3

5.8K 118 1
                                    

Their beginning.

flashback>>>>>>

"Anak. Are you ready?" Tawag sa akin ni mama. Napatingin ako sa kanya sa salamin. Today is special. For them. Not me. I hate celebrating my birthday. Palagi na lang kasing engrande. Ayoko ng ganito. Napabuntunghininga ako at tumango. Nilapitan naman niya ako at nakangiting hinawakan ako sa balikat. "This is your day honey. Smile. Okay? Ang ganda mo anak." She said and kissed me on top. Tipid naman akong napangiti at tumango nanaman. "They are all waiting for you downstair. Happy 22th birthday again." Patuloy niyang sabi bago ako iniwang mag isa sa kwarto. Isinara na niya iyon. Napatingin ako sa sarili kong repleksyon. My mother is right. I am beautiful. But behind the beautiful face I have, there's a lot of secrets hidden inside. Ayoko ng ganitong klaseng buhay. I want a normal life. A life without the spot light. The cameras. The news. Simula noong bata ako, parang teleserye ng tinutukan ng media ang buhay ko. Why? Because of my last name. Flaviejo. Kilala sila sa buong mundo pagdating sa negosyo. Just like the Jimenezes' isa din kami sa mga pinakakilala dito at sa labas ng bansa. But there is one thing I envy the most, unlike us, Jimenezes' are very private people.  Hindi nila pinapakita ang pribadong buhay nila. Bayad ang media doon. Sana ganoon din kami, pero hindi. Hindi.

"Are you happy Eunice?" I talked to myself like crazy. Napapikit ako at may pumatak na luha sa aking mata. Pagmulat ko ay medyo nagkalat ang make up sa mukha ko. I know mapapagalitan ako ni Jasper, ang bading na nag ayos sa akin. I touched my face and an idea suddenly came into my mind. This is not what I want. I don't want another birthday celebration like this. I want to spend my special day alone. Without the spotlight. Media men. Or anything that can put me into another news tomorrow. Ayoko na. And so without second guessing, I escaped. Ginamit ko ang veranda at pinagpulut pulupot ang mga kumot na nasa kwarto ko. I want to escape.Naramdaman ako ang malamig na damo hudyat na nakababa na ako. Hinawakan ko ang laylayan ng gown ko at dahang dahang tumakbo para walang makapansin. Alam kong makikita ako sa cctv pero dahil medyo madilim doon sa parte kung nasaan ako ay paniguradong hindi ako ganoon mahahalata. Sumulyap ako sa matayog na gate namin kung nasaan ang mga guards. Andami nila. At kitang kita ko din ang mga bisitang papasok na sa bahay. May mga umiikot ikot ding mga guards sa buong paligid pero dahil nga sa maingat ako ay nakapagtago ako sa malaking halaman na nasa isang tabi. Napatingala ako sa puno kung saan ako aakyat.  I bit my lower lip and think of a possible strategy just to climb safely to the tree. Ito na lang ang tanging paraan para makatakas ako. Inakyat ko ang puno at ingat na ingat para hindi makagawa ng ingay. Konti na lang ay makakalabas na ako sa matayog na gate ng bahay namin. Ilang minuto pa ang lumioas ay nakababa na ako sa kabila sa wakas. Ito na ang labas. Nagtago ako sa isa pang malaking puno di kalayuan sa punong binabaan ko para hindi ako mapansin ng mga taong papasok ng bahay. Itinaas ko ang laylayan ng gown ko ulit at akmang aalis na sana pero bigla akong natigil ng may marinig akong boses ng mga lalake na agad ko namang nakita dahil hindi naman sila ganoon kalayo sa pinagtataguan ko.

"Adam. Don't mess everything up. Tutugtog tayo. Ano bang nangyayari sa'yo at bakit bigla ay ayaw mo na lang pumasok? Dude naman." Narinig kong pinapagalitan ng lalake yung nakatalikod sa aking lalake.

"My girlfriend broke up with me." The guy voice' broke. Natahimik naman silang lahat at napatingin sa lalake.

"Parang yun lang?" Inis na tanong ng isa namang lalake pagkatapos. Napatingin yung lalakeng tinawag na Adam sa lalakeng nagsabi doon.

"You don't say that to me now Brenan. I love my girlfriend kahit pa lagi na lang kami nag aaway!" May galit sa boses na sagot nung Adam. Natawa naman ang mga ibang kasama niya. Kumunot ang noo ko dahil sa imbes na makisimpatya sila ay tinawanan pa nila ang sinabi nung Adam. Tsk!Mga lalake talaga! Hinawakan ng isang lalake yung balikat nung Adam at tatawa tawang umiling iling.

Before there was we (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon