BZZZZ.... BZZZ.. BZZZZZ
5 oclock alarm
urgghh.. nakakatamad naman bumangon! ang lamig talaga sa baguio lalo na pag ber months!! bumangon nakot nag init ng tubig at nagluto ng rice sa rice cooker.. monday ngayon 9 ang pasok ko pero maaga akong nagising himala.. inayos at plinantya ko na ung uniform ko since uni day ngayon pati ung ibang gamit ko nilagay ko na sa bag ko,nag open muna ako ng fb ko antagal kasi kumulo nung tubig syempre hinalungkat ko ung account ni jandro at nung apat! ang daming post ng mga babae sa wall nila at nalaman kong sikat at harthrob sila sa school nila na exclusive pang mayaman oh! di sila na talaga ang mayaman! haha para silang boys over flower akalain mo un meron pala talagang ganun! haha at model sila?!! model ng victoria secret!! aba ang swerte ko ha!! naisipan kong magpost sa wall nilang 5 ng goodmoring with hearts para kahit sa ganTo manlang makabawi ako sa mga manikin na nang insulto sakin!
*toooooo0o0o0ot!*
mainit na ung tubig makaligo na nga! nagpainit ulit ako ng tubig para sa mga kapatid ko since tulog pa si ate jem..
nagulat si mama kasi nakaligo nako eh dati rati naghahabol ako ng oras
"bat ang aga mo? himala! 6 palang ah!" at nagtawanan sila ni papa, maaga rin silang nagigising kasi my pwesto kami sa palengke at kasama nila sa pagnenegosyo ang lolot lola ko sa mother side na nakatira rin sa 2nd floor ng building.
"bakit masama? ikaw talaga mama kj" nagtawanan lang sila at pumasok nako
nagbihis nako magsusuklay na Sana ako nung nakita kong ang dami kong notification at friend request! mga babae! natawa ako kasi alam kong dahil to sa mga wallpost ko!! sa notification ko nakita kong may comment si jandro sa post ko..
comment
goodmorning baby girl.. imissyou.. muuuaaahhh. text moko
di ko lam na ganto pala talaga ang feeling.. di nako nagcomment kasi alam kong dadami lang ang hater ko
lumabas na ko ng kwarto around 7 oclock napansin nilang lahat na goodmood ako. lagi naman kaya lang kakaiba daw ngayon. maaga rin akong pumasok di ko talaga alam pero ganto siguro talaga ang epekto ng inlove.. ulit..
pagdating ko ng room ko saktong palabas na ng room yung unang klase sa room namin. paglabas nilang lahat pumasok nako agad at naupo sa upuan ko. tinignan ko yung relo ko 8 30 palang may 30 mins pa pala bago yung class namin
nagulat ako ng may sumigaw mula sa front door
"HUWAW ANG AGA NI YASSIE?!! TOTOO BA TO?!!!!! WE?? DINGA!!!!!!!!" sigaw ni lucky
"GAGO HINDI SYA YAN! IBA YAN!!" sigaw pa ni anna
"hala!! NAGBAGO NA YATA" sigaw naman ulit ni timmy
nakakainis naman tong mga to ang iingay kung maka sigaw para kaming asa mga magkabilaang bundok..
nagtakbuhan sila sa tabi ko.. nag unahan ng upuan at nagtawanan .
talaga namang nakapag tataka dahil last semester kahit na ako yung pinaka malapit sa paradahan papauntang school palagi akong late! haha
nakilala ko sina lucky, anna, dian, mayo,jenna,justine,ruby at timmy nung 2nd year 2ns sem naging kaibigan ko na sila simula nun, magulo sila pero sobrang saya walang iwanan sa grupo walang one for all all for one kami.
"teka bakit parang magkakasabay kayo eh first class natin to ah!?" pasigaw kong tanong
"duh? nagusap usap kami kagabi no! busy kasi kagabi yung phone mo at skype mo" sabi ni mayo
ah baka yun yung time na nag uusap kami ni cheska
"uii di nga bat ang aga mo?" tanong ulit ni timmy
"SA UMPISA LANG YAN" pang aasar naman ni dian at nagtawanan nalang ulit kami
"parang blooming ka?" tanong ni ruby
diko masabi sakanila kasi alam kong aasarin lang nila ako kilala ko na tong mga to no! kabisado ko na
naging madalas yung pamamasyal namin ni jandro at kadalasan kasama namin yung apat pang bugok. nagtatampo na nga yung mga friend ko kasi dati rati pag hiniram nila yung phone ko pinapahiram ko kaagad ngayon ni hindi ko na nga lubayan yung phone ko kahit din may load ako di nako nakakapag reply sa mga text nila, at ngayon my pin lock narin. di narin ako nakakasama sa mga lakad madalas kasi kaming maglakwatsya pag katapos ng klase pero ngayon palagi nalang daw akong my dahilan. Isa lang daw ang napapansin nilang positive sakin blooming daw talaga ako.

BINABASA MO ANG
yassie and her mr. perfect (tagalog romance)
Roman d'amoursi yassie ay kabilang sa mga taong no boyfriend since birth.. marami naman syang manliligaw pero mapili ang dalaga dahil nadin sa masakit na nakaraan niya sa first love niya hanggang sa nakatagpo sya ng almost prince charming boyfriend niya na kasa...