Bryan's POVTss ang kulit niya talaga. Hayy dapat talaga hindi ko na lang siya pinatulan.
Paano kung may nakakita kanina sa ginawa niya hayy kailangan ko talagang hiwalayan siya kahit na mahirap.
Sinubukan ko na siyang hiwalayan dati kaso talagang napakakulit niya kung anu-ano pa ang sinasabi niya na magpapakamatay daw siya kapag hiniwalayan ko siya.
Talagang gagawin niya ang lahat para lang hindi ako mawala sa kanya.
Tuwing makikipagdate kasi ako lagi niyang pinagbabantaan ung mga babae kaya laging takot ung mga babae na makipagdate saakin.
Pero alam ko na hindi niya kayang gawin ang mga sinasabi niya. Talagang natatakot lang siya para hindi ko siya hiwalayan.
Tss kailangan kong makahanap ng girlfriend agad hindi lang para sa kanya pati na rin sa mga babae na patay na patay saakin oh hindi ako nagyayabang ha magsasabi lang ako ng totoo.
Nakakainis na kasi ung ibag babae eh. Ayoko pa man din sa babae ung pinapakita nila na gusto nila ako.
Sabi ko sa kanila pwede ko silang maging girlfriend hanggang isang buwan kaya lang bawal sila mafall saakin.
Ayoko kasing paasahin ang mga babae gusto ko kasi mahal ko rin sila bago ko sila hayaan mafall saakin.
Kaya walng tumatagal kasi nakikipag break kaagad ako sakanila kasi nga nafall sila saakin.
Ung babaeng sinasabi ko naman kanina wala akong choice kasi nga nagbabanta siya saakin pero ngayon alam ko ng hindi niya kayang gawin iyon dahil nalaman ko sa kapatid niya na hindi siya ganoong tao.
Pero mahilig siyang magbanta pero hindi naman niya ginagawa. Malalaman niyo rin naman kung sino siya.
Kailangan ko siyang mahanap para masabi ko sa kanya ang dapat kong sabihin.
Angela's POV
Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maaalis sa isip ko kung para saan ung wink ni ma'am kay Bryan.
Hoy baka sabihin niyo may gusto ako kay Bryan ha kahit kailangan hindi ako magkakagusto sa Bryan na iyon.
Ubod kasi ng yabang akala mo kung sino ano naman kung sa kanila itong school na tinutungtungan ko tss pare-pareho lang kami nagbabayad ng tuition noh.
Break time na nga pala kailangan kong kumain para mawala ung stress ko.
"Uy, Angela tara sabay na tayo mag recess" sabi saakin ni Karen.
"Sige" sagot ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen.
Pagkarating namin sa canteen as usual maraming estudyante na nagkalat.
"Grabe ang haba naman ng pila nagugutom na ako" reklamo ni Karen ng makapila na rin kami.
"Oo nga ako rin naman guton na" pagsangayon ko sa kanya.
Pagkatapos namin umorder humanap kaagad kami ng mauupuan.
Pagkakita namin ng bakanteng upuan umupo kaagad kami at tahimik na kumain.
"Kyaaaaaaaaaa" nagulat kami ni Karen ng bigla na lang mag sigawan ung mga babae dito sa canteen.
"Andito na sila"
"Grabe ang gwapo talaga nila"
"I love you Bryan"
"I love you Vince"
"Crush kita Josh"
"Mahal ko si Nathan"
"Ikaw lang ba ako mahal ko si Mark"
Ilan lang yan sa maririnig mo na sigaw ng mga babae dito sa canteen pagkapasok nila Bryan.
Grabe naman ang mga estudyante dito sa LU ganoon ba sila ka-gwapo at kung makasigaw akala mo nakakita ng mga artista eh.
"Mga school heartthrob pala sila noh" sabi saakin ni Karen.
"Ngayon mo lang nalaman? Eh tingnan mo nga ung mga babae na iyan kung makasigaw akala mo nakakita ng artista eh." sabi ko sa kanya.
"Malay ko ba. Kala ko kasi makakita lang ng mga gwapo ung mga babae dito sa LU eh ganyan na sila." paliwanag niya saakin.
"Sabagay." kumain na lang kami at hindi na pinansin ung mga dumating na heartthrobs daw.
**********
Pagkatapos ng break time dumiretso na kami ni Karen para sa next subject namin.
"Goodmorning class" bati saamin ng teacher namin sa science na si Mr. Batungbakal.
"Goodmorning sir!" bati rin namin sa kanya.
"Ms. Santiago pwede mo ba itong ibigay sa principal itong papel at papirmahan sabihin mo na lang galing saakin." sabi saakin ni sir.
"Ok po sir" sabi ko at kinuha na ung papel na hawak ni sir.
"Ok Thank you Ms. Santiago" pagkasabi ni sir noon lumabas na ako ng room.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako pa ang nautusan ni sir na mag bigay nito sa principal.
Well Vice President kasi ako sa room at hula an niyo kung sino ang President tsk walang iba kung hindi si Bryan Lopez the yabang lang naman.
Nagtataka nga ako kung bakit naging President iyon eh porket gwapo President agad tsk.
Kaya ako ang nautusan ni sir na dalhin ito sa principal kasi wala ung magaling na President namin.
Tingnan niyo naturingang President tapos nag-cu-cutting lang din naman napaka irresponsible niyang President ayan tuloy ako pa ang nautusan tsk.
Noong nasa may tapat na ako ng principal's office kumatok muna ako bago pumasok.
Pero pag pasok ko walang tao kaya nagpasya muna akong maghintay kahit sandali.
Pero makaraan ang 30 minutes wala pa ring dumadating na principal kaya nagpasya na akong lumabas pero may narinig akong nagtatalo sa may tapat ng pinto.
Hindi ako chismosa pero na curious kasi ako sa pinag-uusapan nila.
"Margaret let's break up"
"What? Bakit?"
"Ayoko na"
"Hindi ka pwedeng makipag break saakin kung hindi magpapakamatay ako!"
"Hala! Grabe naman ung girl magpapakamatay kaagad kapag nakipag break sa kanya ung boyfriend niya tsk tsk tsk at saka teka parang kilala ko ung boses nung dalawa hmmp mapakinggan pa nga." bulong ko sa sarili ko.
"Alam kong hindi mo kayang gawin yan. Kaya please tigilan mo na nga ako."
"Bakit? Ano ang dahilan?"
Dahil sa sobrang curious ko sinilip ko na talaga kung sino ang nag-uusap at laking gulat ko na lang ng nakita ko si yabang at saka si ma'am Margaret.
O! to the M! to the G! don't tell me may relasyon sila. Diba bawal iyon ung student-teacher affair.
Nagulat ako ng mapatingin sa may side ko si Bryan kaya napaatras ako.
Kaya lang dahil sa sobrang malas ko nabasag ung vase na mukhang mamahalin sa may likod ko.
"Sino yan? May tao ba diyan?" boses ni ma'am.
Oh! No! Patay kang bata ka! Ghad ano gagawin ko?
A/N: Hello po! Sana po nagustuhan niyo. Pasensya na po kung may typos. Please VOTE and COMMENT.
BINABASA MO ANG
My Secret Boyfriend[On-Hold]
Teen FictionTahimik lang ang buhay ni Angela Santiago noon pero Hindi ito nagtagal simula ng makilala niya si Bryan Lopez na heartthrob na kanilang school Ano kaya ang mangyayari sa kanila kung magtagpo ang kanilang landas?