chapter 5

1.5K 11 0
                                    

Natapos ang pelikula nang hindi nag uusap ang dalawa at magkahawak lang sila ng kamay..

"mamaya na tayo lumabas. andami pang tao baka mawala ka ang liit mo pa mandin baka di kita makita" pabirong sabi ni jandro

tinignan lang sya ng masama ni yassie

" jowk lang galit agad? hindi ko naman bibitawan kamay mo eh" panunuyo naman kaagad ni jandro

habang naglalakad palabas ng sinihan inalis ni yassie ang kamay mula an pagkakahawak in jandro at kunwaring titignan ang relo nito

" five na pala.. gugutum ako" yaya niya

'ha? gutom kaagad? takaw mo naman pala. eh kakakain lang natin ng snack ahh?" sambit ni jandro

"ah ganon?" sagot ni yassie

"sabagay gutom na din ako"

"eh kakakain lang natin ng snack ah?" udyo naman ni yassie na naningkit ang mga mata

"oo gutom ako sa pagmamahal mo eh" sagot ni jandro at pinisil nito ang mga cheecks ni yassie na agad namang nag init at namula.

Hindi na nakasagot si yassie ng kaagad syang hinila ni jandro patungo sa elevator ang hula niya ay tutungo sila sa isang restaurant at hindi nga sya nag kamali, dinala sya ni jandro sa isang sikat at mamahaling restaurant sa mall na iyon.

"so what do you want to eat baby girl?'

"ewan.. first time kong kung kumain dito eh"

'gusto mo ako nalang umorder para satin?

"hindi hintayin nating yung waiter ang umorder satin at tayo ang magseserve sakanya" sarkastikong sagot ni yasse habang nakangiti

nagpakawala ng malakas na halakhak si jandro at nang napansin niyang halos lahat ng mata ay nakatingin na sakanya, yumuko nalang ito habang pilit na pinipigil ang tawa nito at napangiti nalang si yassie ng marinig ang halakhak ng binata.

nagulat si yassie ng lumapit ang waiter sa kanilang table at tawaging "SIR JANDRO' ang binata.

ano?? sir?? kilala sya rito?? siguro madalas sya dito.. tanong nito sa sarili

"sir jandro ano pong order niyo? the usual po ba?" tanong ng waiter

"no, gusto ko ng specialty niyo for two ha?" sagot naman nito

at tumango nalang ang waiter at umalis

"kilala ka na dito?" tanong ni yassie ng maka alis na ang waiter

'yup, lagi kasi kami dito ni mama, pag my work sila ni papa dito nalang kami nag didiner.

"ahh mayaman ka no?' tanong ni yassie habag naniningkit ang mga mata

'hindi ako. parents ko lang" sagot ni jandro..

ng magtatanong pa sana uli si yassie biglang dumating ang order ng binata.

"lets eat" at tumango nalang siya..

habang kumakain panay kwento ng binata marahil ay ayaw niyang magkaroon ng dull moments at hindi mabored si yassie

nanlaki ang mga mata ni yassie ng tignan niya ang kanyang relo at nakitang mag aalas otso na.

'HALA! malapit na mag 8! kelan gan ko nag umuwi hindi ako nag paalam kina mama' sabi ni yassi habang inaayos niya ang gamit niya

"hatid na kita ha"

"hindi na madidistorbo ka pa" sagot ni yassie habang inilalagay niya ang gamit niya sa loob ng kanyang bag

hindi sumagot ang binata at tumayo nalang ng tumayo narin si yassie.. dali daling naglakad si yassie at agad namang sumunod ang binata

"wait yassie dito tayo meron akong sasakyan hahatid kita. mamaya may mangyari pa sayo. ayoko namang mawalan kaagad ng nililigawan na hindi pa ako sinasagot" sabay kindat kay yassie at tumango nalang si yassie ayaw naman nyang mag alala ang kanyang mga magulang kaya sumama na ito.

namangha siya dahil magara at mamahalin ang sasakyan ng binata simula sa mall hanggang sa kanilang bahay ay sampong minuto lang ang byahe kaya kaagad din silang nakarating.

"jandro salamat ha.. pasok nako baka kasi mapagalitan ako' paalam ni yassie

nang akmang lalabas na ito sa sasakyan. hinila sya ni jandro at niyakap ng mahigpit.

"thankyou for this wonderful day.. i enjoyed it a alot" sani ng binata

"ah sige text text nalang ha" sagot naman ni yassie at kaagad na tumakbo sa harap ng kanilang gate ng building na inuupahan nila.. dahil nga sa third floor sila nakatira hingal na hingal syang nakarating.

"san ka galing? bungad kaagad ng kanyang papa

" sa mall pa. kasama ko si cheska namili ng gamit" sagot niya sabay hagod sa dibdib

"bakit ka hinihingal" tanong nman ng mama niya

"ahh tinakbo ko kasi hanggang simula first floor e" sagot niya uli

"kumain kana?" tanong ng papa niya

"oo pa. tulog nako pagod ako eh hehehe" sabi niya habang tinuturo ang kanyang kwarto

"osige' sagot nalang ng papa niya

"wew.. buti nalang hindi nagtanong" sambit niya sa sarili

agad siyang nagbihis at nagtungo sa kanyang kama. napapikit nalang siya ng maalala ang mga nangyari sa araw na iyon at nakatulog nalang siya kaagad marahil ay dahil sa pagod..

biglang nagring ang cellphone ni yassie ngunit wala na syang lakas upang hanapin ito at ayaw na ng bumukas ng kanyang mga mata kayat napag desisyunan nyang bukas nalang ito basahin..

TEXT MESSAGE FROM JANDRO

     it only took me one day to fall inlove with you. you're unbelievable :) goodnight baby girl. iloveyou :)

yassie and her mr. perfect (tagalog romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon