Simula ng magkaron ng boyfriend ang bestfriend ni yassie na si cheska mas lalo lang syang naawa sa sarili nya dahil palagi nalang masasaya ang kwento ng kaibigan nito tungkol sa lovelife nya.. minsan na nga sinasabi nyang meron din syang boyfriend para lang maka sabay sa kwentuhan ng mga kaibigan.
***
nagyayang lubas si cheska miss nadaw nya ang kaibigan dahil nga simula ng magkolehiyo sila madalang na silang magkita.
"ui labas tayo bukas, first day naman eh sige na matagal nanaman tayong di magkikita" wika ni cheska sa telepono kausap si yassie.
"oo sige, pagkatapos nalang ng klase ah, mapilit ka eh. haha" sagot naman ni yassie..
"bili tayo ng mga bagong bags at shoes at shirts. kie? bye" paalam naman ni cheska
nagkasundo silang sa mall magkita alas tres ng hapon pagkatapos ng kanya kanya nilang pasok.
first day ng klase nila para sa ikalawang semester ng taong iyon. marami paring mga instructor ang hindi pumasok kaya naman bagot na bagot si yassie dahil pati ang mga kaibigan nya hindi parin pumasok. sa grupo nila sya lang ang pumasok kaya naman naisipan nyang lumiban nlang sa huling klase nila.
Nagtungo agad sya sa mall, nang tignan nya ang wrist watch nya ay alas dos sakto palang kaya naisipan nyang magtungo muna sa bookstore upang mamili ng mga bagong gamit..
Naisipan niyang bumili ng tatlong bagong notebook kaya naisipan niyang magtungo muna sa section ng mga ito. Malayo palang sya tanaw na nya ang isang matangkad, maputi at artistahing lalaki na namimili rin ng coloring book namangha agad sya rito, pero iwinaksi agad nya ang pag hangang iyon na nararamdaman nya.
" hmp hindi rin naman ako mapapansin nito, ang tangkad kaya para pang artista balewalang balewala ang ganda ko, baka mas maganda ang gf nito kesa sakin wala nakung laban babush" wika nito sa sarili at agad na naghanap ng notebook.
habang namimili sya ng notebook, may kung anung bumagsak mula sa kanyang ulohan at tumama sa kanyang mata
"ARAY!" bulalas ni yassie
at bigla nalang may humaplos sa mukha ni yassie, isang malambot at makinis na palad.
"sorry po. hindi ko po talaga sinasadya ok ka lang ba? sorry talaga" mahinahon ngunit my pag aalalang sabi ng mala angel na nakakatunaw na boses.
parang nanigas si yassie ng makita ang gwapong mukha ng binata, ang binata kanina sa section ng coloring book..
"ok lang, sige" sambit ni yassie at dali daling nagtungo sa counter. naiwang mag isa ang binata habang nakatingin sakanya..

BINABASA MO ANG
yassie and her mr. perfect (tagalog romance)
Romancesi yassie ay kabilang sa mga taong no boyfriend since birth.. marami naman syang manliligaw pero mapili ang dalaga dahil nadin sa masakit na nakaraan niya sa first love niya hanggang sa nakatagpo sya ng almost prince charming boyfriend niya na kasa...