14

4.5K 107 2
                                    

Kaya pa

Kaya kong indahin lahat para sa anak ko. Kaya kong magmakaawa para sa kanya. Kahit masakit sa parte kong makita ang lalakeng sobra akong minahal noon na ngayon ay wala man lang pakialam sa akin, ay okay lang. Sapat na sa akin na masayang magkasama ang mag ama ko. I don't know how was I able to get some sleep last night. Siguro dahil na  din sa  nakatulugan ko talaga ang sobrang pagod ko sa pag iisip.

"Talaga po daddy. Papakilala mo po ako sa friends mo?" Iyon ang nakapagpabalik sa akin mula sa malalim na pag iisip. Napagpasyahan ko ng tumayo sa kama at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sa sala ang mag ama ko. Nakatalikod ang dalawa kaya hindi pa nila ako nakikita.






"Yes son. You'll be meeting them later. Then we'll buy toys after." Nakangiting sagot ni Adam sa anak namin. Napangiti naman ako doon.






"Talaga daddy? Yey." Tumayo ang bata sabay talon sa sofa. "Mommy. Gising ka na." Nanlaki ang mga mata ni Greg ng makita na ako. Ngingitian ko na sana siya kung hindi lamang ako napatingin sa malamig na mga titig ni Adam. Una na akong nag iwas at nilapitan na ang anak ko.






"Lalabas kayo ni daddy mo, always remember na maging mabait at huwag pasaway okay?" Ngumiti ng malapad ang anak ko sabay salubong  sa akim ng yakap.







"Yes mommy. I'll behave po. I love you mommy." Masaya niyang tugon sa akin. "Pero, di ka ba sasama mommy?" Sunod niyang tanong sa akin pagktapos. Pinisil ko naman ang ilong niya sabay ngiti.









"Bonding ninyo ni daddy mo baby. Siya muna kasama mo, may pupuntahan ako ngayon."  Kumunot ang noo ni Greg sa sinabi ko, sumulyap naman ako kay Adam, at ganoon din ang itsura ng mukha niya. Parehas silang nakakunot noo sa akin. 







No. Sasama ka. Cancel whatever that is. Sasama ka sa amin." Bigla ay sabi ni Adam na nagpasaya sa anak namin. Nagtatalon talon ulit si Greg sa sofa. "Go take a bath son, we'll be going out after an hour." Magkakasunod na tumango si Greg kay Adam sabay pasok sa sariling kwarto. Akmang susundan ko na sana ang anak namin pero mabilis na nahablot ni Adam ang aking papulsuhan.





"Paliliguan ko lang si..." Hindi na niya ako pinatapos. Mabilis niya akong hinila papasok sa kwarto at ibinalibag ang pintuan. Napakislot ako sa ginawa niya. Itinungkod niya ang isang kamay sa pintuan at marahas namang iniangat ang baba ko gamit ang isa niyang kamay.







"Saan ka pupunta? Sino ang pupuntahan mo?" Asik niyang tanong sa akin. Napamaang ang labi ko sa sinabi niya. Mariin niyang pumikit at umiling iling bago muling nagmulat. Nag aalab ang kanyang tingin sa akin. "Kung lalake mo ang pupuntahan mo, mas mabuting sumama ka na lang sa amin. Prioritize us, Eunice. ONLY us. Naiintindihan mo? Ako lang ang may karapatan sa'yo. Wala ng iba." Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto kong tumalon sa tuwa pero agad din niyang binawi ang tuwang nararamdaman ko sa sumunod na sinabi niya. "You don't have the right to be happy. Ako lang ang may karapatang sumaya. At ang makita kang masaktan ang tanging magpapasaya sa akin." Kusang lumandas ang luha ko sa sinabi niya. Pinahid niya ang luha ko pagkatapos. Akala ko naawa na siya, yun pala, may mas sasakit pa siyang sasabihin sa akin. "Get ready to face pain Eunice. I'm only starting yet." Pagkatapos niya sabihin iyon ay tumalikod na siya at pumasok sa banyo. 

Before there was we (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon