5

4.9K 110 0
                                    

A night with him

"Bwisit na lalakeng yun! Akala mo naman kung sinong gwapo? Feeling at manggagamit!" Inis kong sabi sa sarili habang nakaupo dito sa manila bay sa may Roxas Boulevard. "User! Panget! Ang sarap mong itapon dito sa dagat!" Patuloy ko pang salita. Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayong gabi kaya naman malaya akong sumisigaw ngayon dito na parang tanga.


"Watch your words woman." Biglang may baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko pero hindi ko ito hinarap. Baka may kausap lang iyon na iba.

"Panget! Akala mo gwapo ka? Huh!" Tumigil ako sa pagsasalita. "Oo na! Gwapo ka!" Bawi ko din lang ng marealize na gwapo naman talaga ang mokong na yun. "Pero manggagamit ka!" Parang bitter ko pang sabi at tumayo at pinulot ang heels ko na nasa tabi ko pero muntik na akong matumba at mahulog sa may tubig ng humarap ako. Mabilis naman akong nilapitan ng lalakeng nagsalita kanina na hindi ko pinansin at nahawakan ang bewang ko kaya hindi ako nahulog. Thanks to him but no! Siya ang dahilan kung bakit ako muntikang mahulog dito! Anong ginagawa ng lalakeng ito dito?! Nang makabalik na ako sa postura ay mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin bago ako bumaba. "What the hell are you doing here? Muntikan na akong mahulog ng dahil sa'yo?!" Sita ko agad sa kanya at sinimangutan.


"Really woman?! You're impossible. Ikaw na nga ang tinulungan para hindi ka tuluyang mahulog ako pa ang sisisihin mo? Ayos ka din no?!" Sarkastiko niyang sagot sa akin. Pinantaasan ko siya ng kilay at lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.


"Hoy lalakeng manggagamit! Kung hindi ka sana pumunta dito eh di wala sana akong sisisihin at kung wala ka sana kanina sa likuran ko pagharap ko. Di sana hindi ako magugulat at mawawalan ng balanse! Bwisit!" Sigaw ko na sa kanya at tinalikuran ko na siya. Pero hindi pa man ako nakakalayo ng hawakan niya ako sa braso. "Ano ba!" Lalong lumakas ang boses ko at mabilis ding binawi ang braso ko sa kanya. Namula naman siya pero hindi dahil kinilig kundi marahil sa nainis na din siya sa akin. Ipinilig niya ang ulo niya at napatakip ng isang tenga.


"Can you lower your voice?! Ang sakit sa tenga!" Kunot na kunot ang noo niyang sabi sa akin. Namewang naman ako at pinagdikit na  lalo ang mga kilay ko.

"Gagawin ko kung anong gusto ko. Sisigawan kita kung kailan ko gusto. At wala kang pakialam dahil buhay ko to! Now. Can I go?!" Bulyaw ko nanaman sa kanya. Namumuro na eh!

"I swear to God. You're too stubborn!" Sagot niya sa akin. Pagak naman akong natawa. Diyosko! Bakit ka nasama sa usapang ito?!


"Anong kinalaman ni papa God sa usapan? Pwede ba kasi. Umuwi ka na? Bakit ka ba sumunod in the first place? Diba nga ikaw ang dahilan kung bakit ako umalis sa sarili kong kaarawan? Tapos susundan mo pa ako? Aba gago ka pala eh!" Pitik kamay kong sabi.


"Why are you so mad at me? You met me just this night. But it seems like you already know me for so long. And why are you judging me this fast? You don't even know me me that much. Lady, I will tell you this just now so listen carefully. I don't care if you are a rich brat. A famous girl or whatever you do with your life. At mas lalong wala akong planong gamitin ka. Really? What or who made you think of that? Hindi ako manggagamit. At mas lalong wala akong panahon sa mga ganyan. Sikat ang banda ko. Sumikat kami sa sarili naming sikap. Kaya huwag kang manghusga. At pumunta ako dito hindi dahil gusto ko. Your parents told me to follow you. So, Ms. Eunice Flaviejo? Shall we go home now?" Walang ekspresyon niyang sabi sa akin. And that got me speechless! Natameme ako sa sinabi niya shet. Pahiya ka Eunice. Assuming ka kasi. Sita ng isang bahagi ng utak ko. Napayuko naman ako ng ulo at mukhang maiiyak na pero iniangat niya ang baba ko kaya direktang napatingin ako sa mata niya. Shet ang gwapo mo pala talaga. Mabilis akong napailing iling at tinabig ang kamay niyang nakahawak sa baba ko ng marealize kong attracted ako sa kanya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Eunice ang landi mo! Sita nanaman ng isang bahagi ng utak ko. Narinig ko naman ang pag "tsk" niya. Narinig ko naman ang pagsunod niya sa akin dahil sa mabibigat niyang yabag. Papasok na sana ako sa kotse ko pero naunahan na niya ako sa driver's seat. Nabuksan ko na iyon pero itinabi niya ako para sumalay siya. At doon, bumalik nanaman ang pagka imbyerna ko sa kanya.

Before there was we (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon