8

4.2K 111 0
                                    

It's official.

"Hon. They're here.!" Tawag ni mama kay papa na nasa loob. Agad ko namang nakita ang paglabas ni papa mula sa loob. Tarantang taranta silang dalawa at halatang alalang alala talaga sila sa akin. Nasa veranda silang dalawa ng bahay namin at hinihintay akong lumabas ng sasakyan. "Oh God. We thought we lost you. Don't ever do that again. You almost gave me a heart attack." Umiiyak na yakap sa akin ni mama pagkababang pagkababa ko ng sasakyan.

"I'm sorry my." Nag aalalang paumanhin ko naman sa kanya. Hindi ko mapapatawad kung nagkaroon nga ng atake sa puso si mama dahil sa kagagahan ko. "Papa." Sunod kong nilapitan si papa at niyakap. "Sorry." Paghingi ko din ng tawad sa kanila.

"Don't do that again. Buti na lang naagapan ko ang paglabas ng news tungkol sa nangyari kagabi. Anak. Don't be such a disappointment please." Dismayadong sagot ni papa. Napatango tango na lamang ako habang yakap pa rin niya. "So okay na kayo ni Adam I guess." Napaangat ako ng tingin kay papa. Nakatingin siya kay Adam kaya napatingin na din ako sa direksyon ni Adam. Nakasandal siya sa harapan ng sasakyan niya at pinagkrus ang kanyang mga braso.

"Yes. Actually..Uh." God! Please help me. I don't know what to say. Nang mag angat ako ng tingin kay papa ay nakakunot noo na siya.

"What is it that you want to say honey?" Tanong naman ni mama ng malapitan na kami ni papa. Hinawakan niya ang braso ko kaya napahiwalay ako kay papa. Nangapamulsa naman si papa habang titig na titig sa akin at hinihintay ang sagot ko. Tumingin ako kay mama na nakatingin kay papa bago ako muling tinignan. "Uh. Yeah. We're okay now. Malakas kasi ang ulan kagabi ma,pa. Kaya ano. Kaya di kami nakauwi." Nag iwas ako ng tingin dahil sa hindi ko kinaya ang klase ng titig ni mama.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo Eunice?" Tanong muli ni mama. Napalunok na ako ng sariling laway. Tinignan ko si Adam na nagkibit balikat lamang. Nilaro laro niya na ngayon ang ibabang labi niya habang titig na titig sa akin.

"Yes po. Iyon lang naman." Pagsisinungaling ko pero hindi pa man binibili nina mama at papa ang kasinungalingan ko ay narinig ko na ang mabibigat na yabag ni Adam papunta sa amin.

"You're not proud of me Eunice? That hurts." Pagdradrama pa ni Adam na ikinanlaki ng mga mata ko. Nakangiti siyang inakbayan ako at hinarap sina papa. "Tito. Tita. I want to let you know that I am your daughter's boyfriend. I hope you can give us your blessing." Lalong nanlaki ang mga mata ko maging ulo ko ay nanlaki na din yata?! The nerve of this guy. Napatingin ako kay mama. Nakamaang ang bibig niya. Napatingin ako kay papa. Expressionless naman siya. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan.

"Wow. That's good news." Bigla ay tuwang tuwang salita ni mama kaya napaangat ako ng mukha. Nakanganga pa akong tinignan si mama na pumapalakpak na ngayon.

"Congratulation to the both of you. Adam. Take care of my daugher okay? Or else, I will hunt you down." Sabat naman ni papa na lalong ikinalaglag ng panga ko. Really what the hell is happening?

"I promise not to hurt her tito." Segindang sagot naman ni Adam. Nag usap pa silang tatlo pero masyadong wala ako sa sarili kaya hindi ko na maintindihan ang usapan nila. Naramdaman ko na lang ang pagpisil ni Adam sa kamay ko na ngayon ay hawak na niya pala. "Hey. You're spacing out." Sabi pa niya sa akin.

"Oh. Sorry." Paghingi ko ng paumanhin. "May sinasabi ka ba?" Dugtong na tanong ko naman.

"They like me. So this only means, we're official now. And, look, with your parents consent." Ngising sabi niya sa akin.

"Baliw. Joke joke lang naman ito diba?" Di makapaniwala kong tanong na ikinakunot noo niya. "What? May nasabi ba akong mali?" Takang tanong ko pa.

Before there was we (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon