Chapter 1: First Day of School

1.2K 29 6
                                    

Angela at the right side---------->

Angela's POV

"Hayyyyyy" napabuntong hininga na lang ako dahil kanina ko pa hinahanap yung section ko. Bakit ba kasi ang laki ng University na to ang hirap tuloy hanapin nung mga section hindi ko alam kay mommy bakit pa niya ko inilipat dito sa school na to maganda naman duon sa dati kong school.

Hindi pa nga pala ako nagpapakilala ako nga pala si Angela Santiago 17 years old 2 kaming magkapatid ang panganay ay ang kuya ko siya si Angelo James Santiago matanda siya saakin ng 1 taon babaero si kuya at mahilig niya kong inisin pero kahit ganun yon love ko pa rin yon syempre sa yung tagapagtanggol ko dati sa school namin.

At syempre ako nanggaling ako dati sa Catherine University ngayon dito na ako mag-aaral sa Lopez University 2nd year nako ngayong taon at saka.........

"Kyaaaaa" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang magsigawan ang mga babae sa may corridor.

"Shet! Ang gwapo talaga ni Bryan!" sabi ng babae na may makapal na make-up~.~

"Oo nga girl! Pero lahat naman sila gwapo at yummy eh! Pero mas gwapo pa rin si fafa Bryan!" sabi naman nung bakla na may makapal din na make-up.

Ghad hindi ako nainform ni mommy na kailangan mag make-up. Uso ba dito ang pakapalan ng make-up.

"O!M!G! Palapit na sila!"

Gusto ko man makita kong sino sila pero wala na akong time kasi baka malate ako sa first subject ko. Syempre naman ayoko malate kasi first day ko dito sa LU late ako syempre ayoko magkaganun noh. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap sa section ko.

Ang kinuha ko ng palng course ay Business Ad Major in Financial yan yung kinuha ko kasi sabi ni mommy ako ang magpapatakbo sa isa naming company. Tapos si kuya naman daw sa isa. Naglalakad ako sa corridor ng may makabunggong babae saakin.......

"Aray!" yan lang ang nasabi ko kasi napaupo ako ang sakit ng puwitan ko ~.~

"Ay sorry miss nagmamadali kasi ako eh!" pagkasabi niya non tinulungan niya kong makatayo.

"Ay hindi ok la......" nanlaki na lng ang mata ko ng makilala kung sino ang nakabungo saakin O.O

"Karen ikaw ba yan!" tanong ko sa kanya.

"O!M!G!" yun lang ang nasabi niya ng makita ako.

"Wah Karen!" pagkasabi ko nuon agad ko siyang niyakap. Siya ang bestfriend ko noong kinder hanggang nuong 4th year highschool.

Ngayon ko lng siya nakita kasi ang alam ko sa Canada siya nag college. Kaya laking gulat ko ng makita ko siya dito sa LU.

"Uy! Kamusta akala ko ba sa Canada ka mag-aaral?" tanong ko sa kanya ng maghiwalay kami sa yakap.

"Ok lang ako! Oo sa canada nga ako nag 1st year college pero ayoko doon kaya bumalik agad ako dito sa Pilipinas" masayang sagot niya saakin.

"Ah! Tapos hindi ka man lang pumunta sa bahay" sabi ko sa kanya ng kunyaring nagtatampo.

"Dapat mamaya kami pupunta ni mommy sa inyo kasi kakauwi lng namin last week. Kaya hindi ako nakapunta sa inyo kasi inayos ko ung mga papers ko para makapasok dito" paliwanag niya namn saakin.

"Ah! Ok ano pala kinuha mong course?" tanong ko sa kanya.

"Business Ad kasi gusto daw ni mommy na ako magpatakbo ng Company namin" sagot niya namn saakin.

"Ok! Pareho pala tayo ng kukunin kasi sabi ni mommy gusto niya ako rin magpatakbo ng isa sa business namin" masayang sabi ko sa kanya.

"Talaga! Sige patingin nga ako ng schedule mo pati na rin ng section mo" sabi niya saakin.

"Eto oh" inabot ko sa kanya yung papel na hawak ko.

"O!M!G! Magkaklase tayo pareho tayo ng lahat ng schedule ang swerte naman natin kasi atleast may kakilala na rin ako dito sa LU" sabi niya naman saakin.

"Wow! Ang swerte naman. Sige hanapin na natin yung section natin. Ano tara na?" tanong ko sakanya.

"Sige tara!" sabi niya saakin at sabay na naming hinanap yung section namin.

A/N: Hello po! Pagpasensyahan niyo na po kung maraming mga typos. Pasensya po kung hindi maganda kasi po first time ko pong gumawa dito sa wattpad. Thank you po. Please VOTE and COMMENT ^_____^

My Secret Boyfriend[On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon