YASSIE'S POV...
As we reach the venue talagang bumabaliktad na ung sikmura ko di ko na halos maihakbang ung mga paa ko, lalong lumalakas ung tibok at kirot ng puso ko habang papasok sa hotel, gustong gusto naring magsilabasan ng mga luha ko..
simula ng makapasok kami ng hotel nakalagay lang sa bewang ko ung left hand ni jandro. parang wala lang lahat sakanya
wala akong makitang inis o galit sa mga mata at kilos nya puro excitement lang at lalo lang akong nasasaktan kasi parang gusto talaga nyang makasal
''j-jandro, im the luckiest girl dahil naging a-akin ka kahit sandali lang'' halos maluha luha kong bulong
di ko rin alam kung san ko nahuhugot ung mga nasasabi ko
i can see pain through his eyes at lalo akong nahihirapan
i almost lost conscious when he kissed me
''stop it you silly lady, hindi naman ako mawawala sayo, yan napapala mo kakapanuod mo ng ina kapatid anak eh!'' biro nito at nakuha pa talagang magbiro
pinalo ko sya ng mahina, at pumasok na kami sa resto
gusto ko ng lamunin ng lupa ng makita kong ang daming camera ang nakatutok samin! agad naman silang hinarangan ng mga guards at inassist kami sa v.i.p area ng resto at isinara ang pinto
alam kong mayaman sila jandro pero di ko naman alam na sikat din pala ang pamilya nila, naman bakit di ko alam?! wala manlang nagsabi sakin!
nakita ko sila colt,nicho,jaco at kenji sa loob na nakikipag usap pa sa iba pang mga bisita, agad naman nila kaming nilapitan, isa isa nila akong niyakap at nangamusta
maya maya pa ay dumating na sila tigaret na at kasama na si tito, kasunod ang pamilya ni sam. hmpff!!
agad silang sinalubong ni jandro at iniwan ako kila colt, nakaramdam ako ng selos at naluluha ako.
''its gonna be alright, just keep your heads up pretty'' bulong ni colt
nginitian nila akong apat and i gave them a half fake smile
sam's father give us all the cue to sit down and start eating as the waiters serve the light foods kasi my catering pa after the wedding
naupo ako kasama sila jaco.. nagulat ako ng lumapit si jandro sa table namin
'' can I borrow my baby?'' tanong nya sa mga kaibigan
''of course after all she's yours'' sagot ni nicho
''just give us the cue'' singit ni kenji at kumindat
''woo!! excited!!'' sigaw naman ni colt
ano bang problema ng mga to?! magkakaibigan talaga
''j-jandro'' tatanggi pa sana ako pero hinila nako niya ako
***
''what is she doing here?'' naiiritang tanong ni sam
''she's with me'' sagot ni tigaret at ngumiti
''well lets start'' sabi ng papa ni sam habang pinapanuod kaming umupo ni jandro
diko alam kung anong lugar ko at ginagawa ko dito.. para akong tanga! bakas naman sa mukha ni tito ang galit at pangamba
''so jandro are you excited for the wedding later?'' tanong nito
''well, im so excited'' sagot nitong nakangiti
para akong binuhusan ng mga malalaking ice sa ulo!! napanganga ako at talagang namumula na diko alam kung sa sakit,galit o kahihiyan!!
''really?!'' kinikilig ng lecheng sam nato!! gusto ko syang gilitan ng leeg at ihawin ung mga eyeballs nya!
inakbayan ako ni jandro at kiniss sa pisngi, nanlaki ang mga mata nilang nakatingin samim
''im so excited to tell you that walang kasalang magaganap'' nakangiting sabi ni jandro habang naka akbay parin sakin
''JANDRO!'' napatayo sa galit si tito nagulat kaming lahat
biglang lumapit sina colt sa table namin my mga dalang papeles at my mga kasamang mukhang mga attorney
''whats this?!'' galit paring tanong ni tito
''oh just shut up and listen alejandro!!'' galit narin si tita
ginala ko ung mga mata ko nagbubulungan ung mga bisita
''weve been working our butts of for three days so lets get this over with so we can rest'' sabi ni nicho at ibinigay ang mga papeles kay tito
''together with this lawyers and of course with your lawyer,we reviewed all the documents, papers and financial statements of your company tito'' sabi naman ni jaco
''para kasing hindi accurate at reliable ung mga documents may mga inconsistency din'' singit ni kenji
''as you can see tito, dinoktor po ung mga documents na isinubmit sainyo'' ani ni colt
''it turned out na kumpanya pala nila sam ang nalugi at baon na baon na sa utang and they decided to merge with our company to save theirs and to suck all our money kaya minamadali ang putapeteng kasal nato'' singit din ni jandro
''sinuhulan nila ng mas mataas na posisyon sa kumpanya ang head ng acctg dept. para pekehin ang mga ledgers'' sabi ng isang lawyer
''whats this?! you're making this all up para takasan ang kasal!! besides wala kayong evidence, i can sue you for this!!'' sigaw ng papa ni sam
''you do realize we have cctv's right?'' sarkastikong tanong ni tita
napapanganga ako sa mga nangyayari
''our lawyers will explain it all to you tito besides they are lawyers they know everything you need to ask'' chorus pa ang apat
''so lets call it a day and move on'' nakangiting tumayo si tigaret
tumayo narin si jandro at hinila ako
''now if you'll excuse us i have alot of catching up to do with my girlfriend and future MRS. CRUZ'' ngiti ngiting sabi ni jandro
para akong inalisan ng 12 inches na tinik sa puso!
''be carefull guys! enjoy!'' sigaw ni tita
tinignan ko pa si tito bago ako hinila ni jandro, kitang kita ko ang guilt, galit, disappointment at pagkabigla sa mukha nya..
napatigil kami sa paglalakad ng sumigaw si colt
''jackass! alam mo bang madaming paparazzi dyan tapos dyan kayo dadaan?!''
natawa si jandro, agad kaming bumalik at naglakad.. di ako makapag salita parang wala ako sa sarili na sunod lang ng sunod kung saan hilain ni jandro
pagdaan namin lalong lumakas ung iyak ni sam
'' tsh bratt psycho!'' sigaw ni jaco and he smirked
sa back door ng kitchen kami dumaan kasi nga madaming reporter sa harap
naglalakad na kami sa hallway papunTang parking lot ng sa wakas magawa ko ng magsalita
''j-jandro''
'' i told you so'' taas ang noong sagot ni jandro
magsasalita pa sana ako pero nagsalita si kenji
''oh pano kita kita nalang tayo dun, magpapalit pako this suit's heavy, susunduin ko pa si-''
''cool! kayo na!'' oh silang apat naman ang chorus ngayon
paglabas ng hallway isa isa na silang nagsipasok sa mga sasakyan nila
''see you guys'' sigaw ulit ni nicho at nagpaharurot na ng mga sasakyan nila
''lets go baby'' aya naman ni jandro at pinagbuksan ako ng pinto..
''san tayo pupunta?!'' tanong ko
''you'll see'' sagot lang nitong nakangiti at hinawakan ung kamay ko..
diko alam kung san kami pupunta pero alam kong masayang masayang masayang masaya ako dahil magkasama parin kami ni jandro! magkahawak kamay at.. at.. walang sam na kasama! haha

BINABASA MO ANG
yassie and her mr. perfect (tagalog romance)
Romancesi yassie ay kabilang sa mga taong no boyfriend since birth.. marami naman syang manliligaw pero mapili ang dalaga dahil nadin sa masakit na nakaraan niya sa first love niya hanggang sa nakatagpo sya ng almost prince charming boyfriend niya na kasa...