Chapter 2
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Siya ba talaga ito? Ang laki ng pinagbago niya.
"Heath?"
Nakasuot siya ng blue cap, simpleng blue jacket, at jeans. Kahit simple lang ang suot niya, kaakit akit parin siya tingnan.
This can't be. Isang taon kaming hindi nagkita at ngayon nasa harapan ko ang ex boyfriend ko.The person who once meant the world to me..
Those dark brown eyes that I fell in love with. I just can't stop staring at him.
Mga ilang minuto lang kami nakatitig sa isa't isa. Nakita kong humakbang siya papalapit sa akin. May sasabihin sana si Heath pero biglang may babae na lumapit at yinakap siya.
"Hey baby. Let's go?"
Nagulat ako nang nakita ko yung babae. Nakita ko rin sa pagmumukha ni Heath na nagulat din siya. Napatingin si Heath sa ibaba at lumingon sa babaeng nakayakap sa kanya.
"Yeah, sure..." Malamya niyang sagot
Napunta ang tingin sa akin ng babae. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang nandidiri siya sa akin.
"And who is this girl?"
Napatingin ako kay Heath. Mukhang hindi niya alam ang isasagot niya. Napakagat siya ng labi niya at nakita ko siyang ngumiti nang pilit.
"She is Amelia. My.... Ex girlfriend"
My ex girlfriend....
Parang kumirot ang puso ko at pinagtutusok tusok ng tinik.
Nakita ko ang mukha ng babae na halatang naaaliw sa kanyang nakikita ngayon. Nakatingin lamang ako sa ibaba. Pinipigilan ang mga luha ko.Ang sakit sakit kasi...
Naramdaman kong may humawak ng aking kamay at laking gulat ko nang nakita ko si Steve. Tumingin ako kay Heath at nakita kong gulong gulo siya. Nakasimangot naman yung babae na kasama ni Heath.
"Sorry for interrupting, but my girlfriend needs me. Excuse us."
Hinila ako papalayo ni Steve habang hawak hawak ang kamay ko. Mukha kaming isang couple dahil nakaholding hands kaming dalawa. Lumingon ako at nakita ko ang mukha ni Heath na naguguluhan at....... puno ng lungkot.
----
"Thank you Steve"
"No problem, Amelia. Buti na lang at binalikan pa kita sa loob ng library. Baka magkaroon pa ng gera pag hindi ako bumalik"
Ngumiti na lamang ako nang pilit at napatulala sa bintana. Nakita kong palubog na ang araw. Dapat makauwi na ako. Masesermonan na naman ako ni daddy at ni kuya Jared pag late na naman ako uuwi.
Biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may text message sa akin si kuya Jared.
Bunso, hindi na muna kita masusundo. Nakalimutan kong overtime pala ako ngayon. Sorry talaga bunso. I promise I'll make it up to you. I hope you understand. Love you bunso. Ingat.
Napatawa ako sa message ni kuya Jared. Ang sweet talaga ni kuya. Nagreply na ako at hinanap si Steve. Kung saan saan kasi pumupunta ang mokong na 'yon.
"Amelia" lumingon ako at nakita ko si Steve na dala dala ang bag ko.
"It's getting late already. Nagtext narin sa akin si kuya Jared na ihatid kita pauwi. Let's go?"
Ka-close nila kuya Arn at kuya Jared sila Steve at Laurie. Minsan kasi nakikitulog sila sa bahay at minsan tumatambay sila sa bahay kaya naging close sila ni kuya. Kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit may number ni kuya Jared si Steve.
BINABASA MO ANG
Living in the Same Roof with the Monster
RomanceAlam mo yung feeling na kasama mo sa iisang bubong ang EX mo!?