Third Person P.O.V
Nawalan si Robbie ng malay sa Daan.Ang hindi niya alam ay nahimatay siya sa tapat ng isang mansion na Pagmamay ari ng isang mayamang Mag-Asawa.Dumating sila at nakita nila si robbie sa Tapat ng kanilang gate.
"ay! bakit may patay sa harap ng gate natin!" sabi nung babae.Bumaba ang kanyang asawa lumapit siya kay robbie at kinapa niya ito sa Leeg.
"Buhay pa siya.nawalan lang siya ng malay".sabi niya sa asawa niya.
"Mang Rudy,Pakibuhat naman yung bata at ipasok siya sa bahay."
"Opo maam." Binuhat ni mang rudy si Robbie at dinala ito sa loob ng bahay.Robbie's P.O.V
Marahan kong binuksan ang aking mga mata. Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang magarang silid.Sa kaliwa ko ay nakatayong Mag-asawa na naghahanda ng pagkain at Sa kanan ko ay isang Nurse na Ginagamot ang aking mga Sugat at Latay sa Katawan. Ang aking damit ay hindi na napunit para bang Pinalitan ito at Malinis ang Aking katawan na para bang bagong Ligo. Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa buong katawan ko.Humawak ang babae sa Aking kamay "Ok ka lang?" Tanong niya. Sinubukan kong Ibangon ang aking katawan para makaupo "nasaan po ako?" Tanong ko. Ngumiti siya sa Akin at sinabi niyang "Nasa bahay ka namin.".Lumapit sa akin ang Lalaki at nagpakilala "Ang pangalan ko ay Delfin Mariano at ito ang aking Asawang si Maria Belinda Mariano at ikaw ano ang pangalan mo?"
Dahil sa mga sugat ko, hindi ko nasagot ang Tanong nila. "Aray ko po" Sinabi ko nang binasa ng nurse ang isang Bulak sa alkohol at Pinahid sa sugat ko. "Diyos ko!, Mukhang Nakaranas itong bata ito ng pang-aabuso Judging from his Wounds" sinabi ng Nurse. "Anak,Mayroon bang gustong pumatay sayo?Nakaligtas kalang ba?Gusto ma na Ireport natin ito sa mga pulis para makulong kung sino man ang Gumawa sayo nito? " Sinabi ni Mrs.Mariano. Hinawakan ko ang braso niya at Sinabi ko na "Wag po,Please?".
"Ano po ba ang nangyari sa'kin?" tanong ko.
"Natagpuan ka namin sa Labas ng bahay na nakahandusay at walang malay.Kaya We took you in.Pinalitan namin ang damit mo at Tumawag kami ng Nurse para gamutin ang mga sugat mo."Sagot ni Mr.Mariano
Humawak ako sa tagiliran ko at sinabi ko sa Kanila na "Salamat po sa Pagtulong kapag po bumuti na ang pakiramdam ko at gumaling ako,Aalis rin po ako"
"Taga saan kaba?" tanong ni Mrs.Mariano
"Wala na po akong bahay ehh." sabi ko
"Why?what happened?" tanong ni Mr.Mariano
"Mahabang kwento po,Basta po as soon as Gumaling po ako,aalis po ako agad"
"Nako,Wag mo munang isipin yan.Ang mahalaga kailangan mong magpalakas" sabi ni Mrs.Mariano.Nagulat ako dahil sa Taglay na kabaitan ng mag asawa sa'kin kaso naalala ko si Aling beth.Papano kung kagaya rin sila ni Aling beth?Animoy mabait ngunit kapag nalaman nila ang totoo na ako pala ay pusong babae saktan o hamakin rin nila ako."All he need is a Rest to regain his strength and Also you need to treat his wounds Two times a day for Faster Recovery" sabi nung nurse.
"Thank you,Nurse Joy" pasasalamat ni Mrs.Mariano
Nilagay ng nurse ang Kanyang stethoscope sa kanyang Case at umalis.
"ayan ahh narinig mo ang sabi ng Doctor,You need to rest" Sabi sakin ni Mr.Mariano habang hinihimas ang buhok ko.
"Nakakahiya naman po" sabi ko habang Kinakamot ang aking leeg.
"No Biggie,Make yourself feel at Home"-Mr.Mariano
"Oo nga,Anak.Suit yourself"-Mrs.Mariano
Ipinikit ko ang aking mata at dahan dahan akong natulog.Kinabukasan,Nagising ako dahil may narinig akong kumakatok sa pintuan.Dahan dahan itong Binuksan ni Mr.Mariano,Pumasok si Mrs.Mariano bitbit ang isang tray na may pagkain.
"Hello,Sweetie.Good morning!Kain kana" Bati niya sakin umupo siya sa tabi ko tapos kinuha ang kutsara at sumandok ng Lugaw sa mangkok.
"Here,Nak.Eat this,Ako ang nagluto niyan"
sabi niya habang nilalapit ang kutsara sa aking Bibig.
"Hindi niyo naman po Kailangang gawin yan Maam,Nahihiya po Ako sa inyo ehh"
"Ano kaba,Wala yun noh Tsaka Don't call me Ma'am Hindi ka naman namin trabahador dito ehh"
"Salamat po sa lahat ng tulong niyo sakin.Hindi niyo naman po ako kilala pero pinili niyo pong tulungan ako"
"Ganun talaga anak,Kapag may nangangailangan ng Tulong marapat lang na sila ay tulungan" sabi ni Mr.Mariano
"Anak,Ano nga ba ang pangalan mo?"- Mrs.Mariano
"Ako po si Roberto Marquez pero tawagin niyo nalang po akong Robbie."
"Ilang taon kana Robbie?"Tanong ni Mr.Mariano
"Nine Years old po" tugon ko.
"Ahhh Honey,Hindi muna ako papasok sa Trabaho kasi kailangan ng mag aalaga dito sa bata." sabi ni Mrs.Mariano
"Ok Fine,I'll handle our Clients" sagot ni Mr.Mariano
"Nako,Wag na po nakakahiya ehh" sabi ko.
Ngumiti sa'kin ang mag asawa sabay sabi na
"You need someone na mag aalaga sayo"
"pag lumakas kana ipapakilala kita sa mga Kasama natin dito sa bahay." -Mrs.Mariano
"O Honey,I have to go.Take care,Ok? hinalikan ni Mr.Mariano si Mrs.Mariano sa Noo "Robbie,Pagaling ka ahh" sabi niya sakin.Lumabas siya ng pinto at Umalis.
"Ma'am ano po ang trabaho niyo?"
"May ari kami ng isang Silk factory at mayroon kaming Kompanya na Mariano's Apparel."
Pinakain ako ni Mrs.Mariano ng mga Masusutansyang pagkain.Napansin ko na nakatingin siya sa Bawat Kilos ko.
"Anak,I Hope you don't Mind pero Bakla kaba?" Tanong niya.Napatahimik ako dahil sa Tanong niya,Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanya.Natatakot ako na kapag nalaman niya na Pusong babae ako baka saktan at palayasin rin niya ako gaya ni lolo at aling beth.pero mas nanaig sa'kin ang pagiging totoo ko sa sarili ko at buong tapang kong sinagot ang tanong niya.
"Opo,Sorry po ahh at naiintindihan ko po kung gusto niyo akong palayasin"
Tumingin siya sa'kin tapos bigla siyang natawa.
"Bakit naman kita palalayasin?dahil sa Gay ka?I'm not Ignorant." sabi niya
natuwa ako dahil aking narinig.
"Talaga po?Hindi niyo po ako palalayasin?" "of course not,Why should I? alam mo natutuwa ako sa mga kagaya mo kasi walang kwenta at boring ang mundo kung wala kayo.Lalo kana kasi kung tutuusin pwede kang magsinungaling sa akin eh pero hindi mas pinili mo ang maging totoo sa sarili mo and that is the most noble thing anyone can do,Ang maging totoo sa sarili" sabi niya.Hindi ko maipaliwanag pero biglang gumaan ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya.Para bang nananaginip ako.Sa wakas,Nahanap ko na ang Lugar kung saan Ko makikita ang tunay na kahulugan ng Kaligayahan.Pagtapos ay inalalayan niya ako palabas sa Kwarto,Bumaba kami sa sala at inupo niya ako sa Sofa.
"Everyone come here" sabi ni Mrs.Mariano
dumating ang lima niyang tauhan at kasambahay.
"Ok,Everyone This is Roberto but he preferred na tawagin siyang Robbie.So From now on,He's part of our family.Wag niyo siyang ituring na iba kasi He's one of Us,Understood?"
"Yes,Mrs.Belinda" sabi nila
"Ok,Robbie sila ang mga makakasama mo dito sa bahay" pinakilala niya sakin isa isa mula sa kanan papunta sa kaliwa
"Siya Si Manang Soledad,Ang Head maid ng bahay.Siya naman si Aling Celie,Cook dito sa Bahay tapos ito naman si Mang Rudy ang Driver natin and sila naman sina Manang Lucia at manang Edna Tagalinis ng bahay."
"Hello po,Masaya po akong nakilala ko kayo" sabi ko sa kanils ng may ngiti sa aking mukha.nabuhayan ako ng loob at para bang Pakiramdam ko na ito ang bagong simula ng maganda at makabuluhang kabanata ng Buhay ko.
YOU ARE READING
The Journey of a Transwoman
RomanceThe Journey of a Transwoman follows the life struggles of Roberto "Robbie" Marquez, a woman trapped in a man's body. All his life, he dreamed and hoped to be the best for his family. He comes from a long line of police officers and soldiers. His gra...