Chapter 1:The Beginning of Robbie's Tale

305 10 0
                                    

Robbie's Point of View

*_*Flashback*_*

October 17,2000,Araw ng aking kapanganakan.Ang Araw kung saan ibinuhos lahat ni Mama ang kanyang lakas upang mailuwal ako dito sa mundong aking ginagalawan.Tuwang tuwa sina Lolo at Papa dahil sa Isinilang na ako.Matagal daw nilang hinintay ang pagdating ko,Dahil sa Ako ang kaisa- isang Magtutuloy ng Lahi ng matatapang.

Noong bata pa ako,Madalas kong Galawin ang mga Gamit ng Mama ko,Ang kanyang mga Bestida,Kolorete at Matataas na Sapatos.Akala ko noon magiging masaya ako dahil sa Kabilang ako sa pamilya nila Lolo,Ngunit Mali ako.Lumaki ako na Walang sariling desisyon at laging sila Lolo ang nagdedesisyon para sa akin.
Sila ang Nagdesisyon kung ano ang Gusto kong Maging Paglaki at iyon ay ang maging Isang magaling na Sundalo.
Ang hindi nila alam na Bata pa lamang ako,Alam ko na may Mali na sa aking pagkatao.Napapansin noon ng mga kalaro ko at ng mga kapitbahay namin na sadyang lalambot lambot ako kumilos kaya naman lagi ako tinutukso.Hindi naging madali ang buhay ng isang kagaya ko.

Habang lumalaki ako ay nararamdaman ko na nasa maling katawan ako.Alam ko na Lalaki man ang aking panlabas na anyo,Ang puso,Isip at ang kaibuturan ng aking pagkatao ay Babae Ako,Isang Babae.Naalala ko noong Anim na taong Gulang pa lamang ako,Napapansin ni Mama ang mga Kilos ko na sadyang Malamya o Malambot para Isang Lalaki. Kaya naman Sa Murang Edad ay naranasan kong magtago para hindi magalit sa akin sina Lolo.

Tatlong Taon kong Tinago ang Totoo kong pagkatao kay Lolo. Noong Siyam na Taong Gulang na ako
unang araw noon ng Klase ko sa Ikaapat na Baitang.Ginising ako noon ni Mama Virginia (Gina) para Pumasok sa Paaralan.

"Robbie,Anak,Gising na Papasok na tayo sa school" sabi niya habang niyuyugyog ang katawan ko upang ako'y Magising. Napaunat ako at Humikab bago bumangon sa aking higaan.Amoy mula sa Kusina ang Mabangong Amoy ng Ulam na niluluto ni Mama

"Hmmmmmm Ang bango po mama!"
Sabi ko habang naka tayo sa tabi niya at nag-uunat.

"Uyyy Tocino! Favorite ko po yan!" Tuwang tuwa kong Sinabi sa kanya habang nakayakap ako sa kanyang bewang.

"Oo naman anak! para Mas lalo kang ganahan sa Pag aaral mo" sinabi sa akin ni Mama. habang Hawak ang aking Ulo.

Nag almusal kami kasama ang aking Pinsan na Si Maria Angela pero tawag ko sa kanya ay "Angela" lang.Pagtapos ng Agahan,Naligo na ako mag isa para hindi na lalong Mapagod si Mama.
dahan-dahan akong kumilos upang hindi magising ang Noo'y natutulog kong Kapatid na Si Justin Cedric(Jc).

Limang taon pa lamang siya noon kaya Sobra ang aking pag-iingat upang hindi siya magising.
Nang makita ko na ang Aking Uniporme,Kinuha ko ito.

"Robbie,Anak, Tapos ka na ba? Ihahatid pa kayo ng Lolo at Papa mo"Sabi ni mama habang siya ay nakatayo sa may Pintuan. Si Angela ay nakabihis na at handa na siyang pumasok sa Paaralan.
Napansin ko na bakit parang magkaiba ang Suot niya sa Suot ko.
Sinuot sa akin ni mama ang Polo ko,Habang binobotones niya ang uniporme ko,Hindi ko maiwasan ang magtanong.

"Mama,Bakit po hindi kami magkaparehas ni angela ng Suot ng Uniform?" Tanong ko,Medyo mahinhin at mahina ang boses ko noon,siguro dahil sa nalilito ako

"Ummmm,Ganto yan anak,Alam ko na noon palang ang Totoo.Kahit anong tago,Hinding hindi mo maaalis sa'kin na Malaman yun kasi ako ang nagluwal sayo.Lalaki ka kasi anak,Alam ko na may Pusong babae ka ehh pero anak kahit anong gawin natin,Lalaki ka parin" Sinabi niya sa akin habang hawak niya ang mga balikat ko.

Sinukbit ko na ang Bag ko.Hinalikan ko si Mama at Jc,Nagmano na rin ako sa Aking Lola Feliciana na nanonood ng Telebisyon sa Sala at Sumakay kami sa Kotse ni Lolo Amorsolo,Isa siyang General ng mga pulis Habang si Papa Lando ay Isang Colonel ang Papa naman ni Angela na Si Tito Jonel ay Isang Sundalo.
Kilala ang Pamilya namin Sa Larangan ng Pagsusundalo at Pagpupulis.Nagsimula ito noong Sa Lolo ni Lolo Amorsolo.Pagtapos ay Sinundan ng kanyang ama ang mga Yapak ng kanyang Lolo Celestino.
Dahil sa karangalan ng Pamilya.
at bilang panganay na lalaking anak ni Papa,Nasa Tradisyon ng Pamilya,Dapat may Isa o Dalawa kang Anak na lalaking Magiging sundalo at ako ang inaasahan nila na magpapatuloy ng kanilang nasimulan.

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now