Unexpected Meeting

1.1K 17 0
                                    

Chapter 1

What is love?

Ayon sa dictionary and love ay: a profoundly tender, passionate affection for another person.

Madami pa ang kahulugan ng love. May kasabihan nga na 'Love is everywhere.'

Love, love, love. Kahit saan ka magpunta, kahit bali-baliktarin mo ang mundo, kahit dumating ang mga aliens dito sa earth, hindi parin mawawala ang 'love.'

Pero para sa akin, ang kahulugan ng love ay... Inspirasyon lamang.
Oo na. Tawagin niyo na akong 'bitter.' Minsan na akong nagmahal at dahil minahal ko siya nang totoo, nasaktan ako nang todo.

Hindi mo talaga maiiwasang masaktan kung nagmahal ka. Totoo naman di ba?

Once is enough.

Mabubuhay naman ako kahit walang love life. Lahat kasi ng mga kabataan sa edad kong ito ay laging inaabala ang kanilang 'love life.'

Pagaaral muna ang uunahin ko bago ang love na yan. Sakit lang naman yan sa ulo.
Mas gugustuhin ko pa na makita ang ngiti sa aking mga magulang dahil nagaaral akong mabuti at hindi nababale-wala ang pera nila para sa pagaaral ko.

Mas mabuti na kung ganon

...kaysa masaktan na naman ako muli.

"Hoy Amelia. Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni kuya Arnold habang kumakain ng breakfast.

Bumalik ako sa katotohanan nang marinig ko si kuya Arn.

"Bahala ka. Kakainin ko yang pagkain mo."

Sinamaan ko siya ng tingin at pinitik ang kanyang noo.

"Tse! Akin lang ito. Magpaluto ka na lang kay mama kung gutom ka pa." Sagot ko.

"Aray! Anu ba!? Siguro meron ka ngayon-- Aray naman! Oo na! Titigil na."

Hinampas ko ang balikat ni kuya at tinaas ang kamao ko. Bwahaha takot yan sakin eh.

"Oy kayong dalawa. Umayos nga kayo. Nasa harapan kayo ng hapag kainan tapos nagaaway pa kayo." Umupo si kuya Jared at tinignan kaming dalawa ni kuya Arn.

"Sorry kuya.." Sagot namin ni kuya Arn.

Tatlo kaming magkakapatid. Si kuya Jared ang pinakamatanda.
Napaka-mature ni kuya. Matured siya magisip at gentleman siya. Madaming babae ang may gusto kay kuya pero sabi niya wala daw siyang oras para sa mga babae. Trabaho muna niya ang uunahin niya. Isa pala siyang nurse. Proud na proud kami kay kuya. Matalino kasi siya at napaka daming medal at award ni kuya.

Si kuya Arnold naman ang pangalawa.
Second year college pa lamang si kuya Arn. Isa siyang IT student. Mahilig siya kasing maglaro ng mga RPG games tulad ng Dota. Tinuruan niya akong maglaro nun kaya kung wala kaming magawa, yun ang nilalaro namin. Makulit yan si kuya. Minsan nagaaway kami pero nagbabati naman agad.

Eto naman ako, si Amelia Rivera.
Ako ang bunso sa aming magkakapatid. Ako yung tipong babae na simple lamang. Tahimik, minsan baliw, minsan makulit, masayahin, mahilig magaral at ako yung stereotype ng babae na isang "nerd".

Yes. Nagsusuot ako ng eyeglasses dahil lagi akong nagbabasa ng mga libro at dahil doon, tuluyan nang lumabo ang mata ko.

Lagi akong ini-i-spoil nila mommy at daddy. Dahil ako lang ang nagiisang babae sa aming magkakapatid, nakapa strict nila sa akin pati sila kuya.

May mga manliligaw din ako pero natakot silang lahat dahil sa kanila kuya at papa.
Pero masaya naman ako kahit ganito ang buhay ko.

"Ma, pa, alis na po kami." Yinakap ko si mama pati si papa.

Living in the Same Roof with the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon