Angela's POV
Nandito ako ngayon sa mansion. Hulaan niyo kung ano ginagawa ko. Hayyy walang iba kung hindi gumagawa ng assignment mag-isa.
Nakakainis talaga siya. Teka bakit nga ba ako naiinis dapat maging masaya ako diba kasi mawawalan siya ng grade hahahaha.
Grabe naman anong oras na hindi pa rin ako tapos. Ang sakit na ng kamay ko kakasulat. Kainis naman kasi bakit 70 sentences pa huhuhu!.
Isusumbong ko siya student abuse ung ginagawa ni ma'am huhuhu!
Madali lang naman para saakin ito. Kasi marami rin naman akong ginagawa noong elementary at highschool ako kasi Valedictorian ako noong elementary at highschool.
Kaya lang syempre naman hindi ako lahat gumagawa noon tinutulungan ako ng mga classmates ko na iniassign ng mga teachers para tulungan ako.
Eh ngayon ako na lang mag-isa ang gumagawa. Tapos puro hand written pa naku naman.
Mga 3:00 am na ako nakatapos sa ginagawa ko. Buti na lang at 10:00 am pa ang simula ng first class ko. May time pa para makatulog ako ng maayos at makabawi man lang sa energy na nawala saakin.
************
9:oo am na kaya bumangon na ako para gawin ang morning routine ko.
"Goodmorning ma'am" pagbaba ko binati kaagad ako ni manang.
"Goodmorning din po manang. At saka manang diba po ang sabi ko sa inyo wag na ma'am ang itawag niyo saakin Angela na lang po" sabi ko kay manang. Naiilang kasi ako kapag tinatawag na ma'am.
At saka hindi naman bago saamin si manang bati palang kami ni kuya siya na ang nag-aalaga saamin kasi nga busy si mommy sa work.
Kaya parang pangalawang nanay na rin namin siya.
"Goodmorning Princess" bati saakin ni Kuya.
"Goodmorning too kuya!" masiglang bati ko sa kanya.
"Ahmm... Kuya nasaan si mommy?" tanong ko kay kuya kasi nakita kong bakante ung upuan ni mommy.
Pero sanay na akong wala si mommy kasi lagi siyang nasa work pero hindi ko rin maiwasang tanungin kay kuya kung nasaan siya.
"Nasa New York daw sabi ni manang. Kanina daw siya umalis kasi kailangan niyang asikasuhin ung business natin doon." sagot ni Kuya saakin. Tumango na lang ako bilang sagot.
Si mommy na lang ang bumubuhay saamin. Wala na kasi si daddy sumama siya sa ibang babae bata palang kami ni kuya noon.
Kaya nga masama ang loob namin ni kuya kay daddy kasi sumama siya sa ibang babae. Ang sabi ni mommy iyon daw ang totoong mahal ni daddy.
Kasi si mommy at daddy ay arrange marriage lang. Noong ikakasal daw si daddy kay mommy ay may roon na daw na mahal si daddy na iba kaya tumutol siya sa kasal nila ni mommy.
Pero hindi daw pumayag ung parents ni daddy na hindi matuloy ung kasal kasi nga dahil sa business.
Wala rin naman magawa si mommy kasi mahal rin niya noon pa si daddy simula highschool palang daw sila.
Kaya hindi siya tumutol sa kasal nila ni daddy. Noong una daw hindi kayang mahalin ni daddy si mommy.
Tapos one time daw pareho silang nalasing ni daddy dahil sa party noong friend nila kaya may nangyari sa kanila. Tapos doon daw nabuo si kuya.
Pero noong nabuntis si mommy kay kuya doon daw nagsimulang mahalin ni daddy si mommy.
Kaya nanghihinayang si mommy noong bigla na lang kami iwan ni daddy.
Tinapon lahat ni daddy ang lahat ng pinagsamahan nila ni mommy para lang sa babaeng mahal ni daddy.
Ilang buwan din bago natauhan si mommy na hindi talaga siya mahal ni daddy. Ilang buwan ding umiyak si mommy at nagkulong sa kwarto niya.
Kaya lagi siyang sub-sob sa trabaho para daw makalimutan na niya si daddy. Kaya hanggang ngayon galit kami ni kuya kay daddy dahil sa ginawa niya kay mommy.
