Visitors

230 4 2
                                    


Chapter 6


"I DON'T NEED ANYBODY'S HELP!"


Ilang araw na ang nakakalipas mula ng mangyari 'yon. Hanggang ngayon paulit ulit parin sa isip ko ang mga nangyari, pati rin ang mga salitang binitawan ni Heath. Buti na lang hindi kumalat 'yung ginawa ko kay Marie, 'yung ex girlfriend ni Heath.


Tahimik naman sa school. Pero nagaalala ako dahil ilang araw ng hindi pumapasok si Heath. Nakokonsensya ako sa ginawa ko.

 

Dahil ba sa akin? Dahil ba sa ginawa ko kay Marie? Dahil ba sa iniwan ko siyang magisa nung gabing 'yon? Baka naman dahil sa breakup nila ni Marie?


Napabuntong hininga ako at inayos ang gamit ko sa bag ko.


"Oh Amelia, kanina ka pa nakasimangot diyan. May problema ba?" tanong ni Steve.


"Wala lang ito, Steve. Naii-stress lang ako dahil sabay sabay lahat ng mga project natin."


Totoo naman 'yun. Pinagsabay sabay lahat ng mga guro ang projects namin. Madami sa classroom namin ang nagco-complain dahil 'don.


"Huwag ka nga maniwala diyan kay Amelia, Steve."


Ha? Anong pinagsasabi nitong si Laurie?


"Kapag ang babae nakasimangot at mukhang malalim ang iniisip, isa lang ang ibig sabihin niyan. Panigurado dahil 'yan sa isang lalaki." Pagpapaliwanag naman ni Laurie. "O baka naman," huminto siya at tumingin sa akin. "Dahil kay Heath?"


Nanlaki ang mga mata ko. Ibinaling ko ang tingin ko at sinara ang bag ko. "Hindi, 'no. Hay naku, Laurie. Wala akong oras para sa mga lalaki."


"Kaya nga. At saka porket lalaki, si Heath na agad? Paano ako, nandito kaya ako. Hello?" nakasimangot na sagot ni Steve.


Napatawa kaming tatlo at naglakad na palabas ng classroom. Hinatid na ako ni Steve sa bahay. Naging routine na namin na lagi akong hinahatid pauwi ni Steve. Mula ng umalis si daddy lagi na lang nago-overtime si kuya Jared.


"Salamat ulit sa paghatid, Steve. Bukas ulit."


"Haha, no problem, Amelia. See you tomorrow, then."


"Sige, ingat!" Pagkaalis ni Steve pumasok na ako sa loob ng bahay. Tutulong ako ngayon sa pagluluto ng dinner. Darating kasi ang mga pinsan ko galing ng Japan. Dito daw sila magi-stay ng isang lingo, tapos pupunta sa Palawan kasama kami. Kaya medyo excited kami ni kuya Arn. Hehe~


"MA! NANDITO NA AKO!"


"ALAM KO. HALIKA NGA DITO!"


Ang ganda ng pagbati namin ng mama ko, 'no? Ganyan talaga kami maglambing kay mama.

Living in the Same Roof with the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon