chapter 14

1.2K 6 0
                                    

Pagkarating na pagkarating namin ng mall gusto agad kumain ni yassie, baby ko talaga ang takaw di naman lumalaki..

kumain kami sa mcdo.. ewan ko sa taong to ang daming discount card ng mcdo sa bag kaya talaga di lumalaki panay ang mcdo! haha

''bhii ang takaw mo oh!'' biro ko sakanya

''ah ganun? dun ka, dun ka sa kabilang table!'' galit nyang sagot

''biro lang! eto pa oh fries, gusto mo sayo narin''

''hay bahala ka nga dyan!''

''sorry na po, iloveyou po'' sabi ko natigilan sya at namula.

kinikilig naman ung waiter na naglilinis sa kabilang table..

pagkatapos naming kumain naglibot libot kami sa loob ng mall

''bhii tara pagupit tayo'' aya nya sabay hila sakin papuntang david salon

''tayo?'' un nalang naisip kong sabihin eh

''ikaw lang ano kaba! tignan mo nga yang itsura mo, ganda ganda ko tapos para kang cave man dyan'' my point nga naman sya haha di naman parang caveman itsura ko haha sobra naman to parang di ako boyfriend! haha

pagpasok namin ng salon agad na may nag assist saming babae, kabilaan ung salamin at chair.. asa chair nako ready ng gupitan si yassie naman asa tabing sofa ng chair na asa likod ko so parang asa likod ko sya pero nakikita ko sya sa mirror.. ginugupitan nako ng may pumasok ulit na customer sa likod ko sya pinaupo at ginupitan narin.. tuwing makikita ko ung repleksyon nya sa mirror nya nakikita kong tinititigan nya si yassie at nakangiti narinig ko pa yung usapan nila nung baklang gumugupit sa kanya

''sir bakit po panay ang sight seeing nyo kay ateng?!''

'' ang cute nya kasi napapasmile nalang ako, sinong kasama nya alam nyo po?'' tanong ng bakulaw

''ay wala po yata sir, bet nyo sir'' gagong bakla to! kasama nya boyfriend nya! kasama nya ako!

di lang ako ginugupitan babasagin kong mukha nitong dalawa eh! napatingin ako kay yassie mukhang di nya napapansin malabo kasi mata nya, opo malabo po mata nya nag gla-glasses sya pero sa classroom lang at pag nagrereview sya..

YASSIE'S POV

antagal namang gupitan ng mokong na to!! if i know tinatagalan talaga nung ate buti na nga lang hindi bakla ung gumugupit sa kanya

napatingin ako sa mirror ni jandro di ko man maaninag ung mukha nya dahil malabo alam kong pangit ung aura nya baka di nya nagustuhan ung gupit nya haha!

palapit na sya sakin WOW! ANG GWAPO NAMAN NG BABY KO! eh bakit naman ganun nalang expression ng mukha nya?

nagtataka ako kasi akala ko lalapit sya sakin pero dumeretsyo sya sa lalaking ginugupitan na malapit lang sakin

'' if i see you again looking at my girlfriend like that i'll rip your throat off!'' seryoso nyang sinabi, napanganga ung bakla

lumapit sya sakin kinuha nya ung bag ko sa sofa at hinila nako inilapag nya ung 50o sa cashier ni hindi na nga namin kinuha ung sukling 35o! grabe sayang! baon ko pa yun ng 3 araw ah!

''anyare dun?'' nagtatakang tanong ko

hindi sya sumagot

''ui anong meron? ex mo ung bakla?'' tanong ko ulit

tumawa lang sya at kiniss ako sa ilong.. hala PDA much? asa mall kami oh andaming napatingin ung iba kinikilig at naiingit ung iba naman masama ung tingin..

''ewan ko sayo! SI-RA-U-LO'' sigaw ko sakanya

''tara nadun,bili tayo ulit ng couple ring'' aya nya sakin habang nginunguso ung shop

''nanaman?'' tanong ko

''nanaman ka dyan, eh tinapon mo na nga yata ung binigay kong ring''

''hi-hindi no! bat ko itatapon eh mahal yun!'' napasigaw pako

''eh asan? tanong nya na nakataas ung mga kilay

''ehh. ... sinanla ko''

''HA???!!!'' kung makareact naman!

''alam mo bang sa paris pa yun binili? tapos isasanla mo??!!'' hala galit na sya haha

''jowk lang to naman!,asa bahay kaya wag na tayong bumili.. KASI NGA PO BINILI PA YUN SA PARIS'' sagot ko na parang nang iinsulto ga

tumawa lang ulit sya.. ewan ko dito kung dilang gwapo to ipinagbili ko nato sa arabo eh! haha

''bracelet nalang bilhin natin'' sabi nya habang asa loob na kami ng shop nagtitingin

''ayoko wag na tayong bumili''

''eh gusto kitang bilhan ng kahit ano kasi nga po bati na tayo'' pagpupumilit ni jandro

nakangiti na nga ung nag aassist samin buti pa sya kinikilig ako hindi jowk haha

''perahin mo nalang nakatulong kapa sa pamilya'' biro ko

''ay mukhang pera?'' sabay tingin sakin

''gipit eh'' sagot ko tumawa nalang ulit sya

hinila ko na sya palabas kasi nahihiya nako sa salesladay eh

next naming pinuntahan sa department store kasi gusto kong ibili ng damit sa baby.. malapit na kasi syang mag 1st birthday..

''gusto ko magkaanak narin tayo'' sabi ni jandro habang nagtitingin ako ng damit ni baby.. buti nalang malalayo ung ibang namimili

''umayos ka nga'' sabi ko

''gusto ko ikaw na mapangasawa ko eh'' malambing nyang binulong at nag pout

OH MAY GAS! TAGOS TO THE BONE UNG PAGKASABI NYA! ok ako na malandi haha

''jandro'' kunwari naiinis nako

''oo na titigil na, para sinabi lang na gusto na kitang mapangasawa kasi nga po mahal kita nagagalit kana agad sorry na po'' at hinawakan nya ung kamay ko

wii!! ito naman palagi nalang akong pinapakilig

inilagay ko na ung damit sa basket na hawak nya.. marami narin kaya deretsyo na kaming cashier baka magkulang na ung ipon ko eh

''iloveyou baby'' bulong ko sa kanya habang nakapila kami sa cashier

''iloveyou more, illoovveeyyoouuuu..'' bulong nya rin at kinis ung kamay kung hawak nya kanina pa, kinilig at naiinggit naman ung mga asa likod! haha mamatay kayo sa inggit..

yassie and her mr. perfect (tagalog romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon