagpatuloy ang ginagawa. Samantalang lumabas na ng kusina si kuya Henry at ang gwapong lalaking tumulong sa kin.Ilang sandali pa ay natapos ko ang aking ginagawa at nagpahinga sa isang monoblock . "Nasaan kaya si Junior?" Bigla ay naalala ko ang aking kapatid.Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at lumabas upang hanapin si Junior. Nasa may pintuan pa lamang ako ng marinig ko ang mumunting tinig ng aking kapatid. Tumatawa iyon. Natigil ang paglapit ko kay Junior ng makita ko na kalong iyon nung gwapong lalaki na tumulong sa akin kanina. Ewan ko pero awtomatiko na lang ako napangiti ng makita ko ang ginagawa niyang pakikipaglaro sa aking kapatid. Sa tuwing ngumingiti ito ay mas lalo lang guma-gwapo siya sa aking paningin. Lalo pa nga at sa bawat pagngiti niya ay lumalabas ang maputi at mga pantay nitong ngipin. Napatuwid ako sa pagkakatayo ng mapunta ang kanyang tingin sa akin. Nagtama ang aming tingin sa isat-isa. Na halos magpakabog na naman ng sobra sa dibdib ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa aking sarili. Sa tuwing titingnan or ang ngitian niya ako ay nagdadala at binabalot ako ng sobrang kaba. Napalunok ako ng kagatin niya ang sariling pang-ibabang labi.Tila may magneto na nag-uuganay sa'ming dalawa para hindi maputol ang tingin namin sa isat-isa.

The Doctor's MAID"(MATURE CONTENT. R-18+(SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now