Akala ni yassie matagal pa syang maghihintay kay cheska pero nagulat sya ng bumungad ito sa harapan niya
"San ka ba galing?!" pasigaw na tanong ni cheska
" sa book store, grabe to 2 3o palang! maaga pa nga ako " sagot naman ni yassie ng magkita sila sa harap ng department store.
"teka bat namumula yang gilid ng mata mo?" tanong ni cheska habang pinipisil ang mata nito.
Hindi nalang sumagot si yassie dahil ayaw nyang maalala dahil alam nyanG di narin naman sila magkikita.
naglibot libot sila kung saan saan kain dito kain duon ang drama nila
habang naglilibot may biglang kumalabit sa likod ni yassie na halos ikalundag nya sa gulat
"AY KABAYO" sigaw ni yassie
"grabe ka naman mukha ba kaming kabayo? haha "
tanong ng babaeng di naman masyadong matanda pero maganda parin at halatang mayaman
"sorry pala kanina ha.. ito pala notebook nakita ko kasi kanina yan ung tinitignan mo bago ko nahulog sa ulo mo yung kinukuha kong binder, eh mukhang nakalimutan mo dahil sa inis sakin. binili ko na to peace offering baka kasi makita kita ulit,ayan swerte nakita kita uli"
sabi ng pamilyar na boses,tska lang tinignan ni yassie at ng maaninag nya ang mukha nito napahawak sya ng mahigpit sa braso ng kaibigan.
"ako napo ang kukuha, salamat po dito" sambit ni cheska ng halos hindi na gumalaw sa pagkakatayo si yassie,kahit hindi nito alam ang nangyayari kinuha nya ang plastik na my notebook
"uhm pasensya kana sa nagawa ng anak ko ha. pwede ko bang malamang ang pangalan mo? ako nga pala si margarette ang mama ni jandro"
"yassie po, ito po pala si cheska bestfrend ko po" mahinhin na sagot ni yassie
"ang cute mo, siguro sinadya ng anak ko un para magpapansin sayo" sabi ni margarette sa tonong may halong biro
"MA!" galit namang sagot ni jandro.
tatawa tawa naman si cheska na mukhang nahulaan na ang lahat ng nangyari.
" uhm ma, we have to go. baka magalit si papa, uhm bye yassie.. sorry talaga kanina" paalam ni jandro sa dalawa at dali daling magalang na hinila ang kanyang ina..
ngunit bago pa man makalayo.. lumingon si jandro at agad na tumakbo pabalik sa kinatatayuan ng dalawa..
"uhmm.. yass.. pwede ko bang kunin no. mo? nahihiyang tanong nito
hindi kaagad nakasagot si yassie sa pagkabigla kayat si cheska nalang ang nagprisinta na magbigay nito..
agad na hinila ni cheska si yassie dahil tila wala ito sa ulirat at nakatayo parin habang tinititigan nito ang pag alis ni jandro.
"hoy malandi ka! anung exact na nangyari kanina! bakit ayaw mong sabihin sakin?" nagtatampong tanung ni cheska habang kumakain sila sa isang restaurant.
ikwinento ni yassie ang nanyari..
"uii!! dyan nagsisimula yan!! tapos binigay ko pa pala ung no. mo!! magsisimula na talaga!!! hahaha" tukso ni cheska
"sira ka talaga!?!?' hayaan na natin yan!! kain na tayo!! kelangan na nating makabili ng gamit.. my pasok pa tayo bukas no." sagot ni yassie habang ngumunguya..
simula ng makapasok sila sa restaurant.. panay na ang tingin ni yassie sa kanyang phone
"ano ba?! sabi mo kumain.. ahhh hinihintay mo yung text nung jandro no?" ani ni cheska
"grabe? tinitignan ko lang ung oras-inoorasan kitang kumain! antagal mo! haha " palusot ni yassie..
pagkatapos kumain nagpaalam na sila sa isat isa..
YASSIE'S POV
"uhmm.. yass.. pwede ko bang kunin no. mo?"
paulit ulit lang ang linyang ito sa isipan ni yassie habang naglalakad pauwi..
"bakit naman niya kinuha yung no. ko siguro nakipag pustahan o kaya napagtripan ako'. ang tangkad kaya niya ang gwapo pa posible namang magugustuhan ako nun eh ang liit ko kya. hay bahala na.. ngayon ko palang sya nakita e aligaga na ako.. hmmm" nasambit niya sa kanyang sarili, pilit mang itago no yassie napapangiti talaga siya sa tuwing maaalala niya ang gwapong mukha ng binata.

BINABASA MO ANG
yassie and her mr. perfect (tagalog romance)
Romancesi yassie ay kabilang sa mga taong no boyfriend since birth.. marami naman syang manliligaw pero mapili ang dalaga dahil nadin sa masakit na nakaraan niya sa first love niya hanggang sa nakatagpo sya ng almost prince charming boyfriend niya na kasa...