At saka nga pala si mommy ay half korean kasi si lolo koreano. Kaya may lahi kaming korean ni kuya iyon nga lang 1/4 lang hehehe. Wala lang share ko lang sa inyo hahahaha!!!! Corny noh.
**************
Pagkatapos namin mag breakfast ni kuya sabay na kaming pumasok sa school dahil doon din siya nag-aral sa LU.
Pagkababa namin ni kuya agad akong nagpaalam sa kanya at ganoon din ang ginawa niya.
Pagkarating ko sa room as usual maingay nanaman ang mga kaklase ko. Meronng mga nag-uusap tungkol sa mga nangyari kahapon, merong nagtatawanan, nagtatakbuhan na parang mga bata, at syempre mga naglalampungan syempre mawawala ba naman iyon.
Pagkapasok ko sinalubong agad ako ni Karen.
"Angela! Goodmorning" sigaw niya saakin. Naku kung makasigaw naman akala mo hindi kami nagkita kahapon.
At saka masanay na kayo sa kanya talagang lagi lang siyang energetic.
"Goodmorning din" sagot ko sa kanya.
"Ano natapos mo ba ung assignment?" tanong niya saakin.
"Oo, ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Oo, kaso hindi naman tumulong yung Vince na iyon kaya ako lang ang gumawa ng assignment mag-isa kaya anong oras na rin ako nakatulog kagabi" paliwanag niya saakin.
"Pareho pala tayo, hindi rin tumulong yung Bryan na iyon kaya akin lang yung grade hahaha" sabi ko sa kanya.
"Oo nga noh! Hindi sila magkakagrade kasi hindi sila tumulong, pero kahit naman yata wala silang grade ok lang sa kanila mukhang sanay na ung mga iyon." sabi niya saakin.
Oo nga noh! Hindi ko naisip iyon. Sayang naman akala ko wala na silang grade tss.
*blaggggg*
Nagulat kami ng biglang bumukas ng malakas ung pintuan. At syempre kapag ganoon ang bukas ng pintuan nandiyan na rin ang mga heartthrob daw?
At kasunod nila si ma'am Margaret. Nagsiupuan narin sa tamang upuan ang mga kaklase ko.
"Goodmorning class" bati saamin ni ma'am.
"Goodmorning ma'am!" bati rin namin kay ma'am.
"Ok class please pass all your assignments in front" sabi ni ma'am saamin kaya pinasa na namin sa harapan.
"Ms. Garcia at Ms. Santiago bakit kayo lang ang nakalagay na gumawa nito?" nakangunot na noo ni ma'am saamin.
Tumayo ako para sumagot.
"Ma'am kasi po kami lang ang gumawa ni Karen ng assignments kasi po hindi kami tinulungan nung mga naasign na mga Partners namin" pinagdiinan ko talaga ang salitang partners para malaman nila na sila ung pinaparinggan ko.
"Ms. Garcia at Ms. Santiago kahit hindi sila gumawa magkakagrade pa rin sila" nakangiting sagot ni ma'am.
"What!!??" sabay na sabi namin ni Karen.
"Any problem with that? Partner nga kayo ibig sabihin kung ano ang grade na makukuha niyo iyon din ang grade ng partner niyo. Kung hindi niyo sila napapayag well it's not my problem anymore" nakataas na kilay na sabi saamin ni ma'am.
"But..." magsasalita pa saan ako pero nagsalita si ma'am.
"No but's! And that's final" sabi ni ma'am at umalis na pero bago siya lumabas ng room nakita kong tiningnan niya muna si Bryan at saka kinindatan.
What was that wink for? I am so curious about their relationship.
Margaret at the right side---------->
A/N: hello! Pasensya na po kung may mga typos. Pagpasensyahan niyo na po ako hehehe. Sana po nagustuhan niyo. Please VOTE and COMMENT.
BINABASA MO ANG
My Secret Boyfriend[On-Hold]
Teen FictionTahimik lang ang buhay ni Angela Santiago noon pero Hindi ito nagtagal simula ng makilala niya si Bryan Lopez na heartthrob na kanilang school Ano kaya ang mangyayari sa kanila kung magtagpo ang kanilang landas?