28

5.5K 131 3
                                    

Demons.

"Ma'am, Sir Montejo wants to talk to you." Naibaba ko ang hawak kong ballpen mg marinig ulit iyon sa sekretarya ko. Hindi pa ba siya napapagod kababalik dito pero wala naman siyang napapala? Hindi ba siya marunong makiramdam na ayaw ko siyang kausapin? It has been six months since we last talked. Iyon yung araw na bumitaw na ako. I can clearly remember how he knelt down and asked for a last chance. Pero masyado akong matigas noon. Ayaw ko ng masaktan pa. At tsaka bakit ba niya akong gustong kausapin? Magkakaanak na sila ni Tamara. Ito ang higit na may karapatan sa atensyon ni Adam. He is her husband for pete's sake. Yes. Husband. Ikinasal pala sila noong panahong wala ako. It was painful. I admit that. Pero anong magagawa ko? At higit sa lahat, anong laban ko? Asawa siya. Napabuntunghininga na lamang ako at pinagsabihan ang sekretarya ko.

"Tell him, I am busy. I don't have time to talk to him." Matigas kong utos. Mukha namang sanay na siya sa mga palusot ko kaya tumango na lamang siya bago umalis. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Muling bumalik si Danna.

"Ma'am, pinapabigay po ni sir." Iniabot niya ang isang card sa aking mesa bago umalis. Napatingin ako doon at kinuha. I am curious alright? Nanikip ang dibdib ko sa naisip kung ano ang laman ng card na iyon. Maybe it's a wedding invitation? Or baby shower? I don't know! Ayaw ko mang basahin ay pinilit ko na lamang ang sarili ko. Napaawang ang labi ko noong makita ang laman ng card. It was a ticket. A concert ticket. Bakit niya ako bibigyan neto? Nasagot ang tanong ko noong makita ko ang isang papel na nakasiksik sa card.

"I won't expect you to come and watch the concert, but I will still hope you'll be there. I miss you so much, baby. I love you. Forever and always."

Napatingala na lamang ako sa kisame ng opisina dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko. Damn this never ending tears. I busied myself after that. And I was glad, I got rid of Adam in my head. Maybe I'll get used to this. I will. And I should.

Natapos ang araw ko at pagod na umuwi sa bahay. Sinalubong naman agad ako ng naghihintay kong anak kasama si mama.


"Mommy.!" He happily called me habang tumatakbo palapit sa akin. He hugged me once na nakalapit na siya sa akin. Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa.




"How was your day, baby?" Tanong ko sabay pugpog ng halik sa mukha niya na ikinahalakhak niya.


"Masaya mommy. Dinalaw ako ni daddy kanina and we played together. Binigyan din po niya ako ng ticket. Manuod daw tayo sa concert niya mommy. I want to watch him play drums. And also sing. Mommy, let's watch daddy's concert please?" Pagpapacute niyang sabi. Napalunok naman ako at napatingin kay mama. She smiled sadly bago marahang tumango. Napatingin naman ako ulit sa anak ko at hinalikan siya sa noo.


"Do you really want to watch your father?" Ulit kong tanong, nagbabakasakaling humindi na lamang siya, pero i failed, dahil iyon pa din ang naging sagot niya.

"Yes mommy. Next week na daw po yun sabi niya. He even pleaded na magwatch daw po tayo. Sabi niya po, he will sing for us daw po." Inosenteng saad ng anak ko. Niyakap ko na lamang siya at tumango tango na lamang.

Dumaan ang araw at paulit ulit pa din ang pagbalik balik ni Adam sa kumpanya para kausapin ako pero palagi pa din akong tumatanggi hanggang sa dumating ang araw ng concert nila. It's not actually his concert. Concert iyon ng bagong bandang pinapasikat niya. Hindi ko lang alam kung ano ang rason at bakit sumali siya sa concert na yun. He was even the main cover of their billboards at pati yung tarpaulins. Siya yung nasa harapan.

Maingay na noong makapasok kami sa arena kung saan gaganapin ang malaking debut ng pinapasikat niyang banda. Hindi pa man din nagsisimula ang concert ay puno na agad ang mga upuan. Adam gave us the VIP seat. Inahatid kami ng mga nakaunipormadong lalake sa harapan. They vowed then left. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumilim ang paligid hudyat na magsisimula na ang concert.

Before there was we (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon