Chapter 9: What!?

371 17 4
                                    


Angela's POV

Ghad! Ano ang gagawin ko saan ako magtatago?

Sh*t! Pag nahuli nila ko sabihan pa akong tsismosa nila ma'am.

Bakit hindi ba

Hindi noh

Bakit nakikinig ka sa usapan nila

Na curious lang naman

Weh ganoon din iyon tsismosa ka pa rin

Oo na, oo na ako na tsismosa

Nababaliw na talaga ako pati sarili ko kinakausap ko na.

"Ms. Santiago ano ang ginagawa mo dito?"

"Ay affair!" sa sobrang gulat ko na pasigaw ako. Hindi ko alam na nakapasok na pala si ma'am dito sa principals office.

"What?" tanong saakin ni ma'am.

Sige Angela panindigan mo iyang affair mo na iyan.

"Ah, wala po ma'am kumakanta lang po ako ng...." ng ano ang kakantahin ko.

"What?"

"Ng ah oo ng... Affair tayo sumakit ang ulo ko, sumakit ang bewang ko sexbomb sexbomb sexbomb. Iyan po ang kinakanta ko hehehe" sige Angela mag sinungaling ka pa.

Grabe galing magsinungaling patok eh. Pati yata bata hindi maniniwala sa palusot ko huhuhu.

"Pffft" tiningnan ko kung sino ung tumawa at nakalimutan kong nandito nga rin pala si Bryan.

"Ok, Bakit may basag na vase dito at saka ano ang ginagawa mo dito?" tanong ni ma'am saakin.

"Pasensya na po hindi ko po sinasadya na mabasag ung vase kasi po sumasayaw ako ng kanta ng sexbomb kaya ko po na tunggo ung vase pasensya na po" pag hingi ko ng paumanhin kay ma'am.

"Eh bakit ka nga ba nandito anong ginagawa mo dito?" tanong ni yabang saakin.

"Ah inutusan kasi ako ni Mr. Batungbakal na papirmahan itong mga papel na ito" sabay pakita ko sa kanila nung mga papel.

"Sige, kausapin mo na lang ung principal para malaman mo kung ano ang gagawin niya sayo. Tapos linisin mo na rin iyang kalat na iyan." sabi saakin ni ma'am kaya tumango na lang ako bilang sagot.

"Tara na Mr. Lopez may pag-uusapan pa tayo diba?" sabi ni ma'am kay yabang.

"Ma'am pwede po bang mamaya na tutulungan ko na lang po yung GIRLFRIEND kong mag-ayos dito." pagkasabi niya noon agad akong napatingin sakanya at nakita ko rin siyang nakatingin saakin na nakangiti.

Bingyan ko siya ng anong-ibig-mong-sabihin na look.

Binigyan din niya ako ng makisakay-ka-na-lang na look.

"Ahh so kayo pala ni Mr. Lopez Ms. Santiago?" tanong saakin ni ma'am.

Inakbayan ako ni Bryan at saka marahang pinisil ung balikat ko na parang sinasabi na sumagot ako ng oo.

"Ahm...sa kasamaang palad po oo kami po ni yabang este Bryan po pala hehehe" sagot ko kay ma'am na niilang.

Paano ba naman king makatingin si ma'am para bang sinusuri niya kung nag-sasabi ako ng totoo.

"Ok sige ayusin niyo na ang mga kalat dito pagkatapos pumunta na kayo sa class niyo ok" pagkatapos noon lumabas na si ma'am. Pero habang sinasabi ni ma'am iyon parang maiiyak na naman siya.

"Hoy! Anong sinasabi mong Girlfriend mo ko ha!" sigaw ko kay yabang.

"Pwede bang wag kang sumigaw pwede." sabi niya habang nakalagay ung kamay sa tenga niya gala ng pagkakasigaw ko.

"Eh Bakit mo nga sinabi iyon?" tanong ko pero mahinahon na ung boses ko.

"Sasabihin ko sayo pero pagkatapos na ng klase " sabi niya saakin.

"Bakit hindi pa ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Linisin mo na lang itong kalat mo pagkatapos mag kita tayo sa Gym." pagkasabi niya noon lumabas na siya.

"Kahit kelan talaga Bastos ka" bulong ko sa sarili ko.

Nagsimula na akong ayusin ung kalat dito. Pero hindi maalis sa isip ko kung Bakit niya akong sinabihan na girlfriend sa harap ni ma'am. Tss hayaan na nga malalaman ko rin naman iyon mamaya.

A/N: Sorry for the lame update. Pasensya na po kung may mga typos. Please VOTE and COMMENT.

My Secret Boyfriend[On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon