Acceptance

406 6 0
                                    




"WHAT!?"

"Ano ba, Laurie! Umagang umaga ang ingay mo." Naiiritang sagot ni Steve.

  Nandito kami ngayon nila Steve at Laurie sa loob ng classroom. Wala pa ang mga guro namin kaya nagkukwentuhan muna kami.

"Oh. My. God. I can't believe it." Sabi ni Laurie habang pinapaypayan ang mukha niya. "Amelia naman. Sinabi mo sana ng mas maaga na ex boyfriend mo pala ang bagong trans—"

"SHHHHH. Ano ba Laurie! Baka may makarinig."  Sabi ko at tumingin sa paligid baka may nakarinig.

"I have SO many questions. Gaano kayo katagal? Bakit kayo nagbreak? Paano ka niya niligawan?" Sunod sunod na tanong ni Laurie.

  Napa buntong hininga ako at sinagot isa isa ang mga tanong ni Laurie. Parang may interview lang ang nangyayari dito.

"Laurie, can't you see that you're making Amelia uncomfortable with your questions?" Sabi ni Steve. Finally. Thank you Steve!

  Totoo naman. Mas lalo ko lang naaalala lahat ng alaala ng nakaraan at bumabalik ang sakit na naramdaman ko noon. Alam ng Diyos kung gaano ako nasaktan noon.

"I'm sorry, Amelia. Best friend mo ako kaya gusto ko lang naman malaman ang history niyo." Malungkot na sabi ni Laurie. "Hindi mo naman kasi siya naikwento sa amin ni Stevie."

  May point rin naman si Laurie. Wala akong ibang pinagsabihan sa school na ito ang tungkol sa amin ni Heath. Ngayon lang ako naglakas loob na sabihin sa mga kaibigan ko tungkol sa past ko. Ayaw ko kasi na maalala pa ang dati...

"Okay, okay. I'm sorry dahil hindi ko naikwento sa inyo ang tungkol sa amin..." Kinwento ko ang nangyari mula simula hanggang sa naghiwalay kami. Hindi na ako nahihiya ikwento ang mga nangyari sa iba.

     Pero nandun parin 'yung sakit.

   Natapos narin ang kwentuhan namin at dumating na ang class adviser namin para magcheck ng attendance. Pagkatapos nagcheck ng attendance, nagbigay ng activity si sir.

  "Listen class. Para sa first activity ninyo, kailangan niyo gumawa ng collage tungkol sa human evolution."

   Collage? Buti naman. Madali na 'yan gawin. Nagsimula na ako gumawa ng sketch sa notebook ko. Mas mabuti siguro kung magtingin ako sa libro o kaya sa internet ng mga pictures para 'di na ako mahirapan.

"Umm. Excuse me? Pwede ba humiram ng lapis?"

  Nagulat ako ng marinig ko ang boses na 'yon mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang mukha ni Heath na nakangiti. Napansin ko na nakatingin ang buong klase sa amin.

    Hay! Ano ba naman 'yan! Istorbo!

"Ako Heath may lapis ako!" Sigaw ng isang classmate namin na babae na nasa harapan. Hawak hawak ko na 'yung lapis na ipapahiram ko kay Heath ng bigla niyang kunin sa kamay ko 'yung lapis.

"Ah, salamat na lang. May' nahiram na ako na lapis." Nginitian niya na lang 'yung babae. "Salamat pala, Amelia."

  Bumalik na siya sa upuan niya sa likod. Aba, nilakasan pa talaga niya ang pangalan ko. Ang lakas pa ng loob niya kausapin 'yung babaeng 'yon, eh di naman sila close. Kahit kailan talaga, ang landi ng ex ko! Letse!

Living in the Same Roof with the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon