Chapter 2

10 2 0
                                    

Maya't-maya ang baling ng driver sa kanyang katabi habang siya'y nagmamaneho. Nakatanaw naman sa bintana ang isa, walang kamalay-malay. Hindi na yata natiis ng driver, pinatay niya ang musikang tumutugtog mula sa sasakyan.

Tumikhim ito habang nakatuon ang mga mata sa daan, "Himala, tumanggap ng bagong detective si Madame Punzalan. Marami-rami na ring sumubok na pumasok sa detective agency niya, ngayon lang siya kumuha ng bago. Anong pang-u-uto ginawa mo roon?"

Sumulyap siya kay Blaine. Napa-kamot na lamang siya ng kanyang ulo dahil wala siyang nakuhang reaksyon mula sa dalaga. "Mahusay ka siguro kaya tinanggap ka niya, 'no?"

Katamikan. Napa-iling na lamang ang driver habang nakatuon ang kanyang pokus sa daan. Kaso hindi talaga siya mapakali, nangangati talaga ang kanyang bibig. "Anong pangalan mo?"

Nakatakip ang kaliwang tenga nang bumaling si Blaine sa kanyang katabi. "Bakit ka naninigaw?"

Natawa ang driver. "Pasensya naman. Malay ko bang hindi ka pala bingi. Ako nga pala si Jona. Ikaw?"

"Pasensya na rin, may iniisip lang ako. Blaine ang aking ngalan."

Napa-tango-tango ang driver. Sumulyap siyang muli kay Blaine at mabilis ding binalik ang atensyon sa daan. "Naiinitan ka pa rin? Itodo mo na ang aircon."

"Ha? Hindi, hindi. Ayos lang, ganito lang talaga ako."

Muli itong sinulyapan ng mabilis ni Jona. "Sigurado ka? O baka naman na-je-jebs ka na riyan? Sabihin mo lang, hahanap ako ng lugar."

"Natural lang talaga ang ganito sa akin. Matagal ka na bang driver ni Madame Punzalan?"

"Ikaw ha, nililigaw mo ang usapan. Pero sige, sasagutin ko 'yan. Halos tatlong taon na akong naninilbihan sa kanya. Ikaw, bakit sa agency ni Madame? Bukod sa nandoon ang limang nag-gwa-gwapuhang detective."

Pinahid muna ni Blaine ang dalawang pawisang kamay sa kanyang pantalon. "Sa ngayon kasi, experience ang habol ko. Kung mas papalarin pa, lubos akong magpapasalamat kung may matutunan ako sa aking mga kasamahan."

Natawa si Jona sa naging tugon ng dalaga. "Asa ka, kung silang lima ang tinutukoy mo. Hindi napipirmi sa agency ang mga lalaking 'yon, parating nasa labas. Kung ikukumpara sila sa isang produkto masasabing kong lagi silang in-demand."

"Ganoon ba?"

"Oo. Tsaka hindi pala-kibo mga 'yon. Mabibilang ko nga lang sa kamay ang mga sandaling nakausap ko sila." Biglang hininto ni Jona ang kanilang sasakyan sa tabing kalasada. Hindi 'yon inaasahan ni Blaine, lumikha ng ingay ang impact ng pagka-ka-untog nito.

"Hala! Pasensya naman, pasensya na. Napansin ko kasing namumutla ka. Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?" ani Jona.

Lukot ang mukha ni Blaine habang hinihimas ang namumulang noo. Inaayos niya muna ang kanyang pagka-ka-upo. "Ayos lang talaga. Huwag mo kong pansinin. Mag-drive ka na. Baka hinahanap na tayo sa pakay nating lugar."

"Aba, dinamay mo po ako. Ikaw lang hahanapin nila, anong kinalaman ko roon? 'Di joke! Sigurado ka ha? Ayos lang talaga pakiramdam mo. Sure na sure ha? Ha? Ha?" Natatawang ani Jona.

Mahinang natawa si Blaine at tumango-tango.

Tanaw na mula sa malayo ang kumpulan ng mga tao. Mayroon ding nakaparadang mobile ng pulis, ilan sa mga ito ay nakatayo sa labas ng isang bahay. Waring kinokontrol nila ang mga tao na malamang ay nakikiusyoso.

"Nandito na tayo, Blaine. Good luck--"

"Pakisuyo naman. Pakitanong sa mga nakatayong pulis sa labas kung nasaan ang bangkay," sagot ni Blaine kay Jona na nagsalubong ang kilay.

"Ano? Bakit ako? Tsaka driver ako Blaine. Wala akong karapata--"

"Pakitanong naman. Pakiusap, Jona."

Napa-atras ang ulo ni Jona habang lukot ang kanyang mukha. Pinagmasdan niyang mabuti si Blaine.

"Sige na, please."

Napabuntong hininga si Jona. Wala na siyang nagawa nang pakitaan siya ni Blaine ng nagmamakaawa nitong mukha. Sinunod niya ang nais nito na puno ng mga katanungan ang kanyang isipan.

"Blaine, nasa morgue na raw. Teka," lumipat ng pwesto si Jona. Umikot siya papunta roon sa lalabasan ni Blaine sa sasakyan. Kinatok niya ang bintana nito, pinagbuksan naman siya ng dalaga. "Huwag mong sabihin na takot ka sa patay. Kaya para kang binabad sa suka riyan."

Lumabas si Blaine at inayos ang pagkakapusod ng kanyang buhok. Tinanaw niya ang bahay, mayroon itong dalawang palapag. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kaharap. "Dahil sa pulang buhok ko kaya akala mo namumutla ako."

"Sus! Palusot mo, Blaine. Oo na lang! Sige na, pumasok ka na roon sa loob. Mamaya na lang ulit, Blaine Matatakutin!"

Panay ang buntong hininga ni Blaine habang siya'y papunta sa entrada ng bahay, waring pinapakalma niya ang kanyang sarili. Kaagad naman siyang hinarang naman ng mga pulis ng tuluyan siyang makalapit sa mga ito.

"Teka, Miss. Bawal ka rito."

"Kailangan po nila ako sa loob. Ako ang pinadalang--"

"Boss! Boss! Mayroong makulit na babae rito. Kailangan niyo raw sa loob?"

Napasulyap si Blaine sa taong paparating. Nangingintab ang ulo nito at kayumanggi ang balat. Mukhang itong Presidente na may PSG sa kanyang magkabilang gilid.

"Hayaan niyo siyang pumasok. Ikaw si Blaine Ducut, tama ba?" tanong nito sa dalaga gamit ang mababang boses niya.

Tumango naman si Blaine bilang kanyang tugon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at matagal na pinagmasdan ang kabuuan ng bahay sa kanyang harapan.

"Ano pong nangyari rito?"

"I'm Inspector Guevarra, by the way. Maraming mga tenga rito sa labas. We must better talk the case inside Pinang Residence, Miss Blaine."

Blaine's DeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon