Chapter 13: Meeting Her Family

400 21 3
                                    


Angela and her brother Angelo at the right side------->

Angela's POV

Pagpasok ko ng school nagtinginan ung mga estudyante ng LU.

Paano ba naman kasabay ko lang naman si Yabang hindi lang iyon ha nakahawak kasi siya sa wrist ko dahil hinihila niya ako kanina.

Gusto niyong malaman kung ano ang nangyari kanina well ito lang naman.

~*~FLASHBACK ~*~

Kumakain kami ni Kuya at ni mommy ng breakfast. Oo sabay-sabay kaming nag-be-breakfast.

Kakauwi lang ni mommy galing Canada dahil sa business namin.

"Iha, may naghahanap sayo sa labas" sabi ni Manang saakin.

Nagkatinginan kami nila mommy at Kuya na para bang iisa lang ang nasa isip namin na "sino naman ang dadalaw ng ganitong kaaga?"

"Manang sino daw po?" tanong ni Kuya kay Manang.

"Ah... Eh Boyfriend mo raw siya Angela" sabi ni Manang saakin.

"Ha! may Boyfriend ka na anak?" gulat na tanong ni mommy saakin.

Hindi ko na sinagot si mommy at lumabas na kaagad ako ng bahay.

Ano naman kaya ang ginagawa ni Yabang dito ng ganitong kaaga? tanong ko sa isip ko.

Pag bukas ko ng gate sumalubong saakin ang nakasimangot na si Yabang.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nag-iintay sayo?" nakabusangot na tanong saakin ni Yabang.

"Eh ano ba kasi ang ginagawa mo dito ng ganitong kaaga?" balik kong tanong sa kanya.

"Malamang susunduin ka" bore na sagot niya saakin.

"Sino ba kasing nagsabi sayong sunduin
mo ako ha?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Aba ikaw na nga tong sinusundo ikaw pa tong mataray. Tss"

"Eh sino ba kasi-"

"Anak sino ba iyan?" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kay Yabang ng lumabas si mommy.

"Ah mommy wala po aali-"

"Ahm hello po Tita ako po si Bryan Boyfriend po ako ng anak niyo" pagpapakilala ni Yabang kay mommy.

Tututol pa sana ako kaso naunahan ako ni mommy magsalita.

"Ahh ganoon ba tara pasok ka muna sabay ka na saamin mag-breakfast" aya ni mommy kay Yabang.

"Mommy Hindi na po kai-"

"Sige po tamang-tama po at hindi pa po ako nag-be-breakfast" hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng unahan ako ni Yabang.

Grrr kung ayaw nila ako pagsalitain edi huwag tss. -.-

Pagpasok namin sa bahay nagulat si Kuya dahil nga sa pagbisita ni Yabang.

"Ma, sino siya?" tanong ni Kuya kay mommy.

"Ah siya ung BOYFRIEND ng kapatid mo" sabi ni mommy at inemphasized pa talaga ung word na BOYFRIEND -.-

Tiningnan ako ni Kuya na nagtatanong na Ha-Kailan-Pa? look.

"Oh siya sige upo ka na Iho papahanda lang ako ng breakfast mo." sabi ni mommy kay Yabang.

"Kelan ka pa naging Boyfriend ng kapatid ko?" tanong ni Kuya

"Ahh kahapon lng po" sagot naman ni Yabang

Hindi na ulit umimik si Kuya at tinuloy na lang ang kanyang pagkain.

"Iho Ito na ung breakfast mo" sabi ni mommy sabay lapag ng plate sa harap ni Yabang.

"Thank you po"

"So kelan po naging kayo?" tanong ni mommy.

"Kahapon lang po Tita" si Yabang na ang sumagot kay mommy.

"Ah so bago lang pala kayo"

"Ahm opo" sagot ni Yabang

"Alam mo Bryan first Boyfriend ka ni Angela" sabi ni mommy na nakangiti.

"Mommy!!" saway ko kay mommy.

"What!? Totoo naman diba?" Inosenteng tanong ni mommy.

Well that's true first Boyfriend ko nga si Yabang. Malas ko noh! First Boyfriend ko na nga REJECT pa tss!

At higit pa doon nalaman na niya na First Boyfriend ko siya edi lalo akong inasar niyan. Knowing Yabang naku!

"Ah so ako po pala ang FIRST boyfriend ng anak niyo" sabi ni Yabang saakin na naka-smirk at talagang pinag diinan pa niya talaga ung FIRST!

"Ah oo kaya sana alagaan mo siya ha. Kasi wala pa siyang experience sa pag-bo-boyfriend." sabi ni mommy

"Mommy!!" saway ko ulit kay mommy ano ba itong pinagsasabi ni mommy! Sh*t nakakahiya!

"Don't worry Tita makaka-asa po kayo"

"Oo nga alagaan mo itong kapatid ko ha. May pagkabaliw pa man iyan" isa pa itong si Kuya eh -.-

"Makaka-asa ka rin Bro"

Wow Bro talaga feelingero tss -.-

"Wag kang mag-alala Bryan boto ako sayo para sa anak ko."

Ghad! What are you saying Mommy!? Sh*t nakakahiya na talaga.

Kaya bago pa makapag sabi ng kung ano-anu si mommy hinila ko na si Yabang.

"Bye mommy, kuya alis na po kami"

"Bye po Tita at saka Bro alis na kami"

"Sige ingat kayo!" pahabol na sigaw ni mommy saamin bago kami makalabas ng bahay.

********

Pag ka park ni Yabang agad akong bumaba para pumasok sa school.

Pero hinabol niya ako.

"Teka saan ka pupunta?" tanong niya saakin.

"Malamang papasok"

"Eh bakit ka nagmamadali?"

"Syempre alangan namang sabay tayong pumasok edi nagkagulo na sabihin po nila bakit kasabay na naman kita?"

"Malamang sabay tayo susunduin ba kita kung hindi tayo sabay. Tss baliw" sabay pitik niya sa noo ko.

"Ano ba bakit ka ba namimitik!?" sigaw ko sakanya.

"Kasi nga baliw ka tara na nga" sabay hawak niya sa wrist ko at hinila ako papasok sa campus.

~*~END OF FLASHBACK~*~

So iyon nga kaya kami pumasok ng sabay ni Yabang.

Ghad! Nakakatakot tumingin ung mga babae parang lalamunin ako ng buhay.

Well Goodluck na lang saakin.

***********

A/N: Sorry for the lame update. Pasensya na po kung may typos and wrong grammar. Hindi ko po alam kung kelan ako makakapag-update malapit na po kasi ang pasukan kaya hindi ko po alam kung kelan ung UD ko. Please VOTE and COMMENT ^______^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret Boyfriend[On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon