Chapter 7
"Salamat, Amelia. Maraming salamat."
Inilapit ni Heath ang kanyang mukha kay Amelia, hanggang sa nagtapat ang kanilang mga labi. Hindi alam ni Heath kung tama ba ang ginawa niya. Ngunit may nagsasabi sa isip niya na gawin niya ito. Inaamin niya na napakatagal niya ng gustong gawin ito.
"Heath ano ba!" Itinulak ni Amelia ang binata at tinakpan ang mukha, na ngayon ay pulang pula. Agad lumabas ng kwarto si Amelia at naiwan sa loob si Heath. Hinawakan ng binata ang kanyang labi at napangiti. "Di parin talaga nagbabago si Amelia. Hindi parin marunong humalik."
Pumasok si Amelia sa kanyang kwarto. Sumandal siya sa pinto at unti unti inalala ang nangyari kanina. Hanggang ngayon namumula parin ang kanyang mukha. Hinawakan niya ang kanyang labi.
Hinalikan niya ako. Hinalikan ako ni Heath. Amelia, huwag mo sabihin na nagustuhan mo? hayy naku di maganda ito.
---
Nagising na si Amelia at agad na naghanda para pumasok sa school. Pagkababa niya sa kusina, una niyang nakita ang pagmumukha ni Heath. Nagtama ang mga mata nila, pero inilipat ni Amelia agad ang tingin niya sa mama ni Heath na kausap ang kanyang mama.
"Late ka na yata ng gising, anak." sabi ng mama ni Amelia. May bakanteng upuan sa tabi ng mama niya kaya doon siya tumabi. "Baka naman po kasi nananaginip pa si Amelia, hindi ba?" bungad ni Heath habang nakatingin kay Amelia. Sinamaan ng tingin ng dalaga si Heath. Ibinalik niya ang tingin niya sa kanyang mama, "natulugan ko po kasi 'yung alarm ko. Ahehe."
Bago sila umalis ng bahay ay kinausap muna ni Aira ang tatlo niyang anak. Nasa labas sila ng bahay nila habang naiwan ang magina sa loob, kaya hindi nila maririnig ang usapan nila.
"Mga anak, sana naman maintindihan ninyo ang sitwasyon nila Heath ngayon." Tumango ang magkakapatid at nagpatuloy magpaliwanag ang mama nila.
"Tayo tayo lang ang nakakaalam nito. Hindi alam ito ng papa ninyo. Oras na malaman niya ito, hinding hindi niya ito magugustuhan."
"Opo, ma. Naiintindihan po namin. Nakakaawa po talaga ang sitwasyon nila tita Lisa, kaya masaya ako na matulungan natin sila sa simpleng paraan." Sabi ng panganay na si Jared.
Nagpaalam na ang magkakapatid sa kanilang mama. Sumakay na sila sa loob ng kotse kasama si Heath. Nasa harapan si Arn habang nagmamaneho si Jared. Sa likod naman sina Amelia at Heath. Mukhang magkasundo ang tatlong binata. Nagkukwentuhan sila na parang sila ang magkakapatid, pero si Amelia nanahimik lang habang pinapanood sila.
Ibang klase talaga itong dalawang kapatid ko. Parang si Heath ang kapatid nila at ako 'yung bagong lipat sa bahay.
Pinanood lang ni Amelia ang tatlong mga binata at naibaling ang tingin kay Heath. Tumatawa ang binata dahil sa kwento ni Arn. Ngayon niya lang ulit makita na ganito kasaya si Heath. Nakatitig lang siya kay Heath hanggang sa napatingin siya sa labi niya at naalala ang nangyari kagabi.
Inilipat niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana. Pinanood niya na lang ang makulimlim na paligid sa labas habang madaming mga tao na nagmamadali. Hindi alam ni Amelia na pinapanood siya ni Heath habang nagmamasid sa labas.
"Kuya, dito na ako bababa."
"Bakit naman? Malapit na tayo sa school niyo. Ihatid ko na kayo ni Heath."
"Kahit hindi na kuya. Sasabay na lang ako kay Laurie." pagsisinungalang ni Amelia para makatakas. Walang magawa si Jared at sinunod ang utos ng kapatid. Inihinto niya ang pagmamaneho at nagpark malapit sa isang waiting shed. Binuksan na ni Amelia ang pinto para lumabas, "dito narin ako. Maraming salamat, kuya Jared. Sige pala, kuya Arn. Mamaya na lang ulit." pagpaalam ni Heath at agad sumunod kay Amelia.
BINABASA MO ANG
Living in the Same Roof with the Monster
RomanceAlam mo yung feeling na kasama mo sa iisang bubong ang EX mo!